photo

Hindi talaga kita gusto nung una tayong magkita. Naalala mo ba nung ine-end ko mga tawag mo. Or kung kausapin man kita lagi akong iritable? Hindi ko alam kung kelan o paano ako napamahal sa yo. Naalala ko yung unang date natin. Nauna ka na sa loob ng sinehan tapos ako dumating halos kalagitnaan na ng Reel Steal. Natawa ka na lang nung nakita mo kong hinahanap kung saang cinema sa ba yung movie. Nung gustong gusto ko manood ng palabas ni Vice Ganda pero sabi mo hindi ka mahilig sa mga Pinoy Movies nakokornihan ka. Asar na asar ka nung tawa ko ng tawa sa movie house. Sabi mo pa sa kin ang babaw ko. Pero sinamahan mo pa rin ako.

Naalala ko nung pangalawang date dapat natin noon. Hindi kita sinipot dahil sobrang traffic at galing kaming Resorts World ng pamilya ko. Gusto mo noon na magpalipad tayo nung flying lantern. Kaso hindi kita nasipot. A missed opportunity sabi mo nga. 11-11-11 pa naman yun. at 11:11pm magpapalipad. Sabi mo nga, lagi kong tinutweet yung oras na yun, sayang hindi tayo natuloy nun. Itatanong mo pa sana kung pwede na tayo maging tayo noong oras na yun. Hindi rin siguro kita sasagutin noon. Pinag-antay at hindi kita nasipot pero andiyan ka pa rin. Hiyang hiya na ko sa sarili ko.

Ayaw ko sa lahat yung iniinit yung ulo ko. Mabilis mag-init ang ulo ko at mabilis ako mairita. Magaling kang magpainit ng ulo ko pero nakita ko na kaya mong maghintay para lumamig ulo ko. Magaling ka ring mambwiset pero hindi ko alam baket natatawa ko pag nastastart na ko mabwiset sayo. Naalala ko nung nasa MOA tayo, Christmas Party nung Trend at invited ako. Sabi ko sayo mabilis lang ako sa loob ng SMX pero napatagal ako sa loob. Nasa MOA ka lang. Mag-isa. Pinaghintay ko. Hindi ka nagreklamo. Ako pa nagalit sa yo nung ayaw mong sumama sa after-party videokehan ng dati kong team. Pero sumama ka pa rin. Sinamahan ako hanggang mag-umaga. At tawag na ata ng tawag ang nanay mo noon. Ngayon lang ako natauhan na ang sama ko sa yo dati.

Ang dami ko naging atraso sa yo sa totoo lang. Naalala ko yung binisita mo yung project niyo dito sa San Juan and gusto mo tayo maglunch. You waited for 1 hour. Then nung nagkita tayo, sinigawan mo ko na wala ka ng gana maglunch and umalis ka at iniwan ako. Dun ako natauhan. I’ve been mistreating you for the longest time. Natakot ako nung hindi ka na nagtetext at nagpaparamdam. For the first time nagsorry ako sayo. Tinalo pa nito yung Greenbelt incident natin. Tinalo pa nito yung after Valentines Date natin. Natakot ako na mawala ka. Dun ko narealize na gusto na pala kita.

When I date people, sinasabi ko lagi about my Barbie collection. Yung iba natuturn off at kebs. Pero ikaw, natuwa ka pa! Haha! Simasamahan mo pa ko sa mga doll meet ups ng mga doll groups ko. Tapos nung nagpaparty ako sa bahay andito ka rin super support sa mga kagagahan ko. Pati mga kaibigan ko kilala ka na rin. Ako naiintindihan ko kung hindi mo ko maisama sa mga friends mo. In time masasabi mo rin sa kanilang bakla ka. Hahaha! I can wait. Pero kung hindi ka man dumating sa point na yun, maiintindihan ko pa rin. In time. Na weirduhan lang ako nung pinatext mo sa kin ng Happy Birthday yung best friend mong babae. Hmmm… ano kayang iisipin nun? Hahaha!

Lagi mo kong pinipilit magsimba. Hahaha! Naalala ko pinagalitan mo ko kasi utak ko wala sa misa at ang daldal ko. Eh susme naman kasi 2 hours na Easter Mass? Utak ko talaga lumilipad na! Hahaha! Nainis ka pa sa kin one time dahil mas inuna nating kumain kesa magmisa. Ayan tuloy wala tayong naabutan na misa! Hahaha! Naasar ka ata sa akin. Sorry naman gutom na gutom na ako nun! Hahaha!

Ang hilig mo rin kumanta! Hahahaha! Pero hindi mo naman maabot mga kanta! Hahaha! Naalala ko nung nagboses babae ka tawa ako ng tawa. Sabi ko, bagay nga lang talaga sa yo mga mababang kanta lang. Di ka pwedeng bumirit! Hilig mo pa kantahin ang Alone! Hahaha! Pag nasa kotse tuloy pinatutugtog ko Alone at hinihintay kong bumirit ka para mag GV ako! LOL! Hahaha! Kailangan pa natin ng maraming videoke session para maabot mo yan okay? Hahahaha!

Simula nung narealize ko na hindi kita kaya mawala, gumanda pag sasama natin. Naging masaya. Naging sobrang okay. Siyempre hindi maiiwasan mga selosan sa mga dating aura. Nung sinabi mo sa kin na hindi mo ko iiwan kahit iwan pa kita, I knew, mahal mo nga talaga ako. I used to say those words sa tanong minahal ko. Ramdam ko na kailangan mo ko. Ramdam ko na mahal na mahal mo ko. Nakita ko sayo sarili ko. Na kahit ilang beses kitang itaboy andiyan ka pa rin. Na kahit ilan pa nakadate mo habang lumalabas tayo, sa akin ka pa rin bumabalik. Na kahit ilang beses tayo mag-away, nagbabati rin tayo. Na kahit laitin kita at laitin mo ko, alam natin na ganun tayo maglambingan. Na kahit lahat ng sagot mo sa kin pajoke. Na kahit sabihin mo sa kin na naaalala mo lang ako pag natatae ka! Hahaha! Nakakainis ka pero mahal na mahal kita.

Salamat dahil tinuruan mo ulit puso ko magmahal. Nung akala kong wala ng magmamahal pa sa akin, dumating ka ipinaramdam mo na mahal mo ko. Nung lagi kong kinukwento sa yo mga dati kong minahal. Oks lang sayo. Pag nagsasabihan tayo ng crush. Etc. Etc. Etc. Natatakot ako. Natatakot ka rin. Pero kaya natin toh. Walang iwanan okay? I love you :)

Posted by jjcobwebb on April 25, 2012 at 12:34 PM | 1 comment(s)
Comment posted on October 5th, 2012 at 04:02 PM
wow, sweet naman ng lambingan nyo! hehe...nakakatuwa kayo. but sometimes, not all sweets are delicious. you have to find what is really sweet in the name of love...something where the sweetness could last for a lifetime. nice day, subtlebliss!:)
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.