In A Relationship
Well, not yet. Hahaha! Napaisip lang ako ano ang mga gusto ko pag nagkaroon man ako ng karelasyon sooner or later. Pwede ring never. Hahaha! Hanggang ngayon, hirap pa rin ako isulat o i-enumerate mga bagay bagay na gusto ko sa isang relasyon. Sa aking magiging karelasyon. Iba iba naman kasi timing ng mga tao. Iba iba rin ang pagtrato ko. Siguro lang, eto ang mga natatangging eksena na gusto ko mangyari pag may karelasyon na ko.
May Oras
Swapang kasi ako Mr. T!. Gusto ko talaga may oras sa kin yung taong magiging karelasyon ko. Pero sabi ko nga, kahit pangatlo lang ako sa oras niya keri lang. Basta una Diyos and pangalawa pamilya niya. O ha! At least hindi na medyo swapang. Kahit hindi kami madalas magkita o hindi man magkita at all, ang gusto ko maramdaman ko na andiyan siya. May text, email, iMessage, BBM, Twitter, Webcam, Facetime etc. Walang pwedeng maging excuse para hindi kami maging in touch sa isang araw.
Balance
Ayoko ng masyadong seryoso. Ayoko rin ng masyadong majoke. Ayoko rin ng super drama. Susme! May oras para magjoke at may oras para magseryoso. Gusto ko pag may seryoso akong tanong, seryoso rin ang sagot. Umiinit ulo pag pajoke akong sagutin sa mga tanong na seryoso kong binato. Nakakapagod ang laging nagjojoke. Nakakapagod din ang laging seryoso. Gusto ko ng balanse lang. Nasa lugar. Nasa timing.
May Pangarap
Sino ba naman may gusto sa taong walang pangarap? Ako kasi may pangarap. Sana magiging karelasyon ko may pangarap din at gumagawa ng paraan para makamit mga pangarap niya. Mahirap naman yung ako lang nangangarap at gumagawa tapos siya nganga lang. Hindi ba’t mas maganda yung sabay kaming nangangarap at gumagawa ng paraan para makamit mga pangarap namin para sa isa’t isa? Ahihihi… sweet…
Ayan lang mga naiisip kong akma sa kin Mr. T! Siyempre sa relasyon ineexpect mo na na magiging tapat yung karelasyon mo sa yo. Naging kayo pa kung wala kang tiwala sa kanya. Hindi issue sa kin ang pera. Kung sino ang meron at willing magtreat sa ganito at ganyan go. Hindi ako swapang pag dating sa mga material na bagay eh. Kung magbibigay ako ng bagay sa magiging relasyon ko, kebs ng iba. Pera ko yun. Kung may bibigay karelasyon ko sa kin, kebs din ng iba. Ubusin niya pera niya, kebs. Pera niya yun. Ubusin ko pera ko, kebs din ng iba, problema ko na yun. Hahaha! Never magiging issue ang pera sa akin. Hindi lahat ng bakla materyoso. May iba lang talaga willing magbigay, nakakahiya naman kung hindi natin iaaccept or vice-versa. Basta mahal niyo isa’t isa, and alam niyo sa isa’t isa yun, it’s more than enough.