Makapag Update Lang
Bago ako matulog, maguupdate muna ko. Just like the old dayzzzz… I miss this Mr. T! Yung tipong laptop lang ang bukas na ilaw sa kwarto. Ang difference lang may mga Barbies sa tabi ko! Hahahaha! Anways, ayun nga, baket gising pa ba ko? Hahaha! Kasi may bisita kanina dito sa bahay. Kung sino man yun, pinakanta na naman ako ng mga tao dito para ientertain ang bisita. Hahaha! So yun nga, nagkausap kami ni Tom kanina sa phone!!! Grabe! Ilang milyon na taon ko ng hindi nakausap si Tom! Parang last namin na kita ay yung sinama ko siya sa date ko dahil nakadate niya yung dinedate ko. Lakas din ng trip ko noh? Nung nalaman ko talagang nakadate ni Tom yun, sinama ko si Tom sa date namin. Ayun, nagalit sa king yung date ko. Hahahaha! Lakas ko mambasag ng trip. Kami ni Tom umuwi ng sabay. Hahaha! Na imbyerna yung date ko. Hahaha! Super funny. Anyways, ayun… may surprise si Tom! OMG, parang after ilang years, may BF na siya! Hahaha! Parang buntis lang noh? Natuwa naman ako. Lagi niya raw ako kinukwento sa BF niya and gusto niya makilala ko jowa niya. Weee… nakakatuwa. So ayun lang hahaha! Ayoko na magback track ng mga stories ko Mr. T! Basta ang alam ko, may gana ulit akong magsulat. Hahaha! Kung ano man ang dahilan hindi ko alam. Basta sulat lang ng sulat. Di ba nga Mr. T! sabi ko sayo di kita iiwan? Minsan talaga may topak lang ako! Hahaha! Anyways, yan na muna. Ay, siya nga rin pala, super tagal din namin nag-usap ni Migs sa phone last weekend! Grabe! Touched ako sa lahat ng sinabi niya. Naluha ako ng very light. Haha! Parang nakapabait kong tao sa mga sinabi niya sa kin. Parang ayaw ko maniwala. LOL! Anyways, si Migs masaya na sa GF niya, ang gusto niya rin mameet ko ang GF niya dahil nasabi niya pala lahat dun! Haggard! Baket ganun, meet meet na lang ako ng mga jowa ng friends ko!? Kelan kaya yung oras na may ipapakilala naman akong jowa? Hahaha! O siya, yan muna update ko. Ang sarap mag blog ulit. Parang ibang tao na ko Mr. T! baket ganun? Hahaha! Or feeling ko lang tumanda na ko? Hahaha! Nakakatuwa. Update you soon! :)