I Am Ready for Love
Sobrang salamat kahapon na kahit hindi ako sumipot at pinaghintay kita from 8pm-12am ay naintindihan mo ko. Hahaha! Grabe ugali ko na ata toh Mr. T! Hindi ko naman kasi inaasahan na matatapos yung American Idol Live ng super late. Hinintay pa kasi namin ni Mama yung mga contestants backstage eh. Ayun, hindi na kami nakapagkita. Nagalit sa kin kagabi tuloy. Inantok na rin talaga ko kagabi Mr. T! Hindi ko na kinaya antok ko. Alam mo naman ako, ANTOK vs KAHIT ANO eh antok ang pipiliin ko. Proven na yan. Hahaha! So ayun, super galit sa kin kagabi. Eto pa ang matindi, nakalimutan ko phone ko sa bahay kanina. Pagkauwi ko, 12 missed calls na! Grabe lang, nafrufrustrate na raw siya. Sorry talaga ko ng sorry kanina and then ngayon, kauuwi ko lang dahil nagkita ulit kami. :)
Nakasmile ako ngayon Mr. T! Masaya ko. :) Para kong natutunong maglakad ulit. Sayang nga nagdala pa ko ng kotse kanina! Sana nagpahatid na lang pala ko! LOL! Anyways, ayun, since may flight ako bukas, we made sure na magkikita kami ngayon. Wala lang, para kaming ewan sa kapihan kanina. Naglaro ng AirHockey sa iPad. Nagpicturan. Tapos naglakadlakad. Kailangan ko umuwi ng maaga dahil maaga flight namin. O di ba nagboblog pa rin ako! First trip namin toh kasama buong pamilya ko. Yep, kasama ang tatay ko. Excited na ko. So happy right now. Nakakatuwa at may sumusubok umintindi sa kin. Hindi ko inasahan na after no show ako kahapon, maiintindihan niya ko. Minura niya lang ako tapos natawa siya. Hahaha! Siyempre ako sanay sa mga ganung eksena, minura ko rin siya. And then hinug niya ko. In love ba ko? Hahaha! Kung may patutunguhan man to Mr. T!, sisiguraduhin kong ibibigay ko yung higit pa kesa nung una kong sobrang nagmahal. Masaya ko Mr. T! Ang tagal ko ng hindi nararamdaman toh eh. Nagsasanib pwersa utak at puso ko ngayon and bihira toh mangyari. Natutuwa ako sobra. Pero siyempre, binabalikan ko pa rin ang nakaraan, sinusubukan ko palaguin ang sarili ko. Itama or at least iimprove mga bagay na naging mali ko dati. Twice lang nagkasundo utak at puso ko, and this will be the third. Sana eto na ang pinakahihintay ko... :)