Nakakailang
Naniniwala ako na may mga dadamin na hindi nawawala. Pero, meron din naman na as in totally, biglang mawawala. Last Saturday, naramdaman ko yun. As in wala na talaga Mr. T! Kaya siguro sinabihan ako nang may sakit ako dahil hindi ko alam ang sasabihin or pwede pang pag-usapan. Blank. Kaya kung sunod sunod lang ako last Saturday. Hindi ako sumabay sa steps. Wala akong maramdaman grabe. Kahit nung nagdadrive na ko pauwi, parang blanko na talaga pakiramdam ko. Pati utak ko. Hindi ko na kasalanan ang dapat sisihin puso ko. Parang nareset talaga o para kong nagkaroon ng amnesia. Nangyayari pala sa tunay na buhay yun. Tatanungin mo na lang ang ibang tao ng "who are you?". Hindi mo na sila kilala. Parang nakalimutan na nila ang ginawa nila sa yo. Mamanhid ka na lang bigla. Hindi talaga bumuka bibig ko. Mas tahimik pa ko sa hangin. Siguro naguluhan nga sila. Sasabihin nila na hindi ka na rin nila kilala. Hindi ako nagbago Mr. T! Sinaktan lang nila ko and akala nila okay lang mga ganung bagay sa akin. Wala na kong nararamdaman pero hindi ko malilimutan. Pasensya na...