Ang loser ko na. Umaasa pa rin ako sa mga bagay bagay na hindi na pwede mangyari. Ang daming whatifs na pumapasok sa utak ko. Na kung sana yung ugali ko hindi ganito, ano kaya yung kinahinantan ng mga bagay na gusto ko mangyari. Minsan nagsisisi ako sa lahat ng pinaggagawa ko. Minsan nagagalit din ako sa sarili ko. Minsan sa madalas, naaawa na rin ako sa sarili ko. I may look happy and contented sa buhay ko pero alam mo yun, ang laki pa rin ng parte na may kulang sa kin. As much as possible, I try to fill that void dahil wala rin namang ibang taong responsable sa kasiyahan ko kung hindi ako. Lumabas, kumain, dinner, videoke, inom etc. Pero pag uwi mo ng bahay bago matulog malungkot ka pa rin. Masakit. Nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon. Wala ni isang araw na hindi ka pumasok sa isip ko. Pag naririnig ko yung kanta ni Adele na "Someone Like You", ikaw naiisip ko. Ramdam na ramdam ko yung sakit sa linyang "don't forget me I beg". Nakakapunit ng dibdib. Alam mo minsan pag nangagarap ako, ikaw pa rin yung kasama ko sa pangarap ko. Weird noh? Sinasaktan ko lang talaga sarili ko. 

Lessons are learned. People change. We all get hurt. Sabi rin ng iba magmamahal naman daw ulit ako. Hindi ko na kaya kung hindi lang ikaw. Ilang beses ko ng sinubukan eh. Sorry ah alam kong mali na ibigin ka pa. Dito na lang siguro ako sa isang tabi at pagmamasdan ka at itatago ko na lang sa sarili ko ang pagmamahal ko sa yo. Pasensya na sa mga nagawa ko. Sa ugali kong nakakabuwiset. Sa lahat ng nagawa kong nasaktan ka. Hindi na ko umaasa na magiging katulad pa tayo ng dati. Basta okay na sa kin na masaya ka. Mamahalin na lang kita ng patahimik. Baket ganun, ngayong wala ka na, mas lalo pa kitang minahal. Na kung kelan hindi na pwede ang lahat, mas higit pa kitang hinahanap? Kung pwede lang sumigaw ang puso ko ngayon sisigaw nito pangalan mo pa rin. Pag tinatanong ka ng mga kaibigan ko sa kin, nagssmile na lang. Ayoko na kasi pag-usapan mga bagay bagay dahil mas lalo lang ako nasasaktan. Sinasabi ko na lang sa kanila na masaya ka na and okay na ko sa ganun. Pero ilang lunok ng laway yun bago ko sagutin tanong nila tungkol sa yo. 

Alam mo, siguro ngayong may sarili na kong kotse, iniisip ko na kug dati pa may kotse na ko, ikaw ang unang unang pasasakayin ko. Alam mo pag maulan, tapos traffic, ikaw pumapasok sa utak ko. Na sana katabi kita at nagtatawanan lang tayo sa kung ano mang nakakatawa. Sana hindi ganito ugali ko. Pero nasa huli ang pagsisisi. Alam ko naman na balang araw magsasalubong pa rin landas natin eh. Mahirap iwasan yun dahil hindi naman super laki ng Manila. Nung akala ko nga mamamatay na ko, ikaw agad pumasok sa isip ko. Nag-isip ako na kung mamatay kaya ako pupunta ka sa burol at libing ko? Nakakatawa isipin pero totoo ang lahat ng mga iyan. Minsan din napapaluha pa rin ako ng mga kantang na associate ko sayo. Drama ko noh? Pero ganun ata talaga. Ang loser ko na sobra. Masyado ko ng sinasaktan ang sarili ko. Ngayon naintindihan ki na yung mga kaibigan kong sinasabihan kong tanga dahil sa pag-ibig. May mga sadyang nagmamahal lanv talaga ng lubos. Isa na siguro ako dun.

Hindi ko na kaya magmahal kung hindi lang ikaw. Tuwing sinusubukan ko, nakakasakit lang ako ng ibang tao. Araw araw, gabi gabi, minuminuto, ikaw laman ng isip ko. Alam kong maling mali natong ginagawa ko. Baka may umaway na naman sa kin at ayoko ng mangyari yun. Itatago na lang kita dito sa puso ko. Itatago ko na labg tong pagmamahal ko sa yo na hanggang ngayon hindi pa rin humuhupa at wala na atang balak mamatay. Ang hiling ko lang, sana huwa mo kong makalimutan. Na minsan naging parte ako ng buhay mo. Na minsan pasaya rin kita. Na minsan, kahit hindi mo man nasabi sa kin, na minahal mo rin ako papaano. Hanggang ngayon mahal pa rin kita at siguro, kahit ilang taon pa ang lumipas, mamahalin at mamahalin pa rin kita. Sa paraan na alam ko at walang sino man ang makakaalam. Kung ano mang klaseng tao ako ngayon, isa ka sa nagpamulat sa kin sa mga ugali kong hindi ko namamalayan na hindi na pala maganda. At nagpapasalamat ako dun. Mahal na mahal na mahal pa rin kita na hindi ako titigil kahit ang sakit sakit na. At ang tagal tagal ko ng gustong magblog ng ganito. Lumabas na rin ang lahat ng gusto ko sabihin.

Currently feeling: reflective
Posted by jjcobwebb on September 2, 2011 at 03:42 PM in Everyday Drama | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.