Hi Mr T! :) Sorry kung ngayon lang ako nakapagupdate. Daming pinapagawa sa kin ng kapatid ko. iPhone tong gamit ko ngayon sa pagupdate!! Di ko mahagilap laptop ko! Anyways, for the past weeks ulan ng ulan and minsan may bagyo pa. Buti maaraw araw kanina. Pero sobrang init naman! Gulo ng panahon! Friday night ngayon and for almost 6 months now hindi ko lumalabas ng Friday night.  Hindi lang Fridays, I can even count all the Saturday nights that I went out. Sarap ng andito lang sa bahay. Tahimik ang buhay. Minsan nagtataka na nanay ko. May araw na hindi rin ako lumalabas ng kwarto. Naglalaro ako ng Barbie pag ganun. Hehe! Speaking of Barbie, nagdatingan na mga binili abroad. Buti hindi malaki chinarge ng customs sa kin. 

So ayun, last week team building ng isang team sa consumer. Sinama nila ko since close ko naman lahat ng tao sa floor noon. As in hindi lang close ah! Super close! Naalala ko may nagsabi sa kin na once magtraho na ko, kailangan maging plastic. Wrong. Never akong naging plastic or nagpakaplastic sa office Mr. T! Alam mo yun, pakita mo lang tunay mong ugali and kung sino ka talaga, your ofdicemates will love you for that. Hanggang ngayon masakit sa kin yung pagresign ko. May regrets. Pero tuloy ang buhay.

Hindi ko kinikibo si Benson. Nafeel niyang galit ako sa kanya. Hindi niya ko ininvite sa birthday niya and kay Ryan ko pa nalaman! What a friend di ba? Pasalamat siya alam ko na ugali niya or else friendship over talaga.

Speaking of friendship, magbibirthday na uli si Barry. Sana kasya pa sa kin yung damit na sinusuot ko every birthday niya since 2008. Sana magkasya talaga! Hehe. And then, I was able to talk to Jeff after ilang months ng walng communication. Baka sa November daw uwi niya!!!! And siyempre, anong meron sa November di ba? Kung andito na si Jeff di na ko magcecelebrate ng bongga. Kaming 4 na lang nina Rhitz, Barry and Jeff ang magcecelebrate. Alam mo naman Mr. T! Mahal ko yang 3 na yan kahit alam mo na, medyo out of touch na kami ni Jeff. Mahal ko yang mga yan, pagpapalit ko buhay ko sa 3 yan. Ewan ko kung gawin nila sa kin yun! Hahaha!

Si Page nung birthday niya nagpaSpa party sa bahay. Tapos ako pa nagdesign ng pagsspahan nila. Naubos hininga ko kakaihip ng lobo!!! Pagtapos nun super tulog ako sa hilo! Haha! Wala kasing pambomba ng hangin! Ako na lang nag-effort! Tapos, birthday naman ni Mama nung August 4. Niregaluhan namin siya ng iPad 2 para sa mga online activities niya. Sushal di ba? Aba gusyo pa magBlack Berry o iPhone daw! Siya na! Hahaha! Ayun sa Man Hann kami nagcelebrate. Kinuha buong second floor and dun nagparty party. Pumunta mga kamag-anak namin and mga amiga ni Mama na super request sa kin ng request ng kanta. Hahaha! I sound black daw. Nagfeeling naman daw ako! Salamat salamat medyo naniwala akong maganda ang boses ko. Namiss ko tuloy magvideoke. Happy 60th birthday kay Mama ulit. I love you Mama! Tulad nga ng lagi kong sinasabi, tayo magsasama pag matanda ka na and ako for sure single pa rin nun! At tulad rin ng lagi kong sinasabi, nalipasan na ko ng pag-ibig. Ayoko na magmahal pa. Parang gutom, pagnalipasan, ayaw mo na kumain. 

Ano pa ba, ayun, si Pinggoy! After ilang years magkikita pala kami bukas. Nagcam kami last time and sabi niya tumaba ako! How dare him! Hahaha! Pero ayun nga, graduate na rin siya and sa Eastwood nagtratrabaho. Hindi ko lang alam kung nakapasa na ng boards ng ECE yun. Ay, eto pa pala, inaask out ako ng parang naging jowa ng kaibigan ko. Date daw kami. I refused. Kahit cute siya. Haha! Pwede ba wala kong time sa mga ganyan! And yung issue niya with my friend made it worse. Ayoko na ng date date! Pagtapos ng date eh ano ngayon? Sayang sa pera unless libre! Haha! 

Kanina rin pala nagMRT ulit ako after 1M years! Haha! It's still the same. Sikip, init... ugh! Ngayon ko lang narealize mga effort ko dati sa MRT! Bigla kong naappreciate ang pagdadala ng sasakyan. Sa LRT2 naman ako sasakay and LRT1 pag may time. Ireremonisce ko lang ang feeling. Haha! Lakas ng trip noh? So ayun...

I love yah, I enjoy ya and I still appreciate ya Mr. T! lagi pa lang may specific part sa tiyan ko ang masakit. Papascan ko nga baka kung ano ring meron na dito. Sige sige, update you soon Mr. T! Mwah!

Currently listening to: Last Friday Night by Katy Perry
Currently feeling: Sleepy
Posted by jjcobwebb on August 6, 2011 at 12:38 AM in Everyday Drama | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.