April 30, 2011
Practical akong tao. Pero most of the time, I talk about fairytales and fantasies and happy endings. Sa totoo lang, tuwing iniisip ko tungkol sa mga ganyang bagay, mapapaisip ako ng matagal. Do these things really exist? Sa mundong ginagalawan ko, may ganito pa ba? Masarap maniwala at isipin pero bumabalik ako sa tunay na mundo tuwin iniisip ko yan. May nagtatagal pa ba sa ganitong panahon? Baket maraming naloloko at nagpapaloko? Baket maramin umaasa at nagpapaasa? Baket maraming nasasaktan at marami ring nakakasakit? Kaya siguro minsan ang mga pantasya at mga kathang isip pumapasok sa utak ko dahil yun pang ang paraan para makapiglas sa tunay na mundo. Sa mga tunay na nagyayari. At nakakalungkot.
Minsan lang ako magmahal. Kadalasan, ako pa ang iniiwan. Ako ang nasasaktan. Pero iba ang tingin ng ibang tao. Na ako ang nakakasakit at nagpapaasa. Kung alam lang nila. Kahit tanungin pa lahat ng nanligaw sa kin, wala sa kanila na magsasabi na nagpaasa ako. Maaring nakasakit ako, pero hindi ko yun intensyon. Kaya siguro naging kaibigan ko lahat sila. Sabi nga ng isa kong pinakamalapit na kaibigan, ako raw ang taong walang kabitter bitterness sa katawan. Baket sa pagtapos ng lahat kaya ko pa raw makipagkaibigan sa mga taong nagmahal sa kin at mga taong minahal ko. At sa mga taong sinaktan ako at nasaktan ko. Siguro kasi hindi ako marunong magtanim ng sama ng loob. Marunong din ako magpatawad. At siguro rin, I always expect for the worse kaya mas madali ang pagtanggap ng mga bagay bagay.
I go on dates. I meet new people. I kiss people and even sleep with them. Walang masama. Wala akong karelasyon. Malaya akong gawin mga naisin ko. At kung husgahan man ako ng ibang tao, I won't care. Kung may mahal din ako ngayon, malaya pa rin akong gawin mga gusto ko unless may napag-usapang pananagutan sa isa't isa. May sarili akong buhay at may sarili rin siyang buhay. I can flirt with other guys and siya pwede rin. Pagiging practical. Ganun talaga ang buhay. Baket mo pagtutuunan ng buong buhay mo ang isang tao na hindi naman ganun ang ginagawa sa yo di ba?Hindi ako manghuhula. Hindi ko kaya magbasa ng utak. Ayoko na maginterpret ng mga bagay na ginagawa sa kin. Baka mali na naman ako. Masakit yun. I need to know. You need to tell me. Actions can be deceiving sometimes. Yan ang mga natutunan ko. Kaya pinag-aralan kong mahalin sarili ko. At isipin ang sarili ko lamang. Pero...
Iba na pag naging parte ka ng pagkatao at buhay ng iba. Ng taong mahal mo. Dahil sa oras na ibigay mo na ang sarili mo, parang magiging isang tao na lang kayo. Maaring iba ang inyong pagiisip pero yung mga naisip at idea niyo ay ang magdedefine ng inyong pagsasama. Pagmamahal, pagtitiwala at pagrespeto. Yan ang mga matutunan pag kayo'y isa na. Kumbaga sa bukang bibig ko, magjowa na. Hindi mo na maaaring gawin mga bagay na ginagawa mo dati. May shift ng lifestyle. Though, hindi naman dapat magiba ng pagkatao, kailangang mag-adjust ng ugali so you can perfectly fit together. Para swabe ang pagsasami. Hindi naman dapat common kayo sa lahat ng bagay. Masarap din pagsaluhan ang pagkakaiba niyo. Pagtawanan mga mali at itama mga ito. Punan ang pagkukulang ng isa't isa. Dagdgan din ang kaalaman. Magmahal. Magmahalan. Dalawa man ang inyong katawan. Dalawang magkaibang tao man kayo, isang pusong tumitibok na lang kayo ngayon. Magmahal na parang yun ang unang araw na naging kayo. Hindi nagbibilang ng araw. At magmahal na parang yun na yung huling araw na magmamahalan kayo...
At napaka Mariah & Nick lang…
definitedoink04
ElleVee
