"Siguro kaya tayo iniiwanan ng mga mahal natin dahil may darating pang ibang mas magmamahal sa'tin. Yung hindi tayo sasaktan at paasahin. Yung magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin."

May mga bagay akong natutunan. Mga bagay winawalang bahala ko dati. Mga bagay na kala ko normal lang. Mga bagay na akala ko nakakatuwa. Siguro natuwa ako nung una, pero nung pinakita mo sa kin yung kabilang side ng nalalaman ko, para kong nagising sa katotohanan. Na hindi lahat dapat ikwento o isulat. Na ang relasyon ng dalawang tao ay para sa kanilang dalawa lamang at hindi kailangang malaman ng buong mundo. Na hindi lahat ng nararamdaman ay sinasabi. At hindi rin lahat ng pinapakita ay ang tunay na nararamdaman. Hayaan mo kong alalahanin mga binitawan mong salita na tumatak sa utak at puso ko…

Sabi Mo: Sana huwag mo ko isulat sa blog mo. I want everything about us to be private…
Sabi Ko: Huwag ka mag-alala. Promise, never lalabas name mo sa blog ko…

Sabi Ko: Gumawa ka na ng Twitter account tapos mag-followan tayo…
Sabi Mo: Tapos yung pag-uusapan natin nakabroadcast? Huwag na lang. Nagtetext naman tayo…

Sabi Mo: Gusto ko pag nagkaboyfriend ako, kami lang makakaalam na kami. Mahirap ang alam ng lahat…
Sabi Ko: Alam mo, ngayon ko lang naisip, gusto ko rin ng ganung relasyon…

Sabi Mo: Iba iba sides ng pagkatao mo. Nalilito ko. Haha! Sino ka talaga sa mga yun?
Sabi Ko: Tanong mo minsan sa kasambahay namin. Sasabihin niya sayo sino si Hakob…

Sabi Mo: Pansin ko lagi kang nasa bahay. Pag nasa labas ka, yung sina Barry and Ritz lang kasama mo…
Sabi Ko: Ganito lang naman talaga ko dati. Pasok tapos bahay. Then labas minsan with them…
Sabi Mo: Kutob ko yung tunay na sarili mo pagkasama mo sila…
Sabi Ko: Siguro rin…

Sabi Mo: Pag nagmamahalan naman kasi dapat ang dalawang tao, hindi naman kailangan malaman ng buong mundo. Hindi mo naman kailangan i-blog yun. Kung san kayo nagpunta, ano binigay sa yo, anong naramdaman mo at pati love letter. Hindi binoblog yan. Ilan ang tao na gumagamit ng internet araw-araw? Gusto mo bang mabasa nila lahat ng yun? Gusto mo bang may makielam sa inyong dalawa? Gusto mo ba yung love letter ko kunwari sa yo mabasa ng buong mundo? Special yun and ikaw lang dapat makabasa. Gets mo ba? Hindi mo kailangan ang pagtanggap sayo ng ibang tao. Sapat na yung tanggapin ka ng mahal mo. Gets?
Sabi Ko: Ngayon ko lang natutunan ang lahat ng yan. Tama ka…

Kaya ayun Mr. T! Sobrang bihira na rin ako sa yo magkwento. Dahil tuwing may isusulat ako, naiisip ko mga sinabi sa kin. Hindi ako tumututol sa mga sinabi niya. May point siya and ngayon ko lang natutunan mga mali ko. Masakit tumanggap ng pagkakamali. Pero mas masakit siguro masabihan na hindi ka na nagbabago. Sobrang tama, may makikilala tayong taong ipamumukha sa tin na mali tayo. Na ang mga akala nating normal ay hindi pala normal. Na minsan ang pagsusulat o pagboblog ay iba kung tungkol sa taong mahal mo. Sa tagal tagal ko ng nagboblog, ngayon lang ako natauhan. Salamat.

Posted by jjcobwebb on May 1, 2011 at 11:09 PM in Everyday Drama | 2 comment(s)
Comment posted on May 3rd, 2011 at 05:41 AM
Kaya sa susunod kong jowa, di ko ibo-broadcast! :))
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

jjcobwebb (guest)

Comment posted on May 3rd, 2011 at 04:18 PM
walang like sa tabulas eh. haha! lalike ko sana! hahaha!