Emo ng title ko! Hahaha! Yan kasi pinakikinggan ko ngayon. Hahaha! Musta ka naman Mr T!? Miss mo na ba ko? Miss na rin kita. Dami na nangyari hindi ko naman masulat sulat. Lagi kasi akong tulog. Eto nga ngayon may sakit ako pero pumasok pa rin ako. Ang sipag ko lang noh? Hahaha! Ayun, tapos na ang mahal na araw. Tapos na rin ang pagsasakripisyo. Nabinyagan ulit kahapon sa simbahan. Buti hindi ako napaso sa Holy Water kahapon. Wala kong makwento grabe Mr. T! Si Izzy pala tapos na baby shower niya. Tapos si Luis nasa bahay buong gabi nung Saturday. Wala raw siyang magawa sa bahay nila. So mega Kinect kami. Lalo ata ako nabinat kakatalon at kakaeffort. Hmmm... tapos yun, nag-usap kami ni Sabs nung baby shower ni Izvet. Gusto na niya magkaboyfriend. Sabi ko sino bang may ayaw? Hahaha! Sinabi ko na lang na dadating din yun. Tulad lang ng sinasabi ko sa sarili ko. NagVisita Iglesia din kami Mr. T! Tapos nagpicnic nung Easter with family and relatives. Wala kong makwento Mr. T! Buong Holy Week nasa bahay lang talaga ko. Tuwang tuwa nanay ko sa kin lately. Tapos nun nawalan ako ng wallet nanay ko rin natuwa. Huh? Hahaha! Tapos kaSkype namin madalas sina Ate sa States. Nakakatuwa. Parang andiyan lang sila. Halos 1 month na sila dun. Babalik na sila sa Thursday. Yehey! Pasalubong! May offer si Ate sa kin. Grabe hindi ako makatulog kaiisip. Ewan ko Mr. T!, bahala na muna. Dadating din ang lahat dun. Pag-iisipan ko pag-andun na siguro. :) Anyways, update  you soon. I love ya, I enjoy ya and I appreciate ya. Sorry kung maiksi lang Mr. T! Next time mahaba naman :) 

Currently reading: MS Outlook
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on April 25, 2011 at 01:32 PM in Everyday Drama | 1 comment(s)
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

Comment posted on April 26th, 2011 at 07:15 AM
Ako din gusto ng magboylet!! :)