Facelift
Hello Mr. T! Musta naman? Grabe, nadulas ako sa hagdan kanina pag-uwi ko! Pagkahiga ko sa kama nagtuloy tuloy tulog ko. Masama daw yun sabi. Nalaglag ako tas natulog. Buti at nagising pa raw ako. Sana nga nagtuloy tuloy na yung tulog ko at hindi na nagising. Joke lang. Haha! Anyways, ayun, weird ba ng title ng entry na toh? Naisip ko lang, 2 years na tong layout mo. 2009 pa siya ang umaabot pa hanggang 2011. O di ba? Eto so far ang pinakamatagal na layout na ginamit ko para sa yo. Dati ang sipag ko gumawa ng layout. Hindi ko alam kung ano nangyari. Nakalimutan ko na ata mag HTML, Adobe, Fireworks, CSS, Java at kung anu-ano pa. Pagsinipag ako, gagawa ako ng bago. Pero hindi ako makaisip ng layout. Ano bang magandang kulay? Dati Yellow, tas Blue, tas Violet, tas Neutral, tas eto. Hindi ka pa nagkakaroon ng red ng layout. Hmmmm... pink kaya para Totally Barbie?
May inuman bukas kasama officemates. Tapos sa Sabado Baby Shower in Izvet. Nawala rin pala wallet ko. Lahat ng cards ko andun pati may 5k na pera dun. Hampas lupa ako ngayon. So buti na lang libre yung mga pupuntahan ko kapartihan. At buti hindi ako magbabayad sa outing ng team namin dahil van na naman namin gagamitin. Buti na lang talaga! Haha! Sabi ni Mama buti nga at nawalan ako ng wallet. Baket ganyan nanay ko sa kin? Laging kontra sa mga ginagawa ko lately. Haha! Siguro dahil lagi ko siyang sinisita na adik na siya sa Facebook. Buti na lang iniba ko na link ng blog ko. Ewan ko lang kung mapuntahan pa nila toh. Mga Tabulas people na lang siguro nakakabasa nito. Ni si Jeffrey hindi na alam tong link ko Mr. T! Sabi ko lang ayaw ko na magblog. Gusto ko ng tahimik na buhay. Dahil masyado na naging madrama ang ang daming nadadamay pag maraming may alam ng blog mo. Pag ganito, hindi mo binobroadcast, mas malaya kang nakakagalaw. Nakakapagsulat ng mas malaya. Pero yun, maghahanap ako bukas ng layout na magagayahan para sa yo Mr. T! At wala ng katuturan pinagsusulat ko. Hahaha! Update you soon Mr. T! Sana walang gawin sa office bukas para makapaghanap ako. Sira pa yung isa kong computer sa office kaya good luck. Kailangan ko ng mga portalable tools/programs panggawa ng layout. Sige sige Mr. T! Inaantok na ulit ako. Haha!
Ay, eto super random, pagtinitignan ko yung 1959 na Barbie na nabili ko, natutuwa ako. Hahaha! Wala lang. Random di ba? Kailangan ko gumawa ng Barbie entry pag may time. Ay meron pala kong tinatayp sa phone ko kanina habang nasa bus. Baka ipost ko yun isang beses. Wala lang. Mga imahinasyon ko. Siyempre, pinakikilig ko sarili ko. Mga imposibleng bagay. Mga pangtelenovela. At wala na talagang sense tong entry na toh. Update you soon Mr. T! Mwah!