Nakikita Pero Di Natatanaw
Hanggang ngayon, nagsisisi ako sa ginawa kong pagsasabi ng sikreto mo sa kin. Nalulungkot ako pag naiisip ko yun. Pasensiya kanna kung hindi ko napigilan sarili ko nun. Alam kong sa kin mo lang yun pinagkatiwala. Ilang taon na nakalipas at ayokong sumasagi sa utak ko na binalewala ko yung pagtitiwala mo sa kin. Pasensya ka na. Hindi ko napigilan sarili ko nun dahil nagkaaway away din tayo. Isa sa mga sinusubukan kong matutunan hanggang ngayon ay yung pagtitimpi kapag ako ay galit. Iba talaga pagkatao ko pag nasasaktan ako. Alam kong nasaktan ka rin naman pero sinibukan ko lahat noon na magkaayos tayo. And iba naging pagtanngap mo. Wala na sa kin ang lahat ng iyon.
Sana pag nalaman mo ang lahat ay mapatawad mo ko. Maiintindihan ko kung hindi. Iniisip ko na lang yung sinabi mo sa kin habang naglalakad tayo sa takipsilim noon. Na balang araw makakalimutan nating magkaibigan tayo at isa sa tin ang bibitaw. Makakalimutan natin mga pinagsamahan natin dahil magiging iba mga importante sa mga buhay natin. Tumatak sa isip ko yun pero ayoko hindi kaya ng puso kong tanggapin. Ayoko mangyari yun. Gagawin ko ang lahat para hindi mangyari yun. Pero kung sa huli ako ang bibitawan, hindi na rin ako kakapit pa. Kung dumating man ang panahon na kinatatakutan ko, sana maintindihan mo lahat ang mga nangyari. Pasensiya ka na. Nakipagkumpetisyon ako at nilamon ako ng pride ko noon. Pasensiya ulit. Binalewala ko tiwala mo sa akin.
Minsan hindi na ko umaasang magiging tulad pa ng dati ang pagsasama natin. Kahit ako nahihirapan na rin. Sa ilang taong wala ka mismo sa paligid, ang hirap. Sinusubukan kong mapalapit pa rin pero ramdam kong hindi na ganun kainit ang pagtanggap o simpleng kwentuhan natin. Nakakalungkot. Pero yun ang katotohanan. Sayang. Nakakapanghinayang. Siguro nga may mga kaibigang binigay sa tin para makasama natin habang buhay at mga kaibigang binigay sa tin para dumaan, at bigyang kulay at aral ang buhay natin pansamantala. Pipiliin ko ang mas nauna.
Kung kailangan mong buksan ang iyong pakpak at lumipad at iwanan na ng tuluyan, magiging masaya ko at hindi kita pipigilan sa gusto mo. Pero hindi ako aalis sa lugar kung san mo ko iniwan. Para sa pagbabalik mo, kung babalik ka man, andun pa rin ako, naghihintay at walang magbabago...