Kaya Siguro...
Marami akong tanong sa sarili ko Mr. T! Ano kaya ang ugali ko kung sakali man magkakaroon na ko ng karelasyon. Minsan iniisip ko, baka hindi na talaga ko magkakaroon pa. Minsan okay lang. Minsan nalulungkot ako. Minsan steady lang. Minsan naguguluhan ako. Pero paano kaya kung nagkajowa ko? Hmmm...
Lagi akong late. May makatagal kaya sa kin kung lagi akong late sa mga dates and meetings and events? May magtiyaga kaya sa kin sa paghihintay at pagkagat ng kuko nila habang hinihintay nila ako? O baka patayin nila ko dahil nagka-ugat na sila kahihintay sa kin dahil sa pagkalate ko? Matatagalan kaya nila ko?
I easily forget dates. Paano kung nakalimutan ko ang monthsary? anniversary? O birthday ng magiging karelasyon ko? Or isang lugar na memorable sa ming dalawa pero di ko talaga maalala? Magtampo kaya siya sa kin? Hindi niya kaya ako kausapin? Or baka magsorry ako ng magsorry sa kanya dahil sa kagagahan ko? Maalala pa kaya niyang karelasyon niya ko?
Matakaw ako. Hahaha! Eh paano kung hindi mahilig kumain magiging karelasyon ko? Baka isipin niya lang patay gutom ako. Baka isipin niyang walang pagkain sa bahay namin. Eh mas malala kung wala siyang panggastos sa mga gusto kong kainin? Hahaha! Naku, baka ipakain niya ako sa buwaya! Hahaha! Kailangan ko ng makakarelasyon na kayang tapatan pagkatakaw ko! Ayoko mamatay sa gutom! Hahaha!
I am extremely jealous. Malapit na maging paranoid. I just don't think na kaya ko makita yung jowa kong may kasamang iba na hindi ko nalalaman. Kahit friend pa niya. Paano yan? Siyempre masasakal siya di ba Mr. T!? May nakakatagal kaya? Baka sabihin sa kin nakakasakal ako. Scary. Sana hindi niya maisip yun. Kasi ganun lang talaga ako magmahal. Nakakalunod. Nakakasal. Kaya ka niya?
Ayoko rin ng nasasaktan ako. Kasi nagpapasakit din ako. Eh paano yan kung nasaktan ako ng taong mahal ko? Tapos sasaktan ko rin siya. So quits quits na? Tanggapin niya kaya ulit ako? Paano na ayan kung nagkalamat na relasyon namin? Mabuo pa kaya ulit dahil gumanti ako sa sakit na dinulot niya? Iwan niya na kaya akong mag-isa dahil nagkasakitan na kami? O mamahalin niya ko lalo dahil pagtapos ko siyang pasakitan at ako pasakitan niya eh mahal na mahal ko pa rin siya? Napapaisip ako...
Out ako. Sa magulang ko at kung kani-kanino pa. Paano kung hindi sya out? Ayaw niya magpakaout? Anong gagawin ko? Susundin ko ba siya? O i-oout ko siya. Baka hindi kami magkasundo. Feeling ko kasi yung mga super tago yung relasyon hindi nagtatagal. Yung iba nagrerevolve lang sa alam mo na. Ayaw ko ng ganun. Gusto kilala siya ng pamilya ko at mga kaibigan ko. Paano kung ayaw niya. Baka umayaw na din ako...
Eh paano kung yung mahal ko may mahal ng iba? Kaya siguro hindi ako nagkakajowa dahil umaasa pa rin ako na balang araw, pagdating ng panahon, magiging kami rin. Kahit magkaroon kami ng sari sariling relasyon, lilipas ang lahat and sa huli kami pa rin. Umaasa pa rin? Kaya siguro nga wala pa rin akong jowa. Kaya siguro hindi ko maentertain ang iba. Kaya siguro wala akong masagot sagot sa mga nanliligaw sa kin. Kaya siguro. Kaya siguro...