Hello Mr. T! Musta na! O di ba nagbalik agad ako? Hmmmm... last Friday, sinundo ako ni J sa office pagtapos niya mag gym sa Galleria. Magdidinner dapat kami pero since kailangan ko imeet si Barry, Rhitz, Winnie and Che sa Resorts World to watch Kaos, sabi niya hatid na lang daw niya ko. So nag EDSA kami. Hindi traffic yung EDSA nung Friday. Kala ko simpleng hatid lang ang magaganap. May nangyari pang kakaiba...

Sobrang hindi ko makakalimutan ang gabing yun. Nung malapit na kami sa Resorts World, may hinanap at inayos kami sa kotse ni J so pumark kami sa may likod ng mga nag-aabang na jeep. Siguro mga after 5 minutes na nakapark dun. Then nung nahanap na namin yung hinahanap namin, may pulis na nakamotor ang sumusunod sa amin. Grabe! Una kinatok kami. Then super inaranvkada ni J yung kotse. Super habol pa rin yun pulis. Then, super himarurot ang pulis and hinarang yung left turn papuntang Resorts World. So umabot ang habulan sa flyover hanggang sa Express Way at hanggang Mckinley Hill. Then nawala na ang pulis. After nun, tawa kami ng tawa. Feeling ko nasa Grand Theft Auto kami nun last Friday. Ibang level yung excitement! Then hinatid na niya ko ulit sa Resorts World. Buti na lang may 30 minutes pa bago magstart yung show nung makarating ako. May time pa para ikwento kina Barry, Rhitz, Winnie and Che ang adventure ko bago nakarating.

Kaos was okay. Not great and not bad. Fairytale meets circus. Then I saw one of my old friend performing on stage. Naalala ko dati na sabay kami nagaaaudition sa mga singing contest nun. He persued his singing career pala. Napaisip ako habang may play. Gusto ko rin talaga yung ginagawa niya. Gusto ko rin nandun sa stage and pinapalakpakan. Naisip ko lang naman kung anu ano. Napaisip akong magshift ng career. Sana malapit na. Haha! Satuday I met up with Deck and Anjhe sa Megamall. Ginagawa pa rin nila thesis nila na sana pumasa na sila. Then nilibre ko sila ng lunch since tagal na naming di nagkikita. Kasama rin pala yung dalawang bading na friends ni Deck. While waiting for them, nagshopping muna ko ng mga Barbie. Hahaha! I bought 6 dolls yesterday Mr. T! Parang may community na sila dito sa kwarto ko! Anyways, ayun, then umuwi rin agad before dinner. Then nagparticipate kami sa Earth Hour and then natulog na ko. Nung nagsimula ang taon, tamad na tamad na ko pumarty party. Mas pinipili ng katawan kong matulog na lang. Or magmovie or dinner na lang mga labas ko lately. Signs of aging? Haha! Then I had to wake up early kanina dahil pupunta kami sa Tali beach.

Kauuwi ko lang actually. Ibang level mga tao sa Tali. Ibang level ang pagkasushal. Hindi namin kinaya. Mga old- rich Spanish clan kasabay namin sa beach. Nosebleed kami nina Ate. Haha! Super saya. Maagang summer vacation yun Mr. T! Kung ayos na siguro yung bahay na ginagawa sa Tali dun ko isusuggest na mag-outing team namin sa office. Anyways, super pagod na ko Mr. T! May pasok pa bukas and kailangan maaga dahil Monday na naman. I love my sked. I need a new job that has this kind of sked. Soon. Haha! Naku may makabasa nito baka kung anong isipin sa soon ko. Haha! Bahala kayo magisip!

Anyways, update you soon Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya. And yeah, lagi akong nanaginip lately. Siguro kasi hindi ako stressed lately? Update you soon. Namiss ko magblog ng ganito kapayapa ang mundo :)

Currently feeling: Tired
Posted by jjcobwebb on March 27, 2011 at 10:58 PM in Everyday Drama | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.