Did the Captain of the Titanic Cry?
Nanaginip ako ulit after a very long time. Siguro first dream ko toh ngayong taon. May tao sa panaginip ko na matagal ko ng hindi nakakausap. Taong napakalapit sa kin. Buhay na buhay siya sa panaginip ko. May binulong siya sa kin. Narinig ko yung sinabi niya pero pinaulit ko dahil gusto ko marinig ulit. Hindi na niya inulit Pinilit ko siyang ulitin. Hindi na niya inulit. Then may sinabi siya sa kin. Gusto ko maniwala sa mga sinabi niya sa panaginip ko. Kaso nagising ako, hindi na pala maari yung mga sinabi niya sa tunay na buhay. Sana hindi na lang ako nagising at nandun lang ako sa tabi niya kahit hindi na niya ulitin mga gusto ko marinig.
Pag baba ko, may pinapatugtog sa radyo. Isang kantang matagal ko ng hindi napapakinggan. Napangiti na lang ako sa kanta. Bigla kong naalala yung taong nasa panaginip ko. Pumasok sa opisina, nag-check ng email, tas kinabahan ako sa natanggap kong sulat. Baket parang naglinya linya yung mga bitwin nung araw na yun Mr. T!? Sobrang coincidence naman ata. Sinubukan kong idigest lahat. Magreflect. Tanggapin ng buong puso mga nakasulat sa nabasa ko. Hindi ako aangal sa mga nakasulat dun. Minsan mamimisinterpret talaga tayo. Minsan magmumukhang nagbago na tayo sa ibang tao. Minsan ang akala mong wala na, may natitira pa pala. Nakita ko ng manager ko na umiiyak. Napaclose door meeting tuloy kami. Naglakas loob na ko magreply Mr. T! Gusto ko na rin siyang makausap pagtapos ng nangyaring pananahimik. May isa sa mga nakasulat sa email ang hindi ko matanggap lang Mr. T!. Mayabang na raw ako. Yun ang paulit ulit kong binasa. Binalik balikan. Sa sobrang praning ko, tinanong ko mga team mates ko kung meron isang instance na nagyabang ako sa kanila or naging mayabang ako. Wala raw.
Wala kong ipagmamayabang. Wala pa kong napapatunayan para sa sarili ko. Wala pa kong nararating. Wala kong ari-arian na pwede kong tawaging akin. Wala. Walang rason para magyabang. At hindi ko ugali magyabang. Buong buhay ko Mr. T!, ngayon lang ako nasabihan ng mayabang. Sinubukan kong magbasa ng blog pre my birthday last year. Binalikan ko ang 2010. Binalikan ang 2009 at bumalik hanggang 2004. I love writing about food. Places I've been to. Things I have and things I would like to have. What my family has. What we don't have. What I want to be. The people I go out with and even people I date. Siguro hindi na simple yung mga material na gusto ko kaya ang projection na mayabang ako ay lumabas. I don't know the difference with wanting an N97 with and iPad or with a luxury car. Or if I have this and that. Even if you look back on my past entries Mr. T!, I love writing about them. Things that I have and things that other people gave me. Iba yung pagkarating sa ibang tao. Hindi mo ko makikita na haharap sa isang tao and sasabihin may ganito ganun ganyan. At sabihin kaya ko ganyan ganito. Or kilala ko si blah blah.
Ganun na ko kahit dati pa. Kahit sa simpleng Converse shoes na binili ko dati na nasulat ko. Sa mga sapatos na meron ako nung 2005 na may picture pa ko sa isang entry. Sa bagong cellphone na meron ako nung 2006. Sa bagong kotse na nabili namin nung 2007. Sa branch ng drugstore na nagbukas sa Makati nung 2008. Hindi ako nagyayabang. Nagkukuwento lang ako ng may detalye. Sino yayabangan ko kung ako lang naman nagbabasa ng blog na toh? Wala na kong followers or readers dito sa Tabulas ko. And who would even read an entry about my life na ang haba haba. It's more like I'm taking accounts for those inanimated objects. For those things. I'll write about them kasi parte na rin sila ng buhay ko. Not to brag. Never to brag. Turo yan sa kin ng magulang ko and mga kapatid ko. Hindi ko matanggap yung salitang 'mayabang' sabihin sa kin. Pero mukhang yun ang naproject ng mga entries ko. Pasenya na for putting too much details. Iba tuloy kinalabasan.
And kauuwi ko lang galing dinner with family. Super antok na ko Mr. T! Drained ako physically and emotionally ngayon. I'll update you soon. Namiss ko ang magsulat ng ganitong entry sa ganitong oras ng gabi. Siguro sa ganitong oras talaga lumalabas kung anong nilalaman ng puso at isip ko. At hindi puros isip lang or puros puso lang. I miss you Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya. Here's to more blogging :)
Micah (guest)