Hindi marunong rumespeto ng relasyon. Katatext ko lang sayo na nagkabreak sila to the rescue ka naman agad. As what? As a rebound? Maganda yan! Hindi mo bang nakitang inaayos ko yung relasyon ng dalawa? Anong eksena mo? One week you're flirting with me and the next with him. May makati ba diyan? I asked you kung gusto mo yung kaibigan ko, sabi mo wala. So sabi ko sige okay lang. Gusto kita but the issue here is not about us. It's about you. Sinamantala mo yung kahinaan ng kaibigan ko. I care for both of you. A lot. Obvious ba? Sorry kung pinaghiwalay ko kayo. Sorry din if I did everything para magkabalikan sila ng jowa niya. Sorry kung nilasing ko siya para malabas niya mga nararamdaman niya. Kilala ko kaibigan ko. Ayaw din naman kitang masaktan. Kaya gusto kong matapos na lahat ang namamagitan sayo at sa kanya. Tinapos ko na rin namamagitan sa tin. Manhid na ko sa mga iwan iwan and mga friendship over na yan. Iniwan na ko ng best friend ko. Iniwan na rin ako ng taong mahal ko. Bato na nararamdaman ko. You can throw stones at me as much as you want sa mga kaibigan mo. Kahit pati sa mga Twitter friends mo na pinakilala mo sa kin. Wala akong paki.  Ang mahalaga ngayon, wala na kayong ugnayan ng kaibigan ko. Wala na rin tayong ugnayan. Sayang I care about you. Pero tulad nga ng sabi ko, wala na kong paki kung sino pang tao gusto umalis at manira sa buhay ko. Kung alam mo lang san ako nangagaling ngayon. Sinubukan mo pasensya ko. Nilabas mo pagkahalimaw ko. At kung nasaktan ka man sa lahat ng sinabi ko, THE TRUTH HURTS. Kung dumating man ang panahon na gusto pa rin ng Diyos na magkaibigan tayo, hindi na ganun siguro katight. Pasensya ka na. Pasensya na kayo. I care so much about you. I care so much about him. I just prevented you from getting hurt even more. From him playing with you. Nasaktan mo ko. Nasaktan niya ko. Sinaktan niyo ko. Nagsinungaling kayo. Tinago niyo sa kin namagitan sa inyo. Pasensya na sinubukan mo ko. Lilipas din to.

Currently listening to: Your Song by Elton John
Currently feeling: fine
Posted by jjcobwebb on March 22, 2011 at 01:50 PM in Everyday Drama | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.