A Reset
Masakit. Masakit Mr. T! Para kong namatayan. Ganun kasakit ang naramdaman ko. Matagal ako nanahimik dahil kada magboblog ako tungkol sa nararamdaman ko, hindi ko mapigilang umiyak. Masakit pa rin. Hindi na ako magpapakaplastik, mahal na mahal ko pa rin siya. Pero wala na. Wala na. Wala na kong lugar sa puso niya. Tuwing matutulog ako naiiyak. Nagtatanong ng mga bagay bagay sa sarili. Nagtatanong kung baket. Nakakapagod mag-isip Mr. T! May mga bagay na gusto kang malaman. May mga bagay na gusto kang tanunging. Pero huli na ang lahat. Ang alam ko mahal ko pa rin siya. Sa dami dami ng nakikilala natin sa araw araw, libo libong tao, baket ganun, isa lang talaga makakapagpabago sa tin. Makakapukaw ng attention natin. Mamahalin natin ng lubusan. Sabi nga ng kaibigan ko, marami raw tayong mamahalin sa buhay, yun nga lang, hindi hindi pagmamahal natin sa mga iyon. Meron pa rin isang makakaangat. Merong nag-iisang litaw ang ang pagmamahal natin. Meron tayong pinakamamahalin.
Inisip kong itigil ang pagboblog Mr. T! Dahil masakit eh, dito kasi lahat nagsimula. Pero hindi ko kaya. Siguro kailangan ko na lang masanay na walang ibang taong dapat maasahan kung hindi ang sarili ko. Hindi dapat isalalay ang mga bagay bagay sa mga nangyari at sa mga nais kong mangyari. Tuloy ang buhay. Masakit mang tanggapin pero dapat harapin. Masakit pa rin Mr. T! Kaya ayoko masyado magsalita. Siguro I wasn't enough or nagbago na ko. Kung may nagbago man Mr. T!, may mga hindi rin nagbabago, tulad ng pagmamahal ko. Para sa kanya pa rin Mr. T! At hanggang ngayon, tinutulungan ko ang sarili kong magmove on. Pero baket hindi ako gumagalaw? Tinutulungan ko sarili kong maglet go pero hindi ko mabitatawan ang nakaraan? Sana napaghandaan ko ang lahat ng mangyayari. Sana alam ko kung san hahantong ang lahat. Pero ni isa sa mga nangyari wala kong pinagsisihan. Sumaya ko. Nagmahal ako. Natuto ako. Nasaktan ako. Pero higit sa lahat nahubog ako.
Marami akong dapat ipagpasalamat. Malalaki at maliliit na bagay. Napasaya nila ko lahat. Siguro hindi lang pansin na masaya ko sa mga bagay na nangyari. Na mga ginawa niya. Mga bagay na akala niyang hindi ako nasiyahan. Masayang masaya ko sa lahat. Ilang beses man akong masaktan, wala akong pinagsisisihan. Mahal na mahal ko pa rin siya. Hindi man kayang ibalik ang kahapon, manatatali siya sa puso ko.
Mahal na mahal na mahal ko pa rin siya. Yun lang ang alam ko. Hindi ko lang alam kung paano ba dapat siyang mahalin sa paraan ng gusto niya. Sana, sa pagtatapos ng lahat, mapatawad niya ko. Nasaktan ko siya alam ko. Pinakitang mas mataas ang pride ko. Na kaya kong wala siya. Na hindi ko siya kailangan sa buhay ko. Nagsinungaling ako. Sa sarili ko at sa kanya. Ni isang minuto hindi ako tumigil sa pagmamahal sa kanya. Sana mapatawad niya ko. Kahit hindi na niya ko mahalin mapatawad niya lang ako. Mahal na mahal ko pa rin siya. Hanggang ngayon. Hanggang ngayon...