Like I Never Left
I admit that we say somethings we don't mean when we're mad. But I realized I've been foolished, I never should have turned my back...
I ain't holding back no more. I am coming home...
I admit that we say somethings we don't mean when we're mad. But I realized I've been foolished, I never should have turned my back...
I ain't holding back no more. I am coming home...
Masakit. Masakit Mr. T! Para kong namatayan. Ganun kasakit ang naramdaman ko. Matagal ako nanahimik dahil kada magboblog ako tungkol sa nararamdaman ko, hindi ko mapigilang umiyak. Masakit pa rin. Hindi na ako magpapakaplastik, mahal na mahal ko pa rin siya. Pero wala na. Wala na. Wala na kong lugar sa puso niya. Tuwing matutulog ako naiiyak. Nagtatanong ng mga bagay bagay sa sarili. Nagtatanong kung baket. Nakakapagod mag-isip Mr. T! May mga bagay na gusto kang malaman. May mga bagay na gusto kang tanunging. Pero huli na ang lahat. Ang alam ko mahal ko pa rin siya. Sa dami dami ng nakikilala natin sa araw araw, libo libong tao, baket ganun, isa lang talaga makakapagpabago sa tin. Makakapukaw ng attention natin. Mamahalin natin ng lubusan. Sabi nga ng kaibigan ko, marami raw tayong mamahalin sa buhay, yun nga lang, hindi hindi pagmamahal natin sa mga iyon. Meron pa rin isang makakaangat. Merong nag-iisang litaw ang ang pagmamahal natin. Meron tayong pinakamamahalin.
Inisip kong itigil ang pagboblog Mr. T! Dahil masakit eh, dito kasi lahat nagsimula. Pero hindi ko kaya. Siguro kailangan ko na lang masanay na walang ibang taong dapat maasahan kung hindi ang sarili ko. Hindi dapat isalalay ang mga bagay bagay sa mga nangyari at sa mga nais kong mangyari. Tuloy ang buhay. Masakit mang tanggapin pero dapat harapin. Masakit pa rin Mr. T! Kaya ayoko masyado magsalita. Siguro I wasn't enough or nagbago na ko. Kung may nagbago man Mr. T!, may mga hindi rin nagbabago, tulad ng pagmamahal ko. Para sa kanya pa rin Mr. T! At hanggang ngayon, tinutulungan ko ang sarili kong magmove on. Pero baket hindi ako gumagalaw? Tinutulungan ko sarili kong maglet go pero hindi ko mabitatawan ang nakaraan? Sana napaghandaan ko ang lahat ng mangyayari. Sana alam ko kung san hahantong ang lahat. Pero ni isa sa mga nangyari wala kong pinagsisihan. Sumaya ko. Nagmahal ako. Natuto ako. Nasaktan ako. Pero higit sa lahat nahubog ako.
Marami akong dapat ipagpasalamat. Malalaki at maliliit na bagay. Napasaya nila ko lahat. Siguro hindi lang pansin na masaya ko sa mga bagay na nangyari. Na mga ginawa niya. Mga bagay na akala niyang hindi ako nasiyahan. Masayang masaya ko sa lahat. Ilang beses man akong masaktan, wala akong pinagsisisihan. Mahal na mahal ko pa rin siya. Hindi man kayang ibalik ang kahapon, manatatali siya sa puso ko.
Mahal na mahal na mahal ko pa rin siya. Yun lang ang alam ko. Hindi ko lang alam kung paano ba dapat siyang mahalin sa paraan ng gusto niya. Sana, sa pagtatapos ng lahat, mapatawad niya ko. Nasaktan ko siya alam ko. Pinakitang mas mataas ang pride ko. Na kaya kong wala siya. Na hindi ko siya kailangan sa buhay ko. Nagsinungaling ako. Sa sarili ko at sa kanya. Ni isang minuto hindi ako tumigil sa pagmamahal sa kanya. Sana mapatawad niya ko. Kahit hindi na niya ko mahalin mapatawad niya lang ako. Mahal na mahal ko pa rin siya. Hanggang ngayon. Hanggang ngayon...
Hindi marunong rumespeto ng relasyon. Katatext ko lang sayo na nagkabreak sila to the rescue ka naman agad. As what? As a rebound? Maganda yan! Hindi mo bang nakitang inaayos ko yung relasyon ng dalawa? Anong eksena mo? One week you're flirting with me and the next with him. May makati ba diyan? I asked you kung gusto mo yung kaibigan ko, sabi mo wala. So sabi ko sige okay lang. Gusto kita but the issue here is not about us. It's about you. Sinamantala mo yung kahinaan ng kaibigan ko. I care for both of you. A lot. Obvious ba? Sorry kung pinaghiwalay ko kayo. Sorry din if I did everything para magkabalikan sila ng jowa niya. Sorry kung nilasing ko siya para malabas niya mga nararamdaman niya. Kilala ko kaibigan ko. Ayaw din naman kitang masaktan. Kaya gusto kong matapos na lahat ang namamagitan sayo at sa kanya. Tinapos ko na rin namamagitan sa tin. Manhid na ko sa mga iwan iwan and mga friendship over na yan. Iniwan na ko ng best friend ko. Iniwan na rin ako ng taong mahal ko. Bato na nararamdaman ko. You can throw stones at me as much as you want sa mga kaibigan mo. Kahit pati sa mga Twitter friends mo na pinakilala mo sa kin. Wala akong paki. Ang mahalaga ngayon, wala na kayong ugnayan ng kaibigan ko. Wala na rin tayong ugnayan. Sayang I care about you. Pero tulad nga ng sabi ko, wala na kong paki kung sino pang tao gusto umalis at manira sa buhay ko. Kung alam mo lang san ako nangagaling ngayon. Sinubukan mo pasensya ko. Nilabas mo pagkahalimaw ko. At kung nasaktan ka man sa lahat ng sinabi ko, THE TRUTH HURTS. Kung dumating man ang panahon na gusto pa rin ng Diyos na magkaibigan tayo, hindi na ganun siguro katight. Pasensya ka na. Pasensya na kayo. I care so much about you. I care so much about him. I just prevented you from getting hurt even more. From him playing with you. Nasaktan mo ko. Nasaktan niya ko. Sinaktan niyo ko. Nagsinungaling kayo. Tinago niyo sa kin namagitan sa inyo. Pasensya na sinubukan mo ko. Lilipas din to.
Nanaginip ako ulit after a very long time. Siguro first dream ko toh ngayong taon. May tao sa panaginip ko na matagal ko ng hindi nakakausap. Taong napakalapit sa kin. Buhay na buhay siya sa panaginip ko. May binulong siya sa kin. Narinig ko yung sinabi niya pero pinaulit ko dahil gusto ko marinig ulit. Hindi na niya inulit Pinilit ko siyang ulitin. Hindi na niya inulit. Then may sinabi siya sa kin. Gusto ko maniwala sa mga sinabi niya sa panaginip ko. Kaso nagising ako, hindi na pala maari yung mga sinabi niya sa tunay na buhay. Sana hindi na lang ako nagising at nandun lang ako sa tabi niya kahit hindi na niya ulitin mga gusto ko marinig.
Pag baba ko, may pinapatugtog sa radyo. Isang kantang matagal ko ng hindi napapakinggan. Napangiti na lang ako sa kanta. Bigla kong naalala yung taong nasa panaginip ko. Pumasok sa opisina, nag-check ng email, tas kinabahan ako sa natanggap kong sulat. Baket parang naglinya linya yung mga bitwin nung araw na yun Mr. T!? Sobrang coincidence naman ata. Sinubukan kong idigest lahat. Magreflect. Tanggapin ng buong puso mga nakasulat sa nabasa ko. Hindi ako aangal sa mga nakasulat dun. Minsan mamimisinterpret talaga tayo. Minsan magmumukhang nagbago na tayo sa ibang tao. Minsan ang akala mong wala na, may natitira pa pala. Nakita ko ng manager ko na umiiyak. Napaclose door meeting tuloy kami. Naglakas loob na ko magreply Mr. T! Gusto ko na rin siyang makausap pagtapos ng nangyaring pananahimik. May isa sa mga nakasulat sa email ang hindi ko matanggap lang Mr. T!. Mayabang na raw ako. Yun ang paulit ulit kong binasa. Binalik balikan. Sa sobrang praning ko, tinanong ko mga team mates ko kung meron isang instance na nagyabang ako sa kanila or naging mayabang ako. Wala raw.
Wala kong ipagmamayabang. Wala pa kong napapatunayan para sa sarili ko. Wala pa kong nararating. Wala kong ari-arian na pwede kong tawaging akin. Wala. Walang rason para magyabang. At hindi ko ugali magyabang. Buong buhay ko Mr. T!, ngayon lang ako nasabihan ng mayabang. Sinubukan kong magbasa ng blog pre my birthday last year. Binalikan ko ang 2010. Binalikan ang 2009 at bumalik hanggang 2004. I love writing about food. Places I've been to. Things I have and things I would like to have. What my family has. What we don't have. What I want to be. The people I go out with and even people I date. Siguro hindi na simple yung mga material na gusto ko kaya ang projection na mayabang ako ay lumabas. I don't know the difference with wanting an N97 with and iPad or with a luxury car. Or if I have this and that. Even if you look back on my past entries Mr. T!, I love writing about them. Things that I have and things that other people gave me. Iba yung pagkarating sa ibang tao. Hindi mo ko makikita na haharap sa isang tao and sasabihin may ganito ganun ganyan. At sabihin kaya ko ganyan ganito. Or kilala ko si blah blah.
Ganun na ko kahit dati pa. Kahit sa simpleng Converse shoes na binili ko dati na nasulat ko. Sa mga sapatos na meron ako nung 2005 na may picture pa ko sa isang entry. Sa bagong cellphone na meron ako nung 2006. Sa bagong kotse na nabili namin nung 2007. Sa branch ng drugstore na nagbukas sa Makati nung 2008. Hindi ako nagyayabang. Nagkukuwento lang ako ng may detalye. Sino yayabangan ko kung ako lang naman nagbabasa ng blog na toh? Wala na kong followers or readers dito sa Tabulas ko. And who would even read an entry about my life na ang haba haba. It's more like I'm taking accounts for those inanimated objects. For those things. I'll write about them kasi parte na rin sila ng buhay ko. Not to brag. Never to brag. Turo yan sa kin ng magulang ko and mga kapatid ko. Hindi ko matanggap yung salitang 'mayabang' sabihin sa kin. Pero mukhang yun ang naproject ng mga entries ko. Pasenya na for putting too much details. Iba tuloy kinalabasan.
And kauuwi ko lang galing dinner with family. Super antok na ko Mr. T! Drained ako physically and emotionally ngayon. I'll update you soon. Namiss ko ang magsulat ng ganitong entry sa ganitong oras ng gabi. Siguro sa ganitong oras talaga lumalabas kung anong nilalaman ng puso at isip ko. At hindi puros isip lang or puros puso lang. I miss you Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya. Here's to more blogging :)
Hello Mr. T! Musta na! O di ba nagbalik agad ako? Hmmmm... last Friday, sinundo ako ni J sa office pagtapos niya mag gym sa Galleria. Magdidinner dapat kami pero since kailangan ko imeet si Barry, Rhitz, Winnie and Che sa Resorts World to watch Kaos, sabi niya hatid na lang daw niya ko. So nag EDSA kami. Hindi traffic yung EDSA nung Friday. Kala ko simpleng hatid lang ang magaganap. May nangyari pang kakaiba...
Sobrang hindi ko makakalimutan ang gabing yun. Nung malapit na kami sa Resorts World, may hinanap at inayos kami sa kotse ni J so pumark kami sa may likod ng mga nag-aabang na jeep. Siguro mga after 5 minutes na nakapark dun. Then nung nahanap na namin yung hinahanap namin, may pulis na nakamotor ang sumusunod sa amin. Grabe! Una kinatok kami. Then super inaranvkada ni J yung kotse. Super habol pa rin yun pulis. Then, super himarurot ang pulis and hinarang yung left turn papuntang Resorts World. So umabot ang habulan sa flyover hanggang sa Express Way at hanggang Mckinley Hill. Then nawala na ang pulis. After nun, tawa kami ng tawa. Feeling ko nasa Grand Theft Auto kami nun last Friday. Ibang level yung excitement! Then hinatid na niya ko ulit sa Resorts World. Buti na lang may 30 minutes pa bago magstart yung show nung makarating ako. May time pa para ikwento kina Barry, Rhitz, Winnie and Che ang adventure ko bago nakarating.
Kaos was okay. Not great and not bad. Fairytale meets circus. Then I saw one of my old friend performing on stage. Naalala ko dati na sabay kami nagaaaudition sa mga singing contest nun. He persued his singing career pala. Napaisip ako habang may play. Gusto ko rin talaga yung ginagawa niya. Gusto ko rin nandun sa stage and pinapalakpakan. Naisip ko lang naman kung anu ano. Napaisip akong magshift ng career. Sana malapit na. Haha! Satuday I met up with Deck and Anjhe sa Megamall. Ginagawa pa rin nila thesis nila na sana pumasa na sila. Then nilibre ko sila ng lunch since tagal na naming di nagkikita. Kasama rin pala yung dalawang bading na friends ni Deck. While waiting for them, nagshopping muna ko ng mga Barbie. Hahaha! I bought 6 dolls yesterday Mr. T! Parang may community na sila dito sa kwarto ko! Anyways, ayun, then umuwi rin agad before dinner. Then nagparticipate kami sa Earth Hour and then natulog na ko. Nung nagsimula ang taon, tamad na tamad na ko pumarty party. Mas pinipili ng katawan kong matulog na lang. Or magmovie or dinner na lang mga labas ko lately. Signs of aging? Haha! Then I had to wake up early kanina dahil pupunta kami sa Tali beach.
Kauuwi ko lang actually. Ibang level mga tao sa Tali. Ibang level ang pagkasushal. Hindi namin kinaya. Mga old- rich Spanish clan kasabay namin sa beach. Nosebleed kami nina Ate. Haha! Super saya. Maagang summer vacation yun Mr. T! Kung ayos na siguro yung bahay na ginagawa sa Tali dun ko isusuggest na mag-outing team namin sa office. Anyways, super pagod na ko Mr. T! May pasok pa bukas and kailangan maaga dahil Monday na naman. I love my sked. I need a new job that has this kind of sked. Soon. Haha! Naku may makabasa nito baka kung anong isipin sa soon ko. Haha! Bahala kayo magisip!
Anyways, update you soon Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya. And yeah, lagi akong nanaginip lately. Siguro kasi hindi ako stressed lately? Update you soon. Namiss ko magblog ng ganito kapayapa ang mundo :)
Hindi ako natuwa sa tweet kanina ni Barry while we, together with Ritz were talking about Jeffrey. Uminit dugo ko. Hindi talaga maganda hirit niya. Kung joke man siya it was a bad joke. Hindi talaga ko natawa. Pamaldito rin yung hirit ko kanina. Sonrang pumayat si Jeffrey sa US Mr. T! As in super thin. Naalarm kami ni Rhitz pero si Barry nag maldita pa. Anyway, I need to talk to Jeff soon. Gulat din ako sa mga pictures niya. Sana sa pictures lang siya super payat. Very alarming talaga kapayatan niya. I miss Jeffrey a lot.
Anyways, dapat manonood kami ng movie ng manager ko kaso ang daming ginawa sa office napagod ako. Medyo umikot lang ako sa Galleria after work then umuwi na agad. Sa Wednesday na lang daw kami manood nung kay Sarah and Gerard. Haha! Gusto naming kiligin ng manager ko. Wala kasing nagpapakilig sa min. Haha! At dapat pala magkikita kami ni Migs kanina. Biglang hindi natuloy dahil biglang nanganak yung kaibigan niya. Ireresked na lang daw niya. Sabi ko, okay. Haha!
Also, someone is back from outerspace. Nagbalik ang curious case ni M. Niyaya ako makipag inuman bukas sa Eastwood. Pumayag naman ako dahil ages na since last kami nagkita. Marami raw siya ikukwento and magkwento rin daw ako.
Parang super pagod ako ngayong araw na toh Mr. T! Ibang level. Yung deliverables ko hindi ko pa natapos. Good luck sa kin bukas. May fire drill pa bukas. Tinatamad ako. Yung VL ko 3 weeks ko ng inapply di pa rin naaapprove! Naku lang talaga! Kaya siguro ko napapagod kasi nag OT ako. Sipag lang? Hahaha! Feeling lang! Anyways, update you soon Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya. I'll upload the pics on Facebook tomorrow na lang. Bye!
Hindi matuloy tuloy ang pagkikita namin muli ni M. Haha! Lagi kong kinacancel kasi lagi akong inaantok at mas gusto ko pang umuwi ng bahay at maglaro ng Barbies. Haha! Buti maunawain siya. Ayun, parang may party na naman sa bahay. Pumunta mga tao from Unilab dito sa bahay may pinagusapan yata sila nina Ate. Tapos sina Emo and Page, since bakasyon, dito matutulog sa bahay muna. Ayun, grabe lagi akong inaantok. Weird baket ganito pang umaga na nga ako. Tumaranda na ata ako Mr. T! Lahat ng invites lumabas nagdedecline ako. Pati kami nina Barry and Rhitz bihira na magkita lately.
So ayun, si Migs dapat sasama sa amin ng manager ko manood nung kay Sarah and Gerard kaso nagkasakit siya on that day. Kaloka super text ang lolo mo kanina. Ang daming tanong! Hahaha! Buti na lang derechahan kong sinasagot lahat ng tanong niya para walang malabo. Sobrang nakakakilig yung movie ni Sarah and Gerard grabe lang. Haha! Umaasa pa rin ako na isang araw may dadating and muling magpapatibok ng puso ko Mr. T! Yung tipong makakalimutan ko na naman yung sarili ko. Haha! Sana. :)
Lately mas trip ko maglakad lakad mag-isa sa mall. Parang ang sarap sa utak. Idle sobra ang utak. Haha! Walang kausap o susundan na tao. Sarilj mo lang kauusapin mo at susundin. Pwede ma rin mag-emote moments at sabay naka-ipod ka rin. Haha! Masasabi ko ngayon Mr. T! mas stable na kong mag-isip. At stable na rin mga nararamdaman ko sa mga bagay bagay. Pag pinapakinggan ko ang Wings of Forgiveness ni India.Arie, napapasmile na lang ako and nagpapasalamat. Good vibes sabi nga. Ayoko na ng kabitteran. Hindi ko makilala sarili ko pagbitter ako. Nagihing halimaw ata. Hahaha! Gusto ko magsorry sa mga taong nasaktan ko. Pero hindi pa ata kaya. Time will tell. :)
Hindi ko pa pala napapakilala mga Barbies ko dito sa Tabulas Mr. T! Pag nakaluwag ako papakilala ko sila isa isa. Sila bago kong pinagkakaabalahan. Haha! Feeling ko mga anak ko sila. Pag umuuwi ako, hindi na ko lumalabas ng kwarto. Hanggang antukin ako nilalaro ko sila. Okay, I've always wanted to play them nung bata pa ko. Ngayon lang ako nagkaroon ng freedom to own them. At ang dami dami na nila. Hahaha! Sana naman alam na ng mga tao ireregalo sa kin sa susunod. :)
Anyways, update you soon Mr. T! Yung ipopost ko dapat kahapon sobrang saklap naman na entry hindi ko na pinost. Ayoko na awayin sarili at kung sino pa. Ayoko na rin malunod sa mga insecurities ko. Ayoko na sisihin sarili ko. I'm trying Mr. T! Sabi nga ni Mariah kay Diana Ross "I'm still a diva in training..." Haha! Update you soon :)