Apat Dapat, Dapat Apat (Relapse)
I miss Jeffrey. A lot! Inaamin ko. Hindi ko kayang makita na lalayo si Jeffrey from me. From us three. Sobrang laking parte na ginampanan ni Jeffrey sa buhay ko. Sa buhay naming tatlo. It’s just not the same without Jeffrey. It’s not the same without Barry. It’s not the same siguro kung wala rin ako. Apat Dapat, Dapat Apat. Alam namin toh at alam kong alam ni Jeffrey yan.
Masakit nung nalaman namin na umalis si Jeffrey na hindi man lang kami nasasabihan. Nasaktan kami. Si Rhitz first time kong nakitang malungkot. Si Barry naiyak. Ako dinaan ko na lang sa joke joke at patawa tawa pero sa totoo lang parang namatay ako nung oras na yun. It was very random. Nasa Starbucks kaming 3 nina Rhitz and Barry and sabi ko kumusta na kaya si Jeffrey? So I checked his Facebook sa phone ko. To our surprise, nakita ko na lang na may nagcomment na “be safe in Miam” --- something like that. Then there was silence. Then we saw pictures of Jeffrey going out with his other friends. Napipi na kami. Ganun ba kami walang kabuluhan sa buhay ni Jeff at di man lang niya kami sinabihan na aalis na siya? I tried to joke about it. Pinatawa ko sina Barry and Rhitz. Pero muntik na kong magbreakdown nung oras din na yun. Biglang nawala yung mga totoong tawa namin. Mapapansin na pineke namin lahat ngiti namin nung gabing yun. And to quote Rhitz “Probably Jeff doesn’t want us in his life anymore, we must move on”. Naiyak ako pagkauwi. As in iyak. Inisip kong kausapin si Jeffrey. Pero masyadong magulo utak ko. Alam kong may gap kami before siyang umalis nung nag-away kami about him finding a job. Alam kong hindi magiging maganda magiging pag-uusap namin kung hindi ko pag-iisipan mga sasabihin ko. Kung hindi pa ko nakakapagreflect. Baka mas lalong gumulo. So pinalamig ko muna ang sitwasyon. Hindi ako strong when friends say goodbye. Ayoko ng may umaaliw. Lalo na umalis na hindi ka sinabihan. Napakasakit.
Kilala ko si Jeffrey. Magaling siya sa mga hindi pansinan. Tulad nung nag-away away kaming 3 noon. Kinain ko lahat ng pride nun para magka ayos ayos kaming lahat. And kakainin ko ulit para magkaayos ayos kami hanggang sa huli. I love Rhitz. I love Barry and I love Jeffrey. 3 most essential friends ng buhay ko. Tulad nga ng lagi kong sinasabi, kaya siguro hindi ako naghahanap ng jowa dahil silang 3 ang jowa ko. True enough. Hindi naman talaga ko naghahanap. Silang 3 nakakakilala sa pagkatao ko. Alam nila pagtahimik na ko at ano mga pwedeng mangyari. Alam nila pag malungkot ako. Alam nila pag tunay akong masaya. Alam nila pag-inlove ako at nasasaktan. Silang 3 ang nakakakilala sa kin. And tulad rin ng lagi kong sinasabi sa kanila, kung magiging cause ng away namin, ay lalake, na wag naman sana, ibibigay ko na sa kanila, kahit si Channing Tatum pa yan. Huwag na huwag lang masisira pagsasamahan naming 3. Parang pamilya turing ko sa kanila. And losing 1 of them means everything. And what more, yung pinakaclose ko pa.
Siguro nga naramdaman ni Jeffrey na hindi na siya makahabol nung lumabas kami once dito nung pagbalik niya. Alam kong nasaktan ko siya sa mga sinabi ko sa kanya about finding a job. Alam kong nagkamali ako. Siguro nga nahirapan na siyang magconnect sa mga inside jokes namin nina Barry and Rhitz. And nagmove on na siya sa mga jokes na yun. Nagkaroon ng gap inaamin ko. sa 3 years na wala si Jeffrey sa Pilipinas. Inaamin ko. Hindi na rin kami halos nakakapagchat or YM nung nasa Switzerland siya. Di tulad nung nasa Taiwan siya na halos araw araw magkausap kami. May mga kwento na kaming hindi nakwento sa kanya. Mga lugar na napuntahan na hindi siya nakasama. Pero hindi naman siya pinahahabol Mr. T! Sabi nga ni Barry, we will start kung hanggang san siya nakaabot. Dun tayo magsisimula ulit. Sang ayon ako dun. Ganun namin kamahal si Jeffrey kahit minsan hindi namin pinapakita. Kahit minsan parang manhid kami. Kahit hindi nararamdaman ni Jeffrey yun, mahal na mahal namin siya. Lalo na si Barry, hindi expressive si Barry pero mahal na mahal niya rin si Jeffrey.
Nakapagusap na kami ni Jeffrey Mr. T! Mukhang naayos na naman mga hindi pagkakaintindihan. Isa lang yung kinabahala ko, Jeffrey feels na hindi namin siya sinusuportahan sa mga gusto niyang gawin sa buhay niya. We support him all the way. We were never against Jeffrey’s decision. Well sa mga usapan na ibang topic against kami sa kanya dahil malabo kausap minsan si Jeffrey. Pero yung mga decision niya sa buhay, nasa likod niya kami. Siguro naging sensitive si Jeffrey. Siguro lang. Pero kung ano man gawin ni Barry or Rhitz, susuportahan ko sila tulad ng ginagawa nilang pagsuporta sa kin. Kay Jeffrey. Malamang hindi naman susuportahan si Jeffrey kung gusto niya magpakamatay! Pero sa mga bagay na alam naming gusto niya dahil alam niyang makakabuti sa kanya yun at sa buhay niya, nasa likod niya kami. Hindi man kami nagsasalita pero andito kami sa likod niya palagi. Kung pangingibang bansa man ang desisyon niya, go, andito pa rin kami. Kahit malayo man kami, alam namin essence ng pagiging kaibigan.
And nung sinabi ni Jeffrey na siguro nga hindi kami magiging friends forever, nalungkot ako sobra. Na kailangan niya na tapusin ang pakakaibigan namin. Nanginig ako sa takot. Ewan ko ba Mr. T! Kung if ever, sana wag naman, na iwan kami ni Jeffrey, isipin na lang niya na hindi kami ang nang-iwan kung hindi siya. Andito kami dati pa. Andito kami ngayon. And dumating man ang panahon na nais niyang bumalik, andirito pa rin kami. Sinabi ko kay Jeffrey yun and nagthank you siya Mr. T! Nung matapos na kami mag-emohan, pinag-usapan namin yung bagong album ni Rihanna. Napangiti ako, naramdaman kong okay na kami ulit. At isa pang proof na okay na kami, nung nanood daw siya ng Dreamgirls sa Broadway, sobrang naalala niya raw ako. I smiled. Sobrang saya ko nung araw na yun. Then medyo humabol ako sa mga kwento ni Jeffrey at yung bago niyang job sa Miami. And then I saw Rhit’z Facebook wall, Jeffrey greeted him on his birthday. Then umuwi ako while listening to “Dreamgirls”… :) Marami pang dapat ayusin. Marami pang dapat pag-usapan. Salamat kaya Jeffrey nag-open up siya at nalaman namin nararamdaman niya. Sana ngayon alam na rin ni Jeffrey na hindi namin siya winawalang bahala. Na hindi namin siya sinusuportahan. Mahirap din talaga mag-assume. Dapat open ang communication. Mahirap makiramdam. Sana magtuloy tuloy ang pag-aayos namin Mr. T!
We love you Jeffrey :)