Buses and Trains
Mr. T!, siguro naman hindi ako masamang tao. Kahit kelan, hindi ko intention makasakit ng kapwa ko. Kung nakasakit man ako, nasabi ko lang nararamdaman ko at sa kung ano talaga ang paningin ko. Pero para saktan talaga sila, hindi ko intensyon yun. Hinding hindi ko magiging intensyon makasakit ng ibang tao. Dahil alam ko kung paano masaktan. At ayoko iparanas sa iba.
Siguro minsan, akala ng ibang tao winawalang bahala ko mga bagay bagay. Sa totoo lang Mr. T!, pagod na rin kasi intindihin mga bagay bagay na matagal ko ng bibigyan importansya. Kung nararamdaman nila na hindi ko binigyan ng importansyae and appreciation mga pinakita nila sa kin, nagkakamali sila. Ang pinakamaliit na bagay na ginagawa para sa kin para mapasaya ko ay binibigyan ko ng halaga. Alam ko kung gaano kahirap magpasaya ng ibang tao. Alam ko rin ang pakiramdam ng hindi naappreciate. Masakit. So bakit hindi ko iaappreciate mga bagay na ginagawa sa kin ng ibang tao? I know how it feels to be unappreciated.
Hindi ako nagpapaasa ng tao. Lahat ng nanligaw sa kin Mr. T!, hindi ako sinumbatan niyan. Wala pa ni isang sumumbat sa kin niyan. Hindi ako nagpapaasa. Dahil sa simula pa lang nililinaw ko na hindi pa rin ako buo hanggang ngayon. I can’t give my heart completely. Gusto ko, pag nagmahal ako, buo na ko. Kumpleto na ko. Hindi ko ibibigay sarili ko kahit isang piraso na lang ang kulang para mabuo ako ulit. Gusto ko ganun ako pag nagmahal. Kasi gusto ko rin namang buong buo rin akong mamahalin ng mamahalin ko. Kung sa tingin ng ibang tao nagpaasa ako, pasensya na.
Hindi rin ako mang-aagaw. Wala akong inaagaw na tao. Kung sa paningin ng iba dapat kong layuan ang mga taong nasasaktan ko. Pasensya na rin. Kung nasasaktan ko kayo, nasasaktan din ako. Ang hirap makipaglaban kung alam mong talo ka na. Para kang sasali ng takbuhan pero pilay ka naman. Mahirap. Kung nakasakit ako pasensya na. Kung mang-aagaw ako, pasensya na rin.
Sa lahat ng taong tingin sa kin na nangugulo ako ng relasyon, patawarin niyo na ko. Hindi ko intensyon malaman mga bagay bagay na nangyari. Bigla lang lumiit ang mundo na nagalawan ko. It was by accident that I found things out. Kung sa tingin nila may inaagaw ako, sige ako na mang-aagaw. As if may may-ari ang sinasabi nilang inaagaw ko. Pasensya ulit.
Minsan gusto ko ng tigilan to dahil parang naghihintay na lang ako sa wala. Pero, pasensya na kung ayokong umalis sa lugar kung nasan ako dati. Sa totoong lang, ayokong gumalaw kung nasaan ako ngayon eh. Nahihirapan ako sa totoo lang pero kakayanin ko toh. Sa totoo lang nabugbog na pagkatao ko pero iwawalang bahala ko na lang. Ang mga nasabi, nasabi na. Ang mga nasaktan, nasaktan na. Kung ako man ay nakasakit, pasensya na.
Masakit, pero kinakaya. Masakit pero kakayanin. May mga malalaman pa kong siguro ikasasakit ng damdamin ko pero iwawalang bahala ko na lang din. Siguro may malalaman din silang ikasasakit ng damdamin nila. Alam kong masaktan. At ang taong kayang pa hupain ang sakit na nararamdam ay ang sarili. Responsable tayo sa lahat ng nararamdaman natin.
Sa mga masasakit kong nasasabi. Sa hindi ko pagsasalita sa mga nararamdaman ko. Pasensya na ulit. Kung umaasa pa rin ako. Pasensya na ulit. Kung nagmamahal pa rin ako, pasensya na ulit. Kung matigas pa rin ang ulo ko hanggang ngayon at kahit nasasaktan pa rin ako. Hindi pa rin ako aalis sa kinatatayuan ko. Sa mga taong sa tingin nilang hindi ko sila mahal o minahal. Minahal ko sila. Mahal ko pa rin sila dahil napapaligaya pa rin nila ako hanggang ngayon. Sana wag sumamaang mga loob nila sa kin.
Maliit lang namana ng mundo dati. Palaki siya ng palaki sa totoo lang and it’s inevitable. Sasabay na lang ako sa direksyon ng agos habang inaalam ko mga tunay na kaibigan sa mga hindi.
Nasasaktan ako tuwing susubukan kong hawakan ang mga taong to. Kung sa akala nila lagi akong nakangiti at masaya at makulit, nasasaktan din ako. At hanggang ngayon, pira-piraso pa rin ako pero hinding hindi ako gagalaw kung nasan ako ngayon. Dito ko masaya kahit ilang beses pa ko masaktan. Pasensya na...