Ang dami kong iniisip. Hindi ko lahat sila kayang isipin. Nakakapagod mentally. Ang dami kong gustong ilabas dito sa blog pero parang hindi ko kaya. Parang cautious na ko sa mga sinusulat ko ngayon sa blog. Lalo na mga inner feelings ko and thoughts. Ilang beses ko na ginawa yun, I was just taken for granted. Might as well not lang Mr. T! Tatago ko na lang hanggang magbreakdown na naman ako. Wahhh... sabi nga ni Luis, ang dami nilang magpapasaya sa kin. Natutuwa namana ko dahil may mga kaibigan akong kasing-sira ulo ko. 

Anyways, katatapos ko lang mag-grocery. Tapos close case kanina Mr. T! Hindi ko alam kung pasado ko or bagsak. Ang hirap lang. Pero bahala na. Yun lang kaya ng utak at katamaran ko. Sana naman ipasa ko. Haha! Ayun, wala lang, tawa lang kami ng tawa sa training kanina kasi parang free time. Ka-chat ko lang si Luis sa Facebook kanina. As usual 5AM pa rin ako nagigising. Nakakapagod na. In fairness wala pa rin akong late! Ako ba toh? Hehe... ayun tapos kasabay ko kanina yung officemate kong hmmm... bisexual. Oo inamin niya sa kin kahapon. Mineet niya yung BF niya sa Gateway kanina Mr. T! Super inggit lang ako di ba? 1 year na sila. Hay... wala lang. Hahaha! Idol daw ako nung officemate ko. Weird hindi ko alam baket. Haha! Pero nakakatuwa siya and nakakatuwa silang magjowa. :-)

Hmmm... ayun, may problema si Ate grabe. Hays... hindi pera for sure. Hindi rin health. Sabi ko nga sa kanya Mr. T! na kaya niya yan. And icheck niya rin sarili niya. Marami siyang role sa buhay. Hindi lang siya kapatid, nanay, amo. Asawa rin naman kasi siya eh. :( Hay, hindi na raw niya kaya. Sabi ko kaya niya yun. Siya ang babaeng walang hindi kinakaya. Hays... everything will be okay alam ko. 

Ano pa ba... ayun. Wala kong gana lumayas layas ngayong linggo. Gusto ko sa bahay lang ako. Si Luis nag-iinvite kanina lumabas. Sabi ko pass muna ko. Oo first step yan! Hehehe... ang dami kong namimiss na tao. Ang dami kong naaalala na pangyayari. Baket ganun ang hirap na nilang balikan? Sa blog ko na lang sila nababalikan. Hay... :( sorry emotional ako lately Mr. T! Ano ba toh... hays... 

Ano pa ba Mr. T!? Yun na lang muna. Parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko ngayon. Alam mo yung parang bagong iyak lang? Ganun pakiramdam ko ngayon. Hay... puro hay na lang tong entry na toh. Tatapusin ko na toh sa usapan namin ni Mama kanina tungkol sa love. Eto sabi niya sa kin...

"Kaya siguro hindi ka pa nagkakaroon ng karelasyon kasi masyado kang swapang..."

"Kung pagiging tanga ay pagiging swapang, baka hindi na talaga ko magkakaron..."

Moving on... update you soon Mr. T!

Currently listening to: The Trouble With Love Is by Kelly Clarkson
Currently feeling: calm
Posted by jjcobwebb on March 15, 2010 at 09:55 PM in Everyday Drama | 1 comment(s)

Aubrey (guest)

Comment posted on March 16th, 2010 at 11:47 PM
busy sa pagpapayaman ang mga tao jay.:D
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.