Monumento
Sobrang bihira ako pumunta sa lugar na yun. Thrice pa lang before yesterday. Fifth na kanina dahil kahapon fourth nung hindi ako nakaabot sa mga NBI forms. Ewan ko, bakit parang ganun, nalalabuan ako sa nararamdaman ko pagmagkasama tayo. Yep, I like you --- a lot. Hindi ko alam kung gusto mo rin ako. Siguro gusto mo ko as a friend at siguro hanggang dun na lang yun. Gusto ko nakikita kitang masaya. Gusto ko pag napapatawa kita at napapatawa mo ko. Hindi ako umaangal kahit san mo ko dalhin dahil masaya ko basta kasama ka lang. Kahit habang buhay tayong naglalakad kahapon, walang katapusang pagdadaldalan, kulitin at asaran, parang hindi ako napapagod. Alam kong pagod ka na sa buhay mo. I can feel you. Pero huwag ka mag-alala, andito lang lagi ako. Sa totoo lang, hindi ko masabing gusto kita as in gustong maging karelasyon.
Gusto kita. Pero hindi ko alam baket hindi ko kayang aminin sa sarili ko na gusto ko iangat pa ng isang antas yung pagkakaibigan natin. Hindi ako sigurado sa mga puwedeng mangyari. Hindi rin ako sigurado sa sasabihin mo. Natatakot ako. Baket kaya ganun? Nararamdaman pala talaga yung hindi ka sigurado para sa isang tao sa hindi mo alam na kadahilanan. Kung alam mo lang paano mo ko napapasaya. Kung alam mo lang minsan naiinis ako sa yo dahil isa kang malaking asungot sa buhay ko minsan. Dahil ang kapal ng mukha mo. Dahil ang kulit mo. Ang daldal mo. Ang gulo gulo mo. Ang bakla bakla mo. Pero sa lahat ng yan, nanghihina ko pag magkatabi at nag-uusap na tayo. I've never been this week beside somebody else before. Baket kaya ganun? Natatakot ako.
Minsan tinatanong mo ko baket lagi akong tulala pag magkasama tayo. Sagot ko naman nagrerecharge lang utak ko. Pero sa totoo, nag-iisip ako pag magkasama tayo. Is this who I really want? Eto ba yung taong gusto kong maging more than friends kami? I am not so sure pero gusto kita. Pasensiya kung minsan talaga parang nagbablack out ako pagmagkasama tayo. Hindi ko rin alam anong meron sa yo baket napapaamo mo ko. Hindi ko alam baket mo ko napapasaya ng ganito. Siguro mahal kita ayoko lang aminin sa sarili ko. Kasi natatakot ako sa magiging reaksyon mo. Natatakot na ko kasi napunta na ko sa lugar kung san nasaktan lang ako. Pasensya na kung hindi ko masabi. Natatakot kasi ako mareject ulit. Natatakot ako sa pwedeng mga mangyari.
Nagseselos ako pag nagkukuwento ka ng mga taong mahal. Nagseselos ako pag sinasabi mo sa kin mga taong gusto mo. Nagseselos din ako pag shineshare mo mga bagay na gusto mo sa isang tao. Nakakalungkot kasi ni isa sa mga napagkwentuhan natin na katangian na yun hindi ako. Wala ako dun. Siyempre ako naman, pasmile na sasabihin, go lang. Masakit pero ganun talaga. Kung san ka masaya dun ako kahit gaano pa kasakit di ba?
Hindi ko rin naman masabi sa sarili ko na gusto mo ko. Hindi ko alam kasi ayoko na mag-assume. Sawa na ko kakaassume. Pasensya na rin kung lagi kong bukhang bibig si Chris. Alam ko sawa ka ng marinig yang pangalan na yan. Pero tulad nga ng sabi mo mahal ko si Chris. Pero gusto ko rin sabihin pag sinasabi mo yun na parang mahal na rin kita. Ang hirap. Wala ko sa positiong mag-assume. Magulo takbo ng utak mo. Kasing gulo mo. Hindi naman ako manghuhula para basahin ang kilos at pag-iisip mo.
Ginagawa ko lahat para kilalanin ka ng maigi. Gusto ko marami tayong pagdaanan. Gusto ko maging super close tayo. Para marami tayong babalikan na memories. Marami rami na rin. Nakakatuwa na tinago mo lahat ng movie tickets natin. Tas ako ni isa walang naitabi. Ayoko na kasi ng emotional baggage. Natututo na ko sa mga tickets na yan. Hay... sorry talaga duwag ako. Sorry makulit ako. Kung san man ako dadalhin ng nararamdaman ko na toh bahala na. Gusto ko sanang umasa sa yo, pero parang huwag na lang. Give me reasons to believe na meron ka rin nararamdaman. Sana...