Outside
"Tito Jacob, last weekend may talk sa amin sa school about parents na magkahiwalay. Naiyak ako..."
Yan ang pambungad na bati sa kin Page sa Facebook kanina Mr. T!
Minsan gusto ko ilagay sarili ko sa pamangkin kong si Page. Gusto ko rin ilagay sarili ko sa lugar ni Ate. Para maintindihan ko silang dalawa sa totoo lang. Ang hirap Mr. T! pag nakikita mo yung kalagayan nung dalawa. Halos lahat meron na si Page Mr. T! Buong pamilya lang talaga ang wala siya. And never na yun mabubuo. Nakakalungkot isipin na tumawag sa kin si Ate kanina. Umiiyak. Naiyak din ako. Siguro nalaman niyang nagsabi sa kin ng hinanakit si Page sa kin kanina sa Facebook. Mr. T!, wala ako sa tamang lugar para magsabi ng mga dapat nilang gawin di ba? Sila ang mag-ina eh. Kapatid lang ako ni Ate and tito lang ako ni Page. Wag sana nila akong gawing tulay sa communication nila. Sabi ko nga kanina kay Ate, baket hindi sila mag-usap ni Page ng harapan. Ng silang dalawa lang. The last time silang nagusap eh nandun ako. Nakikiiyak. Mahirap Mr. T! Mabigat sa damdamin. Ayokong nakikita silang dalawa na nagkakatampuhan. Nag-iiyakan. Nalulungkot din ako. Sa likod ng mga masasayang mata at matatamis ng ngiti ko Mr. T! I get hurt easily. Akala lang siguro ng iba malakas loob ko. Pero sa mga bagay bagay na ganito, mahina ako. :-(
Hindi ko masisisi si Page dahil lumaki siya sa Daddy niya. Hindi ko rin naman masisisi si Ate dahil lahat naman daw ng ginagawa niya para sa mga anak niya. Kung hindi lang niya iniisip daw si Emo and Page and kami, matagal na siyang tumigil sa pagpupursigi. Mahirap talaga timbangin. Hindi rin dapat ako manimbang kung sino ang tama at sino ang mali. May gap eh. Tulad nga ng sabi ni Page Mr. T! Hindi niya kailangan yung mga material na bagay na binibigay ni Ate sa kanya. Time lang hinihingi niya. Si Ate naman kanina sabi huwag siyang binabaligtad ni Page dahil parang si Page ang lumalayo dahil sa halos every weekend na pinapasundo niya si Page sa Taytay, may gagawin. Lumalapit na siya, si Page naman ang parang lumalayo. Kahit daw isang report card ni Page walang nakita si Ate. Ewan ko ba Mr. T! Nag-iiyakan kami ni Ate kanina sa phone. Nalulungkot ako. Nagsimula kasi sa Family Day ni Emo sa Lasalle toh eh. Nagalit si Ate kay Page dahil Family Day na Family Day ni Emo wala siya. Ayun, si Page naman, sabi sa kin kanina, may umuwi raw kasi from the States kaya hindi siya nakapunta. At baket naman daw si Ate ganun, galit na galit sa kanya, eh ni isang Family Day niya sa Assumption eh hindi nakapunta si Ate. Nalulungkot ako Mr. T! Baket ganun?
Sana magkaayos si Ate ang Page Mr. T! Kasi pati ako naaapektuhan. :-( Nalulungkot din ako pag nagkakaganito sila. Sinabi ko kay Page kausapin si Ate. Sinabi ko kay Ate kausapin si Page. Ayoko pumagitna sa sensitive na topic tulad nito. Silang dalawa lang naman kasi makakapatch nung gap eh. The best that I can do siguro is to remind them na i-close na nila yung gap na yun dahil magnanay sila. Kahit ano man nangyari sa Daddy ni Page at kay Ate nun, tapos na yun. Mahalaga yung ngayon. Alam ko mahal nila ang isa't isa Mr. T! Pero they need more work to make it work. Minsan okay naman silang dalawa. Minsan kasi si Ate grabe magalit. Minsan naman si Page pasaway. Kailangan talaga nila mag-usap and magspend more time together. Hindi naman kasi lumaki si Page kay Ate. Sa Daddy ni Page siya lumaki. Si Ate rin naman nung bata pa si Page sobrang busy na. Naalala ko pa ako katabi ni Page dito sa bahay pag gabi dahil si Ate wala pa madaling araw na katatrabaho. May dahilan silang dalawa. Kailangan nilang iopen toh sa isa't isa. Ayoko na sumama pag nagusap sila ulit dahil sa malamang makikiiyak lang din ako. Sana maayos na nila toh Mr. T! dahil nalulungkot din ako at sana wag sila magsumbatan. Sana maisip ni Page na swerte siya dahil meron siyang dalawang pamilya and tanggap siya ng mga bagong asawa ng mommy at daddy niya. At sana si Ate, huwag agad magalit at intindihin si Page and kahit paano bigyan si Page ng oras at pansin. At sana magkaayos na sila :-(