Hello Mr. T! Kagigising ko lang ulit. Hahaha! Natulog ako after lunch para may energy ako mamaya sa birthday ni Tin. Though feeling ko naman hindi kami aabutin ng hanggang gabi kasi ganun si Tin. Cinderella. Anyways, kwento na ko ng mga nangyari kahapon...

Sa pharmacy may monthly meeting kahapon. This time kasama ang in-house pharmacy. Tapos grabe, ang dami daming pagkain after nung meeting. Super busog ako. Pero super dami rin naman ng ginawa kaloka. Then pagkauwi ko, natulog ako then nagising around 7PM na. Nagtext ako around 3AM sa mga tao kung sino gusto manuod ng Avatar pero wala silang mga pera. So okay, kaya natulog ako. At nung akala kong hindi na ko lalabas kahapon ng gabi, nagkamali ako! Grabe! Lumabas pa rin ako ng bahay...

Pakielamero kasi ako ng mga YM status ng tao. Si JC online at "waiting" you status niya kagabi. Aba super tanong ako kung baket. Ewan ko ba naman baket sinabi kong pag di sila nagkita ng friend niya eh kami na lang magkita dahil nababato ako sa bahay. Ayun, hindi nga sila nagkita so kami ang nagmeet. First meeting namin to ni JC Mr. T! And kung sino si JC eto ikukuwento ko muna...

Blogger din si JC. Disclaimer to JC: Naku, pasensiya na kung lalabas ka sa blog ko. Eh nagkita kasi tayo kahapon eh. So parte ka na ng blog entry ko. Hahaha! So yun, weird kasi may nagbabasa pa pala ng blog ko. At alam ni JC mga nangyayari sa buhay ko. Nakakaloka lang pero nakakatuwa isipin na may mga taong nagtitiyaga pa rin basahin ang aking blog. So yun, salamat sa internet, nagkakilala kami ni JC. At eto ang bongga, may jowa si JC for 7 years na Mr. T! San ka! Tagal na nila noh? Nakakatuwang isipin na may mga ganung relasyon. Hinihintay niya kasi jowa niya umuwi kagabi at bored ata lolo niyo, so yun, nagkita muna kami. At eto ang link ng blog niya: siopaobunwich.blogspot.com

So yun, wala akong number niya. Wala siyang number ko. Nag-usap kami sa YM na sa Starbucks Shang-rila na lang magkita. Dun sa may labas. Grabe, 10PM ang expected time of meeting. Walang text text. Parang lumang meet-up lang. So pag hindi ka siniputan, kawawa ka. Hahaha! Pero nagkita naman kami. Nauna ko sa Starbucks. Nung wala pa si JC, paikot-ikot lang ako tas may nakita pa kong tao. Hahaha! Iniwasan ko. Kaloka lang! Then yun, sa Starbucks nung pumasok ulit ako, si JC na nag-approach sa kin. Hindi ko inexpect ganun siya kapayat. Hahaha! Nainggit ako. Hahaha! So yun, may isang table sa Starbucks na ginamit muna namin. Mababa yung table pero lumipat din naman kami after may nagkaroon na ng bakanteng table. 

So yun, super usap kami ni JC. Nakakatuwa siya. Ewan ko pero pang long lost friend ko siya. Hahaha! Wala talagang kyeme yung meet up namin. We were talking like we've been friends for a long time. At ang sarap niya kwentuhan dahil super kinig din siya. Tapos pag nagkwento rin siya, sarap din pakinggan dahil magaling din siya magkwento. So yun, dapat til 12:00AM lang kami dahil uwi na ng jowa niya yun. OMG lang umabot kami ng til 3:00AM kalalakad at kakakwentuhan sa may Ortigas Center. 

Una magpapaload lang dapat ako sa MiniStop dahil susunod ako sa isa kong kaibigan sa The Fort after namin magkita. Eh naisip ko na nakakatamad na rin umalis. Paparty na naman eh mas masarap tumunganga. After ko magpaload hindi ko alam san na kami dinala ng paa namin ni JC. Grabe, naglalakad na lang kami bigla sa Ortigas Center at paikot ikot kami ng ilang oras dun. Nagkukuwentuhan, nagtatawanan. As in! Maganda yung weather kahapon Mr. T! kaya siguro masarap maglakad. Anyways yun, then nakaabot kaming Metrowalk at muntikan ng mag-videoke. Salamat talaga at maraming tao sa may Chicago kagabi at mahal sa Platinum at hindi natuloy pagvivideoke namin.

Bago pala kami makarating sa Metrowalk, eh tumawag na jowa niya sa kanya. Nakauwi na ata. Sinabi ata niya na kasama ako. Sabi ko uwi na siya pero sabi niya okay lang daw kahit magtagal kami. In fairness nakakatuwa sila, sobrang walang issue sa kanila mga ganung bagay. Nagkakaintindihan sila Mr. T! Natuwa naman ako di ba? So yun, walang videoke, napagod ata kami, so nagMcDo kami sa may St. Francis. Eh parang gusto ko magJollibee nun, lumabas kami pero sarado na ang Jollibee. So yun Mr. T! Hanggang inabot kami ng 3AM sa loob ng McDonald's kakakwentuhan. Ewan ko, parang tagal na talaga naming friends Mr. T! Nakakaloka dahil kahit anong ikwento ko sa kanya, parang alam niya rin dahil nabasa niya sa blog ko. Pero siyempre may mga bagay na wala sa blog ko na kinuwento ko sa kanya. Tapos dapat magkikita rin kami ni Benson since sa Ortigas nagtatrabaho ang bakla, pero nalate, pinagalitan na naman ng boss at kung baka magkita raw kami, hindi na siya bumalik ng office. Hahaha! So yun, sabi ko sige huwag na lang.  

So yun, siya ang sumuko. Pagtapos namin magtawan at magkwentuhan, una siyang napagod. So yun, we had to wrap things up and siya naunang sumakay ng cab. Then ako umuwi na rin after niya. Sobrang saya Mr. T! Tagal ko na rin hindi nakakameet ng mga bagong tao online. Buti naman si JC una kong nameet ngayong taon. Pinaalala niya sa kin na marami pa palang mababait na tao online. Anyways, update you soon Mr. T! Birthday ni Tin in a while. Sa Shang-rila, oo dun ulit. Ano ba toh. Hahaha! At bago ko tapusin tong blog na toh, hindi ko makalimutan yung tanong ni JC sa kin kagabi nung napagkwentuhan namin na feeling ko ako si Tom sa 500 Days of Summer at sabi ko sa sarili ko dapat kong iblog toh... 

"Ano nga ba yung ending nung 500 Days of Summer ulit?"

"Yung sa job interview di ba? May nakilala siya?"

"Yep si Autumn. Nakilala niya sa job interview..."

"OMG! Hahahaha!"

"Yun na yun eh! Hindi mo pa binigay number mo! Ikaw na talaga!"

Pag-naiisip ko Mr. T! Life is still beautiful even after all these years. Kahit gaano tayo kagaga ipapakita pa rin ng buhay na may sense pagkagaga natin. Mapaparealize na lang tayo, sarap pala maging gaga once in a while. Hahaha! Update you soon Mr. T! I love ya, I enjoy ya and I still appreciate ya! Mwah!

Currently listening to: Languishing by Mariah Carey
Currently feeling: energized
Posted by jjcobwebb on January 9, 2010 at 05:40 PM in Everyday Drama | 1 comment(s)

jjcobwebb (guest)

Comment posted on January 10th, 2010 at 09:30 AM
saya ng feeling noh? hahahaha!
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.