5. Obsessed by Mariah Carey
"Cause you're all fired up with your Napoleon Complex..." 

Eto lang ata naghit na single ni Mariah this year! Hahaha! Siyempre super repeat siya sa mga mp3 players ko this year. Kung hindi si Mariah kumanta nito, hindi ko magugustuhan yun song. Buti na lang si Mariah. Sayang hindi nag #1 toh. Muntikan na. Mali lang timing ng release sa iTunes at airplay. Sayang! Haha!

4. You Belong With Me by Taylor Swift
"Been here all along so why can't you see?" 

Super cute ng video kaya nagustuhan ko ng sobra yung song. Yung Love Story ni Taylor Swift hindi ko masyado gusto pero eto gustong gusto ko. Weird, lagi ko pinapanood sa iPod video nito. Tapos ganda ganda pa ng lyrics ng song. Ang daming memories na bumabalik pag naalala ko yung song. Tapos minsan pag nasa salamin ako, feeling ko ako si Taylor Swift kinanta toh! Hahahaha!

3. Eh Eh (Nothing Else I Can Say) by Lady Gaga
"But my friends keep telling me that something's wrong then I met someone..."

There's nothing else I can say talaga sa song na toh! Perfect lyrics! Hahaha! At perfect video! Perfect lahat! Hahahaha! Lalo na nung kinwento ni Lady Gaga history ng song nito nung concert niya sa Araneta! Naku! Eh eh na lang talaga Mr. T! Ewan ko, naadik ako sobra sa kanta na toh pati sa video niya! Grabe, feeling ko na talaga ako si Lady Gaga! Hahaha!

2. Jai Ho (You Are My Destiny) by Pussycat Dolls 
"You are the reason that I still believe..."

 Hindi ko alam nun na niremake ng PCD tong song na toh. Hanggang sa narinig ko sa phone ni Benson! Pauwi kami ng La Union nun sa bus blinuetooth niya toh. Grabe, simula nun, wala na. Jai Ho na ko ng Jai Ho mag-isa. Hahaha! Pati yung sayaw nito. Pero wala pa rin tatalo sa sayaw ng Single Ladies siyempre! Wala lang, dami kong naalala sa song na toh. Jai Ho!

1. Poker Face by Lady Gaga
"I’m not lying I’m just stunnin’ with my love-glue-gunning"

2009 is Lady Gaga's year. Grabe na siya. Hahaha! Ibang klase siya. Sino bang hindi makakaalam sa kantang toh? Ito ang Umbrella ni Rihanna. Crazy In Love ni Beyonce. Ang Hit Me Baby One More Time ni Britney, ang I Will Always Love You ni Whitney, ang Hero ni Mariah, ang My Heart Will Go On ni Celine, Like A Virgin ni Madonna at Rhythm Nation ni Janet Jackson! Poker Face defined Lady Gaga. Eto naglagay sa kanya sa SUPERSTAR status. 

Una kong narinig ko nung nag-eemote kami ni Barry pauwi. Natuwa ako. Sabi ko bongga nung song. Pok-pok Face! Hahaha! Then yun, nakita ko yung video, kinanta ni Sarah sa ASAP, ayun tuloy tuloy na ang pagmamahal ko sa kantang toh. Eto para sa kin ang kanta na nagsisimbolo sa 2009. Kung Disturbia ang number 1 sa kin nung 2008, Poker Face ang number one ngayong taon na toh! :-)

Other songs from 2009: Hotel Room, Boom Boom, I Gotta Feeling, Love Story, Fire, Sorry, Paano Na Kaya, Muli, Paparazzi, Bad Romance, Halo, Sweet Dreams at ang Nobody! Yan lang mga maisip now, so in short, yan mga tumatak na ibang song ngayong 2009. 

[to be continued...]

Currently feeling: nice
Posted by jjcobwebb on December 30, 2009 at 10:37 PM in Everyday Drama, Top 10: 2009 | Post a comment
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.