2009: A Look Back, January- June
January
Sino ang hindi makakakalimot ng sinabi sa yo ng
nanay mo na may kapatid kayo sa labas? Yan ang unang pasabog na nakuha namin
nung 2009. Tas sumunod ang mga party ni Tom, Wek at mga friends ko sa ADB.
January rin ang unang balik ni Jeffrey sa Pinas ngayong 2009. Ilang beses kaming
lumabas nun. Nakilala ko rin si Nanay Jong at mga anak niyang si Chu and Jamie.
Small world talaga. Nasa HSBC pa rin pala ko nung January. Dun ko nakilala si
Jamie, yung anak ni Nanay Jong. Haha! Small world. JAPALA1 anyone?
Haha! At January rin nung nagcelebrate kami ni Chris ng one year of friendship
namin. January was a nice way to start 2009.
February
Graduation ni Tin and Aubs sumama ko. Hindi ako
nakasabay. Kasama ko sa mga family dine out nina Tin. Hahaha! Eh nung nagpaparty
si Ate sa buong kalsada naalala mo Mr. T!? Haha! Naakyat ko rin yung top floor
ng RCBC Plaza nung February. Eh yung may nagregalo sa kin nung cake? boquet?
pabango? at teddy bear? Naalala mo ba si Geno? Hahaha! Eh nung nag-gym kami nina
Beck? Nung umuwi ako nung Valentinesdate namin ni Chris? Yung Death Anniversary
ni Tita Nita natandaan mo Mr. T!? Fair sa La Salle din nung month na toh. At ang
aming pagtitrip sa Intramuros, February rin pala! At ang sabay ng pag-uwi namin ni Glen, February rin pala.
March
Nagkita kita ulit kami nina Sherry, Beck and AK.
After ilang years naging kumpleto kami! Eto rin ang month kung san nagbukas ang
drugstore sa Pembo. Naging night shift agad ako para may bantay daw sa gabi. Eh
nung first time kong kumain sa isang floor na walang tao sa ospital naalala mo
Mr. T!? March din nung nagkita-kita kami ni Cha, Camille at Cleotie. Tinawag
naming Tabulas EB. Naalala mo ba si Mark Mr. T? Eh nung may nakakita sa min sa
Megamall at naging chismis? Dito rin nagsimula pagiging magastos namin nina
Barry and Rhitz. Sinumulan namin sa NSG sa GB3.
April
Una kong makakita ng waterfalls sa buong buhay ko.
At gabi pa! Majestic! Ang ganda! Eto rin yung month kung san pumunta kami sa
resort ni Ma’m Stella tapos sa Majayjay Wafterfalls. Holy Week sa Sofitel.
Bisita Iglesia at Easter Egg Hunt sa bahay ni Ate. Nagvideoke kami ulit ni Chris
nung April at nagmovie rin after ng matagal na panahon. Nalasing ako. MOA with relatives din
nung April. At nung muntik na namang magkaroon ng sunog dito sa compound, April
din yun. Nung una kong bumili ng Ken Doll at si Ate unang beses pumuntang
America para bisitahin si Kuya nung April.
May
Nalaman ko na magkapitbahay kami ni Benson nung mga
bata pa kami. Pero hindi namin alam nun. May din nung nagLa Union kami with
friends ni Barry. Nauna yun. Naging close na kami ni Benson since then. May din
nung gumimick kaming apat nina Jeffrey, Rhitz and Barry with Shyla. Tas 18th
birthday din ni Alyssa. Hindi ko rin makakalimutan unang bonding moment namin ni
Benson sa High Street. Nung si Wesley bumalik din sa drugstore. Nung nagkikita
kita kami ulit nina Tin, Aubs, Anjhe, Deck and Matty sa TGIF. Nung naginuman din
kami sa condo ng tita ni Wiggy kasama si Ritz, Barry and Benson. At dun
nagsimula mga una.
June
Tabulas grand EB ulit. Mas marami na this time. Si
Ems, Nanay Jong, Cha, Charee, Camille at Aubs. June din nung super bonding na
kami ni Benson at pinakilala ko na siya kay Luis. Bongga! June din nung nag gym
kami ni Barry. Nameet ko na rin sa wakas yung BF ni Luis for 3 years na si
Robert nung June. June din nung tumambay kami nina Barry, Rhitz and Jeffrey sa
OSMAK. Wala lang, gusto lang namin nun. Haha! At June din nung nagkita-kita kami
nina Mike and Gary sa Galleria. 2 tao na malalapit sa kin. At postponed ang
graduation ko dahil sa H1N1.
[to be continued…]