Top Songs 2009: 10-6
Onti lang ang kantang tumatak sa kin ngayong taon na toh Mr. T! Unlike last year, meron akong Top 20 Songs for 2008, ngayong 2009, 10 songs na lang siya. Masyado ata ko nagbusi-busihan at onting kanta lang ang napamahal sa kin ngayong taon na toh. Anyways, di na ko magpapaligoy ligoy pa, simulan na natin ang listahan ko...
10. Single Ladies by Beyonce
"All the single ladies now put your hands up..."
Sino ang hindi makakaalam sa dance step nito? Haha! Halos lahat ata ng party inattendan ko first quarter ng taon na toh may ganitong tugtog. Though sumikat siya nung 2008, hindi ko siya minahal hanggang nakita ko yung video niya at nakita ko na sinasayaw tong kantang toh ng isang bading sa YouTube. Hahaha... nakakatuwa. Daming funny memories sa kantang toh.
9. The Climb by Miley Cyrus
"There's always gonna be another mountain, I'm always gonna wanna make it move..."
Hindi ko gusto si Miley Cyrus pero ang ganda ng kantang toh. Lately ko lang nagustuhan tong song na toh Mr. T! Traffic sa EDSA nun, sa van kasama ko pamilya ko. Sabi ko sa pamangkin ko sino kumanta neto, nyek, si Miley Cyrus pala. Para maganda yung song pwere yung singer. Hahaha!
8. If This Isn't Love by Jennifer Hudson
"If this isn't love then I don't know what is. If this isn't love then I don't know what is. All that I know is what I feel. All I know is this is real..."
Nalaman ko tong kanta ko dahil sa mga diva messageboards na binabasa ko. Haha! Ayun, basta maraming memories sa kantang toh. Pinag-emotan ko rin toh uma-umaga. First single ni Jennifer Hudson sa debut album niya. As usual showcased na naman ang kanyang powerhouse vocals --- isang reason din baket gusto ko tong kantang toh.
7. Lucky by Colbie Caillat and Jason Mraz
"I'm lucky we're in love in every way..."
Kay Tin ko ata unang narinig tong song na toh. Hindi ko na matandaan pero grabe, naadik ako sa kantang toh Mr. T! Maganda kasi sa tenga. Parehas pa genre nung dalawang nagduet.
6. My Life Would Suck Without You by Kelly Clarkson
"Being with you is so dysfunctional. I shouldn't really miss you but I can't let you go..."
Cute ng video neto Mr. T! Hahaha! May pinagdedicate-tan ako ng song na toh first half ng taon, second half ng taon, may nagdedicate sa kin ng kantang toh. Weird noh? Hahaha! Pero sobrang nice nung song. Kakakilig. Minsan ganun talaga, kahit gaano kasira ulo isang tao, mamahalin mo siya no matter what. Hahaha! At mapapakanta ka talaga nito pag narealize mong di mo siya kayang mawala sa buhay mo! Naks!
[ to be continued... ]