Wala ako sa snow. Wala ako sa Winter Wonderland, wala lang, ang lamig ng Pasko. Parang patay. Oo alam ko birthday ni Jesus pero ang dami kong kaibigan na wala sa bansa ngayon grabe. Pero pamily ko naman buo andito sila si Papa lang wala. Ewan ko, parang inaatake na naman ako ng lungkot Mr. T! Baka sa pagod lang toh kanina. Nagsuper last minute shopping ako sa Megamall at sa Gateway at sa Rustan's kanina. Super daming tao ang sobrang traffic na sa EDSA Mr. T! Hindi ako makapagblog ng mabuti Mr. T! sa totoo lang. Sorry ulit. Gusto ko magkwento ng magkwento pero magiging madrama kwento ko. Si Aubrey, Luis, Chris, Jeffrey, ang lalayo na nila. Hindi ganun kasaya eh, weird ewan ko baket ganun. Hays... ano ba toh. Ang dami ko ngang nabiling regalo, pero baket ganun parang hindi naman ako ganun kasaya. Or dahil ubos na pera ko? O dahil namimiss ko agad yung mga friends kong nagsi-alisan? Hays ulit. Or dahil wala pa rin akong jowa? Hahaha! Joke lang. Jowa? Ano yun? Hahaha! Update you soon Mr. T! Pag ginanahan talaga ko magkwento magkukuwento ko. :-)

Currently feeling: blank
Posted by jjcobwebb on December 23, 2009 at 10:59 PM in Everyday Drama | 2 comment(s)
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

Comment posted on December 24th, 2009 at 06:18 PM
buti na lang ako hindi halloween ang feeling, kala ko kanina Mahal na Araw e..ang tahimik kasi sa hospital parang wala lang...Merry Christmas!!!

boink.boink (guest)

Comment posted on December 24th, 2009 at 12:33 PM
pareho tayo ng level ng depression... feeling ko nga halloween ngayon eh.. :(