Sobrang pagod ako kahapon Mr. T! Pero sobrang saya. Si Benson nag-invite makipagkita sa Taft kahapon. So ako since wala namang ginagawa, pumunta ko. Nagkita kami sa McDonald's. Andun friends niya kasama niya. Nagkita sila that time lang. So medyo nakipagkwentuhan din ako kay Jam and Jill. Mag-asawa sila at may anak. Nag-aaral pa sila pero hindi sila magkasama sa isang bubong. They were really nice Mr. T! Then after umuwi nung 2, kami ni Benson nilakad namin from DLSU to Pedro Gil. OMG lang. Naghahanap kasi ako ng makakainan since hindi pa ako kumakain. Napadpad kami sa may Chowking Pedro Gil. Tamang tamang magkikita si Benson at si Nar dahil kukunin ni Benson bag niya from Nar. Then after namin kumain, tamang dating si Nar and then yung roomate ni Nar na si Tara. Then pumunta kami sa apartment nung 2. Sobrang cozy nung place nila Mr. T! Parang bar lang. Then singer pala si Nar. Ininvite niya kaming 2 sa gig niya sa Sat. Hindi pa ko sure kung makakapunta ko. So yun, naginvite uminom si Nar pero we refused. Hahaha! Then kwentuhan tapos mga 11:30PM umalis na kami ni Benson

Si Benson ang lakas lang ng trip sobra, sabi lakarin daw namin ang Malate. Sabi ko go lang. Kumain ng puto bungbong sa may Raja Sulayman Park. Then after nun, lakarin naman hanggang Quirino, sabi ko go lang. Hanggang Baywalk, go lang. Hanggang Harbor Square, go lang. Tumambay muna kami sa harap ng CCP. Grabe para kaming ewan. Nakaupo lang kaming 2 sa harap ng CCP nakatingin sa kawalan at nagkukuwentuhan. Masaya Mr. T! Hanggan sa may lumapit sa ming lalake. Nanghihingi ng 10php. Hahaha! Super kaba kami ni Benson, naghanap kami ng paraan para makaiwas agad dun sa lalake. So bumalik kaming Harbor Square, nagCR tapos sabi ni Benson Buendia naman daw lakarin namin. Ako, go lang. At nakarating kaming Buendia. Sabi ni Benson, til Blue Wave naman daw. Sabi ko go lang. Ibang level na talaga pagod ko nun pero go pa rin ako. Hahaha! Then bumili muna ng tubig sa Ministop then nilakad na namin til Blue Wave. Dun ko sinabi na stop na kaming maglakad dahil baka umabot na kaming Cavite. Hahaha! Ibang klaseng paglalakad ginawa namin kahapon Mr. T! From Blue Wave nagcab na kami at binaba ko si Benson sa sakayan ng jeep sa may EDSA papuntang Cavite. Around 2AM na kami natapos maglakad. Sabi ko nga kay Benson, natalo nito lahat ng lakad-thon na pinag-gagawa ko sa buhay ko. It' another walk to remember Mr. T! At may nakita kong shooting star kagabi! At sabi nga ni Benson, ang liwanag ng buwan kagabi. And sabi ko sa sarili ko "buti pa yung buwan maliwanag..."

Anways, update you soon Mr. T! Birthday pala ni Erwin ngayon, yung husband ni Ate. Happy Birthday Erwin! Woot wooot!!! So yun, sige sige Mr. T! December na pala. Ang bilis ng oras. Medyo nakakalungkot. 

Currently reading: Janus' Facebook Window
Currently feeling: weird
Posted by jjcobwebb on December 1, 2009 at 01:20 PM in Everyday Drama | 8 comment(s)
Comment posted on December 1st, 2009 at 08:16 PM
hahaha! kamusta naman?! very muscular na siguro legs mo! hahaha! :P

jjcobwebb (guest)

Comment posted on December 1st, 2009 at 08:17 PM
super kumusta lang talaga! sana nga pumayat ako sa paglalakad na yun eh. burn calories kung baga. hahahaha!
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

Comment posted on December 1st, 2009 at 08:19 PM
tara! isama mo ako! maglakad tayo! burn kung burn! hahaha!

jjcobwebb (guest)

Comment posted on December 1st, 2009 at 08:29 PM
sige san?
Comment posted on December 1st, 2009 at 08:35 PM
ikaw bahala kung saan. :)

kelan naman to? para alam ko kung pwede ako sa araw na un. :)

jjcobwebb (guest)

Comment posted on December 1st, 2009 at 08:51 PM
ikaw ang magsabi sa kin kung kelan so I can make arrangements...
Comment posted on December 1st, 2009 at 09:08 PM
ok. sige. i will tell you when. :)

jjcobwebb (guest)

Comment posted on December 1st, 2009 at 09:12 PM
san hindi sketch. hahaha!