Mister Kupido, Ako Nama'y Tulungan Mo
Well ako si kupido ngayon. Hahaha! Isa sa mga gusto kong gawin eh imix and match mga kaibigan ko. Totoo Mr. T! It's a gay world. Itanong mo lang sa kaibigan mo kung gusto niyang kadate tapos bigyan mo ng number ng isa pang taong gusto ng kadate *boom* instant cupid ka na!
It happened a while ago. Isang malapit na kaibigan na crush ko, at isa pang kaibigan na sabihin na nating dinate ko at lumabas labas kami noon na binigyan pa ko ng regalo (nanligaw in short), ay nagbrunch kanina! O di ba? Ang saya! Kinikilig ako sa tooo lang. Weird dahil crush ko yung isa kong kaibigan eh binigay ko pa sa kaibigan na nanligaw sa kin dati. Bigla akong naweirduhan sa ginawa ko! Pero masaya ko kasi nasa getting-to-know phase na sila. At mukhang friends na din sila. Hindi ko alam kung san hahantong tong pagkakaibigan nila Mr. T! Pero sana naman may patunguhan di ba? Tapos siyempre credited ako pag naging sila. Hay... ang saya siguro. Hahaha! At ang brunch na yun eh nagsimula sa kapeng binigay sa kin nung isa kong kaibigan sa Starbucks last last week ata. Kinikilig ako para sa kanila. Wahahaha! Buti pa yung iba kaya ko bigyan ng love life. Haha! Sarili ko di ko matulungan! Hay... basta masaya tong dalawang kaibigan ko na toh, masaya na rin ako. :-D
Pumunta muna ko sa kabilang drugstore sa may Buendia para may kunin. Tapos, naglakad til GB at Glorietta para may tignan then nagMRT na paCubao. Then yun, sa jeep paSan Juan, nung pauwi ako, grabe may nakasabay akong pogi. Grabe, kamukha siya ni Dingdong Dantes na parang kamukha din ni Patrick (yung nanligaw sa kin dati sa school pasearch na lang sa blog na toh). As in kaharap ko siya sa jeep. At sabi nga ni Barry, at tama siya, nakatunganga raw ako buong biyahe. Hahaha! Ganda pa nung katawan at ang tangkad. Gusto ko tuloy itanong kung bayad na siya! Joke! Hahaha! Landi puta! Pagkauwi kanina, tulog agad. Sayang at andito katulong namin kanina. Pag gising ko wala na. Hindi talaga ko marunong magbukas nung stove namin grabe. Pero tumawag ako sa nanay ko for instructions kanina. So ayun, napainit ko naman mga ulam na dinala ng katulong namin galing sa bahay ng mga kapatid ko. Haha! Tapos si Barry ang daming miss call sa phone ko. Nag-iinvite pala kaninag umalis kaso super tulog ako. So eto medyo gising pa ko at matutulog na in a while. So yun, inupload na nga pala ni Koys pictures namin nung exhibit niya. Hahaha! Di ko gusto mga kuha. Hahaha!
Anyways, update you soon Mr. T! Good night and thank God it’s Friday. At 7 days ako pumasok sa pharmacy ngayong week. Hindi ako makaangal :(