For almost one week now, si Mama has been staying sa bahay ni Ate. Sa bahay din ni Kuya. Magkapitbahay kasi sila. Weird. Pati katulong namin andun. So meaning, for almost one week na, ako lang mag-isa dito sa bahay. Oo, at ewan ko baket di ako marunong magbukas ng gas. Kaya hindi ako makapagluto. So pumupunta ko sa bahay ng mga kapatid ko para makikain pagdinner na. Yung mga aso namin andun din sa bahay ng mga kapatid ko. Grabe na toh Mr. T! So yun, sobrang tahimik ng bahay ngayon. Masarap sa utak. Hahaha! Walang nag-uutos. Walang tumatawag sa phone. Andito lang ako palagi sa kwarto ng isa ko pang kapatid. Wahahaha! Basta bukas ang WiFi sa bahay masaya na ko. Hahaha! Ngayon ang kailangan ko lang pala talagang mga bagay sa bahay at parte eh ang mga sumusunod: Laptop/PC, aircon, kama, unan, banyo, lamesa at ref. Hahaha! Yun lang talaga. Yung TV one week na rin di nabubuksan. Grabe. WiFi lang talaga nakabukas dito sa bahay. Kaya kung lagi akong online sa Facebook at sa YM, either sa laptop or sa mga cellphone ko ako nakalog-in. Or pag-umaga, sa drugstore. Haha! Medyo masarap ang buhay na ganito. :-D 6AM ang pasok, uwi ng 2PM. Tapos akin na yung mga nalalabing oras hanggang mag-alarm ang aking mga cellphones ng 4:30AM. Hehehe! Tulad nga ng sabi ko kay Barry, tanggap ko na na blessed single man ako forever. Hahaha! Pero sabi nga ni Barry --- never say die... haha!

Yun, dapat pupunta ko school kukuha Alumni Card tapos ililibre si Angelica at Deck. Oo Mr. T! Favorite nila ang thesis eh kaya nasa school pa rin sila. Kaso si Deck nagtext na nauwi na raw siya so hindi na ko tumuloy. Then si Barry nagtext na manood daw kami ng Kimmy Dora kanina. Kaso haller, gusto niya sa Greenbelt 3. Eh nasa bahay na ko. Sabi ko GH or Gateway or san malapit. Kaso sabi niya wala si Rhitz car so magkita kung san mas accessible sa lahat. Sabi ko wala rin akong car. Pero naisip ko ihahatid din pala ko ni Barry pauwi. Haha! Anyways, nakatulog ako, then nakita ko text ng pinsan ko. Nagyaya gumimmick. Ladies night daw. GL niya raw ako. Sabi ko good luck 6AM pasok ko bukas. Ayoko pumasok ng lasing. At ayoko gumastos. Period. Hahaha! Mabait ang Diyos. He saved me from all additional expenses today! :-D Kaya ko pala mabuhay ng 100php lang isang araw.

So yun, mga nangyari Mr. T! Patulog na ko sa mga oras na toh. Pero naisip ko kanina habang papunta ko sa bahay ni Ate, never ako natutuong mag-save ng pera. Magbudget. Humawak ng pera. Ngayon lang ako natututo. Ewan ko siguro dahil never nagbigay si Mama ng allowance nun sa min ng buo or for a period (for a week, or for a month). Everyday basis kasi. Kaya ang 200php ko nun ubos ubos pagkauwi ko dahil alam ko kinabukasan may 200php ulit ako. And mali pala yung ginagawa ko. That's why I was never able to buy things for myself dati. Lagi rin kasi ako nagpapabili. Hay, pero baket si Bruno, ang dami niyang nabibili para sa sarili niya noon? Pati ngayon? Magaling siya magtipid? Mag-ipon? Hmmm... tinitignan ko kasi yung collection niya ng mga Matchbox eh. Di ko maubos maisip san siya kumuha ng pera na yun. Ewan ko, I need to start now. Seryoso na ko. Magtitipid na talaga ko Mr. T! I need to save money para magkaroon naman ako ng bright future. Hahaha! Yan lagi sinasabi sa kin nina Ate, Mama, Kuya --- Mag-ipon ka... ngayon lang sa kin nagdawn lahat. Hindi ako bumabata. Tumatanda na ako. Huhuhuhu... habang nasa bahay pala ni Ate nakita ko sa mga photo album nila nung mga 15 years old pa ko. Grabe dami kong pimples. Ang payat ko OMG. May jawline ako. Hahaha! Grabe, parang gusto kong maniwala na nageexpand ang universe. Hahaha! Isa lang di nagbago sa pic, semikal pa rin ako. Well, magpapahaba na ulit ako ng buhok! Haha!


Anyways, wala ng sense ang aking blog. Kung ano ano na pinagsasabi ko. KaYM ko sa Barry and Jeffrey ngayon. So good luck naman. Si Jeffrey nagtatae sa Switzerland at si Barry jinojoke time ko. Uminit ulo niya. Hahaha! Pero okay na siya. Back to emo mode na. Ibig sabihin nun okay na siya. Haha! I love my friends. O well di ko pala dapat sinabi na nagtatae si Jeffrey. Loperamide at Imodium parehas lang friend ha! Hahaha! I love you Jeffrey! I love you Barry! Ahahaha!

Sige Mr. T! Update you soon okay. I love ya, I enjoy ya, and I still appreciate ya. Mwah! Mwah!

Currently reading: Jeffrey and Barry's YM Window
Currently feeling: funny
Posted by jjcobwebb on September 2, 2009 at 11:03 PM in Everyday Drama | 2 comment(s)
Comment posted on September 3rd, 2009 at 01:00 PM
tama yan kelangan n nating matutong magtipid, ako din e masyado na akong magastos ngayon, d n ako marunong magbudget...hahaha:D

jjcobwebb (guest)

Comment posted on September 3rd, 2009 at 01:09 PM
oo nga eh, naiinis na ko grabe. yes, dapat magtipid. magtipid! uy sama ka sa susunod na EB!
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.