Ang Pagtatapos
Mga tatlong buwan pagtapos ko tumuntong sa kolehiyo, buhay na si Subtle Bliss. Halos limang taon na ang nakaraan, andito pa rin si Subtle Bliss. Sa pagtatapos ko ng kolehiyo, maari kong sabihin na pwedeng isalamin ng blog na to ang halos lahat ng pinagdaanan ko sa kolehiyo. Hindi lahat maganda. Hindi lahat masaya. Ang iba madrama. Ang iba naman nakakatawa. Masaya ko dahil nagkaroon ako ng blog na tinuring ko na parang tunay na kaibigan. Na parang hindi siya blog kung hindi isang tao. Siguro nga, nagbago na mga bagay bagay sa paligid ko. Siguro nga rin nagbago na ako. Pero ang mahalaga, inintindi ko kung baket ako nagbago. Kung kailangan ba o hindi talaga mapipigilan. Magtatapos na ko bukas ng kolehiyo. Salamat Mr. T! at lagi kang andiyan para pakinggan ako. Siyempre malaki utang na loob ko sa lahat ng taong nakilala ko. Sa mga nabanggit at hindi ko nabanggit sa blog na to. Sa mga nakilala ko dahil sa blog na to. Sa mga napadpad lang. Sa mga nagbabasa pa rin ng blog na to at kahit sa mga nakalimot na. Salamat at salamat ulit. :-)
GHV2 (guest)
jjcobwebb (guest)
jong

supercutiemax

libre mo naman kaming lahat sa next EB!
jjcobwebb (guest)