"... ang problema sayo, ikaw nasanay na laging nililigawan. Na ikaw laging sinusuyo. Ikaw laging pa-importante. Ikaw lagi ang nagpapahabol. Nagpapaasa. Pakiramdam mo ata talaga diva ka! Subukan mo kayang ilagay sarili mo sa mga sumuyo sa yo. Sa tingin mo magugustuhan mo yung pakiramdam? Ayan, ngayon, may bago kang gusto pero di ka makagalaw-galaw. Hindi mo alam kung paano mo sasabihin yang nararamdaman mo! Hindi ka pa nagsisimula pinanghihinaan ka na ng loob. Suyuin mo para maramdaman mo kung pano manuyo. Sana lang ramdam niya nararamdaman mo. Kung hindi, at least, naramdaman mo mabigo. Hindi yung laging ikaw yung nakakasakit. Sabihin mo na na gusto mo siya. Kaw rin, baka maagaw pa siya ng iba. Malay mo hinihintay ka lang niya magsabi at nahihiya siya mauna. Kwento ka ng kwento diyan wala ka namang ginagawang hakbang! Patunayan mo ngayon na mahaba talaga hair mo! Hahaha! Kainin mo naman pride mo minsan!"

"Pride? Wow ano yun? Tanungin mo si Chris kung meron pa ko nun at kung ako lahat yang pinagsasabi mo. Isa lang tinanong ko ang dami mong sinabi. Good luck naman sa yo..."

Currently feeling: awful
Posted by jjcobwebb on June 9, 2009 at 04:20 AM in Everyday Drama | 3 comment(s)

Aubrey (guest)

Comment posted on June 9th, 2009 at 01:30 PM
"Kung hindi, at least, naramdaman mo mabigo. Hindi yung laging ikaw yung nakakasakit."

seryoso ba siya dyan. cge anu pang alam niya?
Comment posted on June 9th, 2009 at 10:35 AM
oo nga... di ka pa nya masyadong kilala para sabihin un.

sinu ba yan?! :)
Comment posted on June 9th, 2009 at 09:26 AM
hehe kung anong alam mong tama dun ka, ke mawala pride mo o hindi. : P
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.