Dapat maguupdate ako kaninang umaga ng mga nangyari nung Sabado at Linggo. Pero sa kadahilanan na wala kaming katulong --- kasi nanganak yung anak niya, aba, parang ako ang ginawang katulong ng nanay at tatay ko. Hindi naman ako sa nagrereklamo pero aba naman! Parang hindi na toh makatarungan. Mula sa pagbili ng pandesal hanggang sa pamimili sa palengke, sa pagsaing at pagluto nung ulam! Ako! Pati pag hahain ako! Pati paghugas ng plato ako! Aba! Parang mali ata. Papasok pa ko mamaya at wala pa kong tulog. Kumusta naman. Ayaw ko na. Parang wala nga ko sa sarili ko sa jeep kanina nung may tinanong ako sa driver:

"Manong, nakabayad na ho ba ako?"

"Oo yata..."

"Oo nga ata, nabawasan dala kong pera eh..."

"Hahaha... baka nangagarap ka ng gising. Tanghali na kasi..."

"Oo nga ho wala ako sa sarili..."

Anyways, dumaan lang ako para mag-update. Kasi tapos na lahat ng pinapagawa sa kin dito. As of now wala pang utos mga amo ko dito sa bahay. Leche si Bruno sa kin pa kanina nanghihingi ng baon! Ano ko? Nanay? Wahhh... hirap pala maging housewife! Hahaha!

Kwento ko na lang yung nangyari nung Sabado at Linggo pag may time ako sa drugstore. Sa Word ko na lang gagawini tapos post ko na lang bukas. Okay Mr. T!?

Currently feeling: naiinitan
Posted by jjcobwebb on May 25, 2009 at 02:37 PM in Everyday Drama | 8 comment(s)
Comment posted on May 25th, 2009 at 09:39 PM
ang sipag!

buti pala at hindi ka niloko ni manong jeepney driver at sinabing hindi ka pa nagbabayad...

jjcobwebb (guest)

Comment posted on May 26th, 2009 at 02:24 PM
oo nga eh.

uy punta ka naman sa Sunday!
Comment posted on May 25th, 2009 at 04:44 PM
day, ang mga labahin baka malimutan at ung mga kailangan plantsahin, unahin mo na bago ka maglaba (para mapasma? :D) pati na rin ang sala, maalikabok na, linisin narin...

hahahaha! okay lang yan, exercise din yan. uy sa linggo ah, awitan mo kami.. :)

jjcobwebb (guest)

Comment posted on May 26th, 2009 at 02:25 PM
opo mam!

oo pupunta ko. pero feeling ko may sakit ako sa linggo. Haha!
Comment posted on May 26th, 2009 at 09:35 PM
kahit na may sakit ka, kailangan kang nandun! don't worry marami kaming mag-aalaga sayo.. :D
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

jjcobwebb (guest)

Comment posted on May 29th, 2009 at 01:05 AM
siyempre naman! present ako dun!
Comment posted on May 25th, 2009 at 03:22 PM
indaaaaaaaaaaay! :)

jjcobwebb (guest)

Comment posted on May 25th, 2009 at 03:33 PM
will always love you.... hoooo hoooo ayyyyyyyyy....