Aba Aba Naman!
Dapat maguupdate ako kaninang umaga ng mga nangyari nung Sabado at Linggo. Pero sa kadahilanan na wala kaming katulong --- kasi nanganak yung anak niya, aba, parang ako ang ginawang katulong ng nanay at tatay ko. Hindi naman ako sa nagrereklamo pero aba naman! Parang hindi na toh makatarungan. Mula sa pagbili ng pandesal hanggang sa pamimili sa palengke, sa pagsaing at pagluto nung ulam! Ako! Pati pag hahain ako! Pati paghugas ng plato ako! Aba! Parang mali ata. Papasok pa ko mamaya at wala pa kong tulog. Kumusta naman. Ayaw ko na. Parang wala nga ko sa sarili ko sa jeep kanina nung may tinanong ako sa driver:
"Manong, nakabayad na ho ba ako?"
"Oo yata..."
"Oo nga ata, nabawasan dala kong pera eh..."
"Hahaha... baka nangagarap ka ng gising. Tanghali na kasi..."
"Oo nga ho wala ako sa sarili..."
Anyways, dumaan lang ako para mag-update. Kasi tapos na lahat ng pinapagawa sa kin dito. As of now wala pang utos mga amo ko dito sa bahay. Leche si Bruno sa kin pa kanina nanghihingi ng baon! Ano ko? Nanay? Wahhh... hirap pala maging housewife! Hahaha!
Kwento ko na lang yung nangyari nung Sabado at Linggo pag may time ako sa drugstore. Sa Word ko na lang gagawini tapos post ko na lang bukas. Okay Mr. T!?
the_storyteller

buti pala at hindi ka niloko ni manong jeepney driver at sinabing hindi ka pa nagbabayad...
jjcobwebb (guest)
uy punta ka naman sa Sunday!
jong

hahahaha! okay lang yan, exercise din yan. uy sa linggo ah, awitan mo kami.. :)
jjcobwebb (guest)
oo pupunta ko. pero feeling ko may sakit ako sa linggo. Haha!
princesscha

jjcobwebb (guest)