Isang Araw Kasama Si Benson
Mga employees sa Planet OsMak have gone berserk... at ayoko sila maging topic ng blog na toh dahil nakakastress sila. Magkukuwento na lang ako sa nangyari sa amin ni Benson ngayong araw na toh. Benson saved the day! Haha!
Jobhunting. Yun dapat gagawin namin ni Benson kanina. Pero, anong oras na nung nagkita kami, past lunch time na. Wala pa kong tulog and all, and siya wala pang picture para sa resume niya. Good luck naman talaga. Wala kaming pictures pala ni Benson kanina sayang, pero may mga videos sa phone ko. Hahaha! May video rin ata ako sa phone niya. Amp!
Nauna ko nakarating sa Market Market. Nilakad ko galing OsMak Pembo. Malapit lang pala in fairness. At take note, nagmumura yung sikat ng araw kanina sa kalsada. Okay lang naman sa kin dahil bawat tao ng kanto na nakikita ko at naririnig ko ang usapan eh puros tungkol dun sa Katrina and Hayden ko Sex Scandal! O di ba?
So yun, habang wala pa si Benson sa Market Market, umikot ikot muna ko and tumingin tingin ng mga kung anu-ano. Then yun, nabored ako, sabi ko kay Benson na sa Fully Booked na kami magkita sa BHS para may matambayan ako. Habang hindi ko namamalayan yung oras at may binabasa ko. So yun, after mga 30 minutes dumating si Benson...
Hindi niya raw kaya powers ko sa paglalakad. Sabi ko hobby ko na talaga. Haha! Then yun, since lunch time na, naisipan namin na kumain muna. Umikot ikot kami sa mga food court sa Market Market at mga fast food sa loob pero nauwi kami sa Kamay Kainan. O di ba? Dun pa lang alam ko ng hindi na matutuloy yung pagjojobhunting namin. Hahaha! Dahil uupo na kami dun forever. Haha! So yun, ganun nga nangyari, habang lumalamon kami, napag-isipan namin na sa Friday na lang namin ituloy ang aming mga plano. Nasa folder ko tuloy mga resume ni Benson! Haha! Then yun, habang kumakain, sobrang bonggang bongga kaming nagkwentuhan na parang long lost friends kami. As in! Sa 2 oras na nakaupo kami dun sa Kamay Kainan, ang haba ng napagusapan namin. Parang history na ng isa't isa. Nakakatuwa kasi ang spontaneous naming dalawa. Then parang habang nag-uusap kami, may natouch na topic na VIDEOKE. Shet, mahilig din pala magvideoke si Benson. So yun, nakalimutan ko na meron palang Timezone sa BHS, napadpad pa tuloy kami sa GB3 para mag videoke sa Timezone dun.
So habang papunta sa GB3, sa Fort Bus, grabe, ang dami pa rin namin napagkwentuhan. Dati raw naiilang siya sa amin ni Rhitz dahil kala niya maaarte kami kasi friends kami ni maarteng Barry, pero hindi pala. Tapos yun, basta, sa ilang minuto lang namin sa bus nun, ang dami pa rin namin napagkwentuhan. Then yun, habang naglalakad papuntang GB3, wala, parang ang super close agad namin ni Benson. Nakakatuwa. Hindi ko inexpect na parang super close agad kami. Sabi nga niya, medyo nasusuka na raw siya nung kasama niya kami sa La Union nun. Hahaha! Imagine daw, from Thursday to Sunday kami kasama niya! Hahaha! At buong time raw parang tulog lang ako sa La Union! Hahaha!
So siyempre, may mga tungkol sa love eklavu napagusapan namin. So tumatak sa utak ko yung sinabi ni Benson about sa tinanong ko sa kanya:
"In order for it not to fade, you need assurance galing sa kanya. At times, reassurance too para mapanatili mo yun..."
Siguro parehas kami mag-isip ni Benson sa part na yan. Hanggang ngayon iniisip ko yung pinag-usapan namin na yun Mr. T! When you get no answers at all, ikaw na lang ang mag-aassume. Napaparatangan ka pang mahilig kang mag-assume. Wala ka naman talagang magagawa. Mag-aassume ka na lang kasi wala ka namang nakikitang sagot sa mga tanong mo. Walang gustong sumagot sa mga tanong mo. At nakakalungkot yun. Ewan ko, talon tayo ng topic Mr. T! Baka maging madrama entry ko...
Then yun, nagTimezone kaming 2. Inubos namin yung 110php ko pang natitira sa Timezone Card ko. Ayun, para kaming mga lasing dun sa loob ng cubicle. Nakakatumbling mga pinagkakanta namin. Parang mga panlasing! Hahaha! Ayun, kasama si Benson sa Saturday sleepover sa condo ni Wiggy. Pumayag siya. Siyempre pinilit ko siya ng pinilit na sumali siya. Siyempre siguro pinilit din siya nina Rhitz. Sabi nga ni Benson pumunta raw ako bukas sa meeting ng mga diyosa kong kaibigan bukas para magplano dun sa Saturday night. Sabi ko, ipagplan na lang nila pero pupunta ko. Then yun, sabi naman ni Benson, baka naman magplano sila ng kung ano tapos wala akong kaalam alam. Hahaha! Hindi naman mga ganun yung mga diyosa kong friends. Haha! Tapos yun, after videoke, kung san san kami napadpad sa Makati ni Benson. Sobrang spontaneous ng lahat. As in! Parang wala ng direksyon kung san kami papunta. We were just walking and talking and laughing. Halos nakarating kami sa Don Bosco (na alma mater daw ni Benson!), basta, ang saya saya. Sabi ko nga kay Benson, "Grabe, walang mga direksyon buhay natin". Hahaha! Nag-agree naman siya.
Then, since may meeting na naman yung mga morning duty at mga duty sa gabi til next day mga taga Planet OsMak, I needed to be there. Sabi nila maging present ako. So sabi ko kay Benson na babalik ako sa OsMak. Sabi niya okay lang. Tinanong ko kung gusto niya sumama. Pumayag naman siya. So sa cab daldalan ulit. Then hanggang nakarating kami sa OsMak at tapos na yung meeting. Good luck sa kin. So isang side na lang ang narinig ko at hindi ko na narinig side ng mga pang-umaga. Anyways, jump topic, ayaw ko ang OsMak topic lately. Then yun, past 6PM umalis na kami ni Benson sa OsMak then rode the jeep pabalik EDSA. Sobrang hindi raw alam ni Benson yung lugar kung san yung OsMak. Haha! At take note, may bahay sila sa Taguig ha! Hindi niya pa alam yun.
Then yun, nagkahiwalay kami sa Guadalupe dahil magbubus siya papuntang Cavite, then ako sa MRT. Bago kami magkahiwalay, akala ko simpleng babay na lang at ingats ingats eklavu lang, aba, may beso pa talaga bago kami magkahiwalay. Haha! Nagulat naman ako dahil ang daming tao at sa gitna pa talaga nakipagbesohan ang lola mo! Hahaha! Pero okay lang. Kebs ba ng ibang tao di ba? Baka inggit sila. Haha! Aba! Bumeso rin sila! Hahaha!
Hanggang makauwi si Benson at ako nagtetextan kami. Parang long lost friends talaga. Sabi niya nga, kulang pa raw yun. Hahaha! Pero natutuwa ako Mr. T! Sobrang saya ni Benson kanina kasama. Isang kawala sa mga stress na nangyayari sa buhay ko ngayon. Sinabi ko nga sa kanya na ang saya saya ko kanina eh, sabi niya "Tats" daw siya. Hahaha! Nakakatuwa talaga si Benson.
Ayaw kong ishare tong blog ko kay Benson eh. Hahaha! Pero nagulat siya nung sabi kong matagal ko ng binabasa blog niya sa Multiply. Hahaha! Sa padramahan ng blog, panalo yung kay Benson! Tulad ng emote entry niya na toh:
"Meanwhile, I learned to take myself into a transient sleep hoping to never wake up into this crude reality again. Feeling just scratches from the real torment that slices through my skin. I sleep in this shallow dark world, sacrificing everything just to be alone in silence. At the very least, I can be just a little bit numb. Pain, I grew up in it, its only natural I learned to be numb. Too bad... they never learned why i was numb..."
Ang drama lang noh kahit hindin ko nagets? Ayoko ipost yung link baka sabunutan ako ni Benson. Hahaha! Anyways, I miss updating you like this Mr. T! Nakapagrelease ako ng tension somehow. Anyways, update you soon Mr. T! I still love ya, I still appreciate ya and I still enjoy ya. Haven't been to sleep for 2 days now. Baka ikamatay ko na toh. Sige sige. :)