Tinag ako ni Cha. Hoy Cha, hindi ko dinelete number mo promise. Nawala talaga lahat ng contacts ko and mga nasave ko lang na numbers eh pre-2008 contacts lang. Ayan, kailangan ko talagang mag-explain. Anyways, eto na yung 15 na taong kinububuwisitan ko. Una sa lahat, ayoko ng panget, ng putik, ng mahirap, ng mabaho, ng basura! Ayoko ayoko! O di ba? Parang drama! Hahahaha! Joke lang, eto yung tunay na list ko:

  1. Mga taong pakielamero
    Sarili kong buhay toh. Wala kang pakielam sa kung kahit ano ang gawin ko sa buhay ko. Kahit magulang ko bihira ako pakielamanan. Ayoko ng taong ganito dahil may sarili rin naman silang buhay. Bake ayaw nila pakielamanan buhay nila?

    Ang sinasabi ko sa kanila ay: "Anong pake mo?"

  2. Mga taong plastik
    Oo galit ako sa mga plastik. Siyempre, gusto ko yung mga taong totoo lang and ang kabaligtaran nila yung mga plastik di ba? Pero magaling ako makipagplastikan. Alam ko kung pinaplastik ako ng isang tao or hindi. Lalo na pag may common friends kayo. Naku, karaniwan eto yung Friend-Enemy na relasyon eh.

    Ang sinasabi ko sa kanila ay: "Ah talaga? Totoo ba yan?"

  3. Mga taong backstabber
    Naku, naalala ko na usong uso toh sa min nung high school. Ewan ko lang ha, baka insecure lang talaga yung mga taong sinisiraan ka sa likod mo. Okay lang naman sa kin na sabihin nila harap harapan mga ayaw nila sa kin. Baket kailangan pa nila sabihin sa likuran ko di ba?

    Ang sinasabi ko sa kanila ay: "May gusto ka ba sabihin tungkol sa kin?"

  4. Mga panggap
    Ayaw ko ng pagpapanggap period. Lahat puwedeng pagpapanggap ayaw ko. Panggap na lalake, panggap na mabait, panggap na mayaman, panggap na magaling. Ay, nakakabuwisit. Panggap na hindi alam ang ganito ganyan. Henaku. Buwisit!

    Ang sinasabi ko sa kanila ay: "Ows talaga? Di ko alam yun ah!"

  5. Mga taong chismoso
    Oo  mahilig ako sa chismis Mr. T! Pero hindi ako chismoso. Para sa kin, yung mga chismoso eh yung nagsasabi ng chismis sa ibang tao tapos hindi naman accurate pinagsasabi. Nakakabuwisit sila dahil wala ba silang magawa? Narerealize ba nila nakakasira sila ng buhay ng mga tao?

    Ang sinasabi ko sa kanila ay: "O, kanino mo na naman nalaman yan? Reliable ba source mo?"

  6. Mga taong sobrang seryoso
    Ayaw ko ng taong sobrang seryoso promise! Masayahin akong tao and gusto ko lahat masaya pag kausap ko or kasama ko. Or at least nakikiride sa mga jokes ko. Parang yung mga nurse sa OsMak. Grabe, nakasmile na ko pag nagbibigay ng gamot ni magsmile hindi magawa. Wala namang masama siguro kung magsmile. Masyado silang seryoso.

    Ang sinasabi ko sa kanila ay: "Smile naman diyan and everything..."

  7. Mga taong apura
    Ayoko ng pinagmamadali ako gawin mga bagay bagay. Kahit sa pagsulat, pagbili, pagiisip, sa mga utos. Ayaw ko ng inaapura ko dahil nawawala yung bagay na gagawin ko sa utak ko. Hindi ko nakukuha yung gusto kong results. Kaya minsan sinasabi ko sa mga tao na toh "Baket hindi na lang ikaw gumawa/ mauna? Atat ka eh!" Karaniwang line ko sa mga taong apura yan!

    Ang sinasabi ko sa kanila ay: "Sandali lang po ah. Isa lang ako..."

  8. Mga matatalinong mayayabang
    Oo na matalino ka na. Pero sana naman hindi ka mayabang. Binigay na nga ng Diyos sa yo ang utak eh. Hindi ba puwedeng maging mabait ka naman at huwag ka masyadong mayabang sa kung anong meron laman niyang utak mo at kailangan mo pa mang maliit ng tao? Nakakabuwisit mga ganito! Sobra!

    Ang sinasabi ko sa kanila ay: "Ah, oo na. Matalino ka kasi..."

  9. Mga taong sobrang mahiyain
    Dahil hindi ako mahiyain period. Okay lang sa kin mga mahiyain. Pero pag sobra na, OA na yun. Hindi na nakakatuwa. Hindi na nakakaenjoy . Nakakawalang gana na. Nakakabuwisit na.

    Ang sinasabi ko sa kanila ay: "Ay, sige magtitigan na lang tayo..."

  10. Mga taong mabagal ang pick-up
    Oo. Kabuwisit rin mga ganitong tao. Explain ka ng explain tapos papaulit lang sa yo mga sinabi mo. Hahay! Kumusta naman. Nakakapagpausok sila ng ilong ko! Hindi nakakatuwa.

    Ang sinasabi ko sa kanila ay: "Ngayon lang nakarating yung sinabi ko sa yo?"

  11. Mga taong utos ng utos
    Hindi ko na kailangan iexplain toh. Una sa listahan na yan Nanay ko! Wah!

    Ang sinasabi ko sa kanila ay: "Ano pa? Ano pa? Sige utos!"

  12. Mga taong nag gogroup text
    Pwede ba, kung hindi substantial ang itetext sa kin, wag na lang magtext. Gusot ko kasi para sa kin lang yung text eh. Hindi ako mahilig sa ganyan talaga. Sayang memory ng phone ko. Ayoko ng ganun...

    Ang sinasabi ko sa kanila ay: "Ay, naku, send to all ba ito? Sayang load mo sa kin dahil di ko naappreciate..."

  13. Mga taong fickle-minded
    Ano ba sa tagalog yan? Yung pabago bago ata ng isip in tagalog. Magulo kausap. Ayoko kasi ng magulo kausap. Gusto ko kung anong napagkasunduan, yun at yun. Ayoko ng paiba iba yung nasa isip. Kunwari sa araw na ganito, ganito dapat gagawin. Ayoko ng "Ay, ganito na lang, Ay ganun na lang. Ay parang ganyan...". Ay naku! No no no no. Kaasar! Please, pag may sinabi, yun na yun. Wala ng mangugulo, kumukulot buhok ko sa mga ganitong tao. Sarap sigawan ng "ANO BA TALAGA???"

    Ang sinasabi ko sa kanila ay: "Okay na ba? 100% sure ka na?"

  14. Mga taong manhid manhiran
    Naku, ayoko ng ganito. Kung may nararamdaman sila sabihin nila. Ayoko magbasa ng utak ng tao. Pagod na ko sa ganyan. Kung anong nasa puso nila sabihin nila. Ayoko na ng pakiramdaman. May manhid bang nag dadrama dramahan? Hello naman sa kanila. Ayoko ng insensitive. Sabi nga sa kanta "Start a new fashion wear your heart on your sleeve.."

    Ang sinasabi ko sa kanila ay: "Okay. Sabi mo eh..."

  15. Mga taong super effort sa pag-ooutfit at pag-aayos ng sarili
    Yung tipong kala mo may party lagi. Naasar ako sa kanila. Buti kung celebrity sila at bagay naman talaga sa kanila. Eh paano nalang kung hindi di ba? Eh nagmukha na silang clown niyan? Tsk. No no no. Buwisit ako sa ganung tao. Ang tunay na sukatan sa kin kung maganda or pogi talaga ang tao eh kung maayos pa rin itsura niya kahit shirt and jeans lang suot niya at walang ka ek ekang nakalagay sa leeg pataas. Basta ayoko ng mga super effort. Ako nahihirapan for them. Hahaha!

    Ang sinasabi ko sa kanila ay: "San ang party?"

O di ba? Parang yung iba diyan sa list ugali ko? Hahaha! Anyways, ayan na Cha ah. At para dun sa nagtatanong kung pera ko yung nasa pic, HINDI KO PERA yun. May kwento yung pera na yun. Ayun ng revolving cash sa OsMak na kulang ng 5k. Grabe, tumambling ako kahahanap sa 5K na yun. Buti na lang, sabi ni Ate hindi raw talaga kumpleto yung pinadala niyang barya baryang may tatak ng 500php. Hindi sa kin yan. Okay malinaw na? Yan na ha, hmmm... wala na kong itatag. Haha!

Currently listening to: tahol ng aso
Currently feeling: fresh
Posted by jjcobwebb on April 23, 2009 at 03:05 PM in Everyday Drama, Online Tests | 18 comment(s)
Comment posted on April 24th, 2009 at 05:20 PM
Hala parang ako yung No. 6, 9 saka 10 tapos minsan parang no. 7 din ako...so kapag nagkita tayo goodluck kung hindi ka mabuwisit sa akin...hahaha :D

jjcobwebb (guest)

Comment posted on April 25th, 2009 at 02:36 AM
naku okay lang. i've been wanting to meet you in person for the longest time. i won't really care kung ganun ka sa una nating pagkikita. :D

Aubrey (guest)

Comment posted on April 24th, 2009 at 11:57 AM
wala kong masabi kundi OO NGA NOH.

bawat number na binasa ko may naiisip akong tao hahaha.

miss na kita mimi!:)

jjcobwebb (guest)

Comment posted on April 25th, 2009 at 02:37 AM
ahahaha... miss na rin kita. ano masasabi mo sa Calatagan? Hmmm... malapit yun sa yo! Dali ikaw magdrive! Hahaha!
Comment posted on April 23rd, 2009 at 07:26 PM
jusko... na-high blood din ang diva...

hahaha!

no. 6 ata ako... at no. 7!

jjcobwebb (guest)

Comment posted on April 25th, 2009 at 02:38 AM
DIVA? eh ako yun eh! Hahaha!

Okay lang kung ikaw yun. Ikaw naman si nanay eh! Haha!
Comment posted on April 23rd, 2009 at 06:31 PM
ako yung number 9. pano yan, inis ka pala sa ken, ahahahahaaha!

asan ba yung sinasabi mong barya-barya? bakit di ko makita? pakshet, ako din ata yung number 10! hahahahahaha!

jjcobwebb (guest)

Comment posted on April 25th, 2009 at 02:40 AM
pictures yun. hahaha. naku. sige. okay lang kahit ikaw lahat yan. basta ha, wag mo lang ako aawayin! hahaha!
Comment posted on April 23rd, 2009 at 09:54 PM
hahahah! mahiyain daw si Cha oh...haha! *kontrabida lang*

jjcobwebb (guest)

Comment posted on April 25th, 2009 at 02:41 AM
oo! kotrabida ka! kotrabida! dapat ako lang! hahaha!
Comment posted on April 25th, 2009 at 05:15 PM
eh diva ka naman na eh...oh cge ikaw na tutal blog mo naman to eh! :D
Comment posted on April 24th, 2009 at 12:25 PM
ramdam ko ang intensity ng pagiging kontrabida mo! ahahahahhahaha! humanda ka sa EB! ahahahahahaha.

jjcobwebb (guest)

Comment posted on April 25th, 2009 at 02:42 AM
ay, hihintayin ko yan! hahaha!
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

Comment posted on April 24th, 2009 at 08:05 PM
tagos naman ang pagbabanta mo sa monitor ko. hahah! natatakot na ko, nanginginig pa! :p

jjcobwebb (guest)

Comment posted on April 25th, 2009 at 02:43 AM
hala. sige ka. dadaganan ka ni Cha! wahahaha. ibang level na toh! kakasa ka ba kay Cha? Hahaha! Ikaw Cha? Kakasa ka kay Cleo? Hahaha!
Comment posted on April 25th, 2009 at 05:20 PM
uhmmm..uhmmm...hahaha! *nanginginig*
Comment posted on April 23rd, 2009 at 03:25 PM
ay sori na, kala ko pera mo yun eh. hahaha

jjcobwebb (guest)

Comment posted on April 25th, 2009 at 02:44 AM
sana! hahaha!