Ayoko Maiwan Dito Ng Nag-iisa
Kauuwi ko lang Mr. T! Oo wala pa kong tulog. Galing akong OsMak. Pero nagMall tour muna ko bago dumirecho sa bahay. Megamall, Galleria and Greenhills. May hinahanap kasi akong laruan na gusto kong bilhin. Wala sa Toy Kingdom, wala rin sa Toys R Us. Grabe, ayun, wala akong napala. Last stop ko yung Greenhills. Kumain ako ng taco and nag-iced tea sa Kamico. Anyways, nag-eemote ako habang naglalakad. Na sana may jowa kong kasamang naglalakad kanina. Tapos may nakasalubong akong 2 lalakeng hot hot-an. Magka-akbay. So ako kala ko friends lang sila. Pero naamoy ko na malansa na sila. Malaki katawan. Matangkad at mukhang gym buddies. So parang nakuha lang nila attention ko dahil stand out talaga itsura nila. So tumuloy ako ng lakad. Umikot ikot muna then nagtungo sa Theater Mall. Nung nasa Theater Mall na ko para bumili ng iced tea, pagkatalikod ko, nakita ko yung dalawang lalakeng nakasalubong ko sa Shoppesville. Kumakain magkatabi. Kala mo yun lang Mr. T!? Aba aba, SINUSUBUAN NG KUTSARA nung isang guy yung isang guy. Basta ganun. Ako, napatigil talaga ang nanlaki ang mata. Binagalan ko lakad ko at sinigurado kong totoo yung nakita ko. Totoo nga.
Parang nung oras na yun, nang-aasar ang tadhana sa kin. Andun ako naglalakad mag-isa. Tapos nagwiwish na sana may jowa kong kasama. Tapos ganun makikita ko? Nagsmile na lang ako ang nagpatuloy sa paglalakad Mr. T! Oo, masarap magmall mag-isa. Hawak mo oras and san ka pupunta. Pero mas okay yung may taong kasabay ka sa paglakad lakad, pagpili pili? Minsan nasasawa na kong mag-isa. Hindi naman ako nanghihingi ng bonggang bonggang jowa, yung mahal ko lang naman at mahal din ako ang hinihiling ko. Baket ang hirap hirap magkaroon? Ayoko na ng laging nag-iisa... :( Mahal ko siya, mahal niya iba. Eh paano na lang talaga yun di ba? Baket ang komplikado ng lahat? And kung nag-eexpect lagi ako ng worst sa mga tao, hindi ibig sabihin na ganun na ang tingin ko sa buo nilang pagkatao. Depensa ko yun para hindi ako lalong masaktan sa mga bagay bagay. Dahil kung puros positive ang papansinin ko sa isang tao tapos hindi naman nakamit yun, napakasakit na pagbagsak yun. Human nature ang nageexpect ka ng worst dahil kailangan mo rin protektahan ang sarili mo sa sakit at mga paparating na sakit. Ang gusto ko lang ngayon, kasagutan...
Tulog muna ko...