April 14, 2009, 3:00A.M.
Namiss ko magblog ng ganitong oras Mr. T! Ganitong oras lagi akong buhay na buhay na nagboblog dati. Naalala mo ba? Hahaha! Grabe, ang bilig ng panahon noh. Kanina kinuha ko na yung Application to Graduate ko. Tapos naiwan ko pa sa LRT2 J. Ruiz station yung papel nung pagkababa ko. Grabe nawala sa isip ko nalapag ko pala nung pagkabunot ko sa wallet ko nung ticket ko. Sobrang antok na siguro talaga ko kanina. Ayun, salamat naman tapos na ang JAPALA2. Tapos na ang pagiging estudyante ko Mr. T! Course cards na lang and graduation para maplantsa na lahat at puwede na kong mamuhay ng sarili ko. Ang bilis noh? Alam mo na dapat last year pa ko grad di ba? Pero siguro ganun talaga, may mga bagay bagay pa na pinatuto sa kin kaya pinatagal pa ng kaunti yung pagstay ko sa College. I've changed a lot simula nung pinaka una ko ng entry sa yo Mr. T! Mga nasa isip ng 18 years old. Mga gusto mangyari ng isang 18 years old. Abot kamay ko na siya Mr. T! Pwede ko ng abutin ang gawin mga nasa isip at pangarap ko not so long ago. Ganun talaga, nabubuhay tayo para matuto. Mga gusto natin makamit sa buhay hindi dadating ng sabay sabay at biglaan. Unti unti sabi nga. Siguro natatakot ako kung anong meron dun sa dako na yun. Makakarating ako dun. Isang araw. And masasabi ko, eto pala yung ANDITO. At magiging masaya ko. At makikita ko na lahat ng ginagawa ko para makarating sa lugar na hindi ko alam ay sapat lamang.
18 years old ako nung nagsimula akong magblog, looking back sa mga entries ko, maraming nakakatuwang moments and super memorable moments. Mga nakakaaliw and mga sobrang natatawa-ko-mag-isa moments. 24 na ko this year. Halos 6 years na yung nakalipas. Ayoko naman ievaluate yung sarili ko kung ano na ang pinagkaiba simula ng natuto akong ipahayag ang nararamdaman ko online. Sa blog ko. Let's just say na napakachildish ko mag-isip dati. Sobra. Binabasa ko mga entries ko bandang 2004- early 2005, sobrang iba yung Jacob na nakikita ko dun. Natutuwa ako sa kanya. Siya yung Jacob na inosente. Masayahin, walang pake. Mahal na mahal mga tao sa paligid niya. Pero childish pa rin. Ewan ko Mr. T! Hindi ko naman masabi na hanggang ngayon eh childish ako. Siguro, I like acting like a kid now and and then, maglambing lambing. Mangulit. Mang-asar. Pero siguro hindi yung pagkachildish. Ayoko lang mawala yung side ko na yun. Alam ko na bawat tao eh child-at-heart. Pero OA kung laging ganun dahil kung hindi na sila nag-aact ng age nila, ayun na ang isip-bata. Immature. Pero hindi ko rin naman masabi na mature ako. I've always been carefree all my life. Na-outgrew ko na siguro. As well as being optimistic and lively. Ayun ang mga traits ng pagkatao ko na ayaw ko mawala. Meron din namang mga bagay na gusto kong iwasan sa ugali ko. Pagiging lazy, late, sobrang taklesa at sobrang selfish. Pero minsan iniisip ko, hindi naman siguro talaga ko selfish. I just choose the people I want to share and spend my time with. And for the past months I've been spending my time all for myself. And I don't wanna get over myself siguro muna. Kailangan ng sarili ko ang oras ko. Makes sense ba Mr. T!?
As to being gay and expressing every gayness on this blog. Shucks, para kong nagpapaalam sa yo Mr. T! Pero nope, this is not goodbye ha! Ayun nga, as to being gay ulit, 18 was a ride for me. Sinabayan ko ata masyado yung The Emancipation of Mimi. Haha! Pero marami akong natutunan sa emancipation ko na yun Mr. T! I just don't wanna return to that place again. Siguro, naisip ko lang naman, malaki ang mundo. I've had my shares on just about every gay networking site on the internet, simulan sa Pic-Link, Faceparty, Fabuloush, Downelink, Guys4Men, ManJam, Lifeout, DLink (iba toh from Downe!), isama mo pa and DudesNude (never ako nagkaaccount jan). Mga panahon na yan, ang liit sobra ng mundo ko. Kala ko lahat ng tao bakla na. Kala ko lahat ng nakikita bakla na rin. Kala ko kailangang maging maayos ang itsura ko para magkagusto sa kin ang isang tao. Pero hindi lahat ng konseptong nakuha sa mundo na yan eh lahat tama. Kala ko dahil bading ako kailangan umikot mundo ko sa mundo ng mga bakla. Akala ko porket maraming nagliligaw sa kin eh mahal na nila ko. Pero hindi. It's a fake world. Marami akong nakilala. Pero onti lang ang nagtagal. Mas marami pa kong naging kaibigang bading from friend's friend. Ang hirap malaman kung sino ang totoo. Sino ang nagsasabi ng totoo. Pero dati yun, natutunan ko na ang aking lessons. Na hindi lahat ng nakatayo tayo ang buhok ay bading, na hindi lahat ng may gf ay straight, na hindi lahat ng pogi sa picture ay pogi na rin sa personal. Na mahirap maghanap ng pag-ibig sa lugar kung san ay naghahanap din ng pag-ibig. And tulad nga ng sinabi ko kay Deck kanina, I've had enough. Minsan siguro kaya wala sa lugar mga nasasabi ko sa isang tao, kasi nakita ko na ganun yung mundo na yun. Kung minsan nakakasakit siguro yung mga sinasabi ko or feeling ng iba ganun talaga tingin ko sa kanila, the gay world taught me howto become one. One becomes numb from all the gay madness na lang talaga siguro. But I still love being gay.
Puwede kong maging bading na hindi umiikot ang mundo ko sa mga bading din. Sobrang laki ng mundo. Sobrang daming tao. Pero noh, I still wonder, how do you find the ONE? Hays... sana yung nakasalubong ko sa lobby nung Sofitel eh siya na yung THE ONE. Hahaha! Okay nagpapatawa na ko. And kung tinatanong mo ko Mr. T! kung nagsisisi ako sa lahat ng mga dinump kong kabadingan, ang sagot ko ay NO. Wala akong pinagsisisihan. Maramdaman ko naman ulit yang love love na yan. Dadating yan. Baka ako pa makahanap. Kung meron, meron. Kung wala, eh di wala. Makikinig na lang ako sa mga kuwento ng pag-ibig para may source ako ng kilig. Hahaha!
Mr. T!, nung isang araw, natutunan ko na hindi lahat ng bagay na akala mo na ikaw lang may alam ay hindi na malalaman ng iba. Tulad na lang nung 2 pharmacists sa OsMak na grad ng CEU na pinag-uusapan mga Mr. CEU nila noon at may nabanggit sila na ganito...
"Meron dati yung sobrang galing sumayaw. Nanalo rin Mr. Talent. Kamukha sobra ni Jericho. Moreno, matangkad ang arms pa lang ulam na! NagPhantom of the Opera din dati yun sa school..."
Pumalakpak tenga ko. So nakinig pa ko ng mabuti hanggang sa dumating sa issue na bakla raw yung guy na yun...
"Kaso, may bali-balita na nakita raw yun sa Starbucks 6750 mga madaling araw nun may kadate na lalake. Siguro totoo yung chismis na bading yun..."
WTF lang Mr. T! di ba? Parang gusto ko na talaga sumabat sa usapan nung dalawang pharmacists! Parang ako "HUH? Mr. CEU? Jericho? Phantom of the Opera? Strarbucks 6750? Madaling araw?". Parang gusto ko isigaw na kilala ko yun. May nakakita pala sa amin nun Mr. T! At naging chismis daw talaga yun sa school nila. Siya yun Mr. T! Sobrang nawala yung antok ko nung isang araw nung narinig ko yung kwentuhan na yun. Grabe ang liit ng mundo. Baket ganun? Minsan hinahaunt ka pa rin ng nakaraan mo. And iisipin mo na it should have been better.
Grabe ang haba na ng entry ko na toh. Wala ng sense Mr. T! Sige tatapusin ko na to sa pamamagitan ng mga kuwento kanina sa school...
Nakasabay ko pababa si Emman sa elevator sa Yuchengco. Grabe, siya yung inadd ko dati sa Multiply Mr. T! Crush ko siya nung 3rd year ako! Hahaha! Tapos, si Angelica kasama si Ian sa KFC dun sila naglunch. Si Deck kasama ko kami sa McDo. Then pumasok OUR. Then nagpunta sa Gox para kitain nina Deck si Carmz. Grabe nakatulog ako sa bench. Then si Ikee, nagtext. Oo Mr. T! Siya yung frosh na kulit ng kulit sa kin at gusto makipagdate!
"Uy, ang gwapo mo. Nakita kita sa Gox kanina. Snob ka pa rin!"
"Heller, di ka naman naghello sa kin noh. Hindi kita nakita..."
Basta nagtuloy tuloy text namin hanggang dapat sabay kami sa LRT2 pero tumagal ako sa thesis room. Okay wala si Mark sa thesis room okay? Kaya tumagal ako dun. Kasi kung andun siya malamang hindi ako pupunta dun. Then nagpatulong kay Sats sa JAPALA2. Then umuwi na rin ako. And sobrang namesmerized talaga ko sa nakita ko pagbaba ng LRT2. At nakaRED siya. Haha!
So yun Mr. T! Weird ng entry ko na toh. May emote sa taas tapos may masasayang kwento pagtapos. Pero ganun naman talaga. Some things you keep to yourself. Yung iba dapat ishare. Misan dapat din nagrereflect, minsan dapat parang wala lang. Para naman mapreserve ang sanity di ba? Tulad ng sabi ko dati, mahirap kung isa lang ang side lagi ng pagkatao ng isang tao. Baka mabaliw siya. Anyways, narealize ko, ang sarap pa rin magsulat. At parang kahit walang flow tong entry na toh. Masaya ko dahil nakapaglabas na namana ko ng mga gusto kong sabihin. Update you soon Mr. T!
3:57 A. M