Life Goes On
"if you're not willing to take risks, then how can you expect to be happy?"
Oh ha oh ha! Ganda noh Mr. T! Galing ang quote na yan kay Aldrich. C'mon c'mon!!! Hahaha! Tama nga naman di ba? Kung paulit ulit yung ginagawa natin, eh di yun at yun din mararamdaman natin. Kahit ganyan si Aldrich, ganyan na talaga yan! Hahaha! Mabait. Haha!
eto pa:
"life goes on. what does not kill you, only makes you stronger"
Oh di ba? Galing galing talaga ni Aldrich! Hahaha! Utlities bill niya lang daw sweldo nung taong sumira sa puso niya! Awness ha! Hahaha! Pero hindi yan mayabang si Aldrich, joke joke niya lang yan. Hahaha! Mabait yan noh Mr. T! Pag pumunta ko sa Singapore sagot niyan lahat. Kaya ifriend niyo na si Aldrich! Hahaha!
Anyways, the weekend was long Mr. T! Maraming nangyari. Actually, hindi ko alam kung san ako magsisimula. Simulan ko nung Saturday.
Graduation ni Page, anak ni Ate na panganay and una kong pamangkin. Yep, around 6AM gising na kami para magprepare para magpunta sa Assumption. Grade School Graduation. Grabe Mr. T! Puros gurlash andun. Hahaha! Taas ng mga mass songs nila. Tapos ang tagal nung ceremony. Siguro 12PM na kami natapos. Then dapat sa may malapit lang kakain sa Tatay pero since full mga resto dun dahil sandamakmak mga Assumptionistas. Sa Wilson na lang kami kumain. Sa Yuujin. Sa resto nung friend ni Mama. Siyempre may discount kami! Weee... tapos ang iingay ng mga intsik dun sa kabilang table kabadtrip talaga. Sarap magbasag ng pinggan eh para manahimik. Anyways, then umuwi na. Si Page sa Taytay umuwi dahil dun muna siya ng weekend pero andito na siya kanina. Yung mga pictures wala pa sa kin Mr. T! Pero as soon as makuha ko na sila. Uupload ko wag ka mag-alala.
Then after umuwi natulog muna ko dahil super antok ako. Then nagkita na kami ni Leo nung kinagabihan. Iniwan ni Leo yung kotse niya sa ADMU since super traffic then sa Gateway kami nagkita. Then nagMRT papuntang GB3. Leo is nice. Super nice. Super pawis siya nung nagkita kami. Kahit ako rin naman super pawis kasi sobrang init. Sabi ni Leo, sinearch niya pa raw talaga sa internet paano pumunta sa GB3. Hahaha! Pero so yun nga. Then naghanap ng makakainan pero tumingin na muna kami ng movie na puwede panoorin. Then naglakad lakad muna kami. Yung Second Hand Serenade andun sa GB3. Grabe daming tao. Then we decided na sa Recipe na lang kumain. Then yun, kwentuhan, marami rin naman kaming kilalang taong in common. So pinagchismisan namin sila. Then usap usap. Kain. Then yun, around 9PM kinuha na namin yun bill since yung movie magsstart na. Knowing yung pinanood namin Mr. T! Ayun, okay naman yung movie. Mukhang horror sa una pero hindi pala. Grabe parehas pa kami ni Leo na ayaw manood ng horror. Pero hindi naman. Then yun bago mag 12AM, hinahanap na siya ng mom niya. Then we had to leave. Same cab kami til Cubao then siya kinuha niya kotse niya sa ADMU. So yun Mr. T! It was a night. Okay naman, bagong friend. Pero sabi nga ni Aldrich ang dami ko ng friends ha! Hahaha! Pero bahala na...
Then Sunday, nasa bahay lang ako. Natulog. Kasi may duty ako kinagabihan. Then yun, Mark's random messages are killing me. Ayaw ko talaga magreply. Bahala na siya. Henaku. Then yun, narealize ko, swapang ako sa friend. Dahil sobrang seloso ko. Hahaha! Wala na sa lugar. Anyways, yun nga, then pagkauwi kanina naglunch then natulog na rin. Ngayon kagagaling ko lang ng 7-11. Grabe ang gwapo nung lalakeng nakasabay ko sa counter kanina. Wah! Kaasar. Hahaha! And something I learned this month, mas madaling landiin ang straight na lalake kesa sa bading. Or ewan, baka bading rin yung mga straight na lalake na nakilala ko. Hahaha! Pota! Anyways, it was a day Mr. T! Ang dami kong balita from old internet friends. Some may jowa na, some wala na, some sila pa rin and some nanliligaw pa rin. Wah! Pero okay lang, feeling ko sobrang left behind na ko. Pero pake ko. I won't settle for something less...
O siya, kakacatch up muna ko sa mga chika ng mga kaibigan ko Mr. T! Update you soon Mr. T! :-)