But I Miss You
Mr. T!, namiss ko yung ganito, yung tayong dalawa lang nag-uusap sa hating gabi. Maraming pumapasok sa utak ko lately. Maraming akong tanong tanong sa buhay lately. Sa totoo lang, hindi ko masabi na masaya ko sa lahat ng nangyayari sa kin. Dapat ako maging masaya dahil I have my graduation to look forward to. Okay naman yung pagtatrabaho ko kay Ate. Masaya naman ako dahil andiyan pa rin yung mga kaibigan ko sa tabi ko. Idagdag mo pa yung mga bago kong naging kaibigan. Mr. T!, ewan ko, weird ng nararamdaman ko ngayon kasi kalahati ng sarili ko gusto magmahal, pero yung kalahati, nagsasabing maghintay. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Aaminin ko, nasasaktan pa rin ako sa mga bagay bagay na dapat na hindi naman ako nasasaktan. Baket di ko maiwan-iwan ang nakaraan Mr. T!? Ang hirap sa totoo lang dahil nasa paligid lang ang mga nakakasakit sa kin. Wala akong magagawa. Hindi ko kayang pigilan mga bagay bagay na mangyari. Wala na akong lakas ibalik kung ano ang nangyari at nagkaron ako sa noon. Ayoko na ipilit. Ayoko na hilahin pabalik dahil kung susubukan ko lang gawin mga ginawa ko noon, baka masaktan lang na naman ako. Masyado na kong nasaktan Mr. T! Binubuo ko pa rin sarili at pagkatao ko hanggang ngayon. Hindi yun ganun kadali.
Minsan naiisip ko, parang iniiwan na ko ng oras. I’m being left behind by everybody. Sa career, lovelife, sa progreso ng buhay ng mga tao. Parang andito pa rin ako sa lugar kung san ako nakatayo sa simula’t sapul. Parang never akong umabante dito. Siguro ako lang toh na nagsasabi sa sarili ko. Pero yun ang nararamdaman ko Mr. T! Parang lahat ng tao fast paced ang buhay, baket sa kin parang usad pagong? Or dahil I’m looking at those people I have admired even before. Pero minsan pag tinitignan ko mga taong nasa likod ko na never ko pinansin before, I should be thankful. Parang nasa tamang lugar pa ko.
Gusto ko magmahal Mr. T! Pero ang hirap sa totoo lang. Minsan nararamdaman ko na parang hindi ko na yata kaya magmahal pa muna ulit. Pero kinikilig pa rin naman ako sa mga bagay bagay na pwedeng maging source ng kilig. Hindi pa naman ako jaded. Hindi pa naman ako manhid. I’ll hate myself kung magiging ganun na ko. Ayaw ko maging ganun Mr. T! Walang puso yung mga ganung tao. Parang steady lang muna ang lahat. As much as possible, iniiwasan ko ang mga taong nakikipaglandian sa kin. Dahil ayoko ng may umaasa. Kasi masakit ang umasa. Alam ko yan. I’ve been there before. Ayoko may masaktan ng dahil sa kin. Like those old internet friends I had, mga nanligaw, close naman kami lahat. It's just... uhmm... I don't know, siguro sad dahil sila may mga naging jowa na, may mga karelasyon, may mga ex na etc. tapos ako andito pa rin. Ganitong topic pa rin ang binoblog.
Mga pakilala ng kaibigan na ganito ganyan. Tapos ipapakilala ako sa "flirt"? Okay okay. Friendly ako. Pero hindi ako flirt. Mr. T! alam mo yan. Never ako nageffort para mapansin. Never ako nagpapansin. Dahil once na nag-effort na ko sa isang tao, para sa kin, hindi na flirt yun eh, mahal ko na yun. Kaya I'm really keeping my network as small as possible this time around. Lalayo muna ko sa mundo ng mga bading. I'm gay but I used to have my own world. Our own world. Simple lang ang buhay namin nun Mr. T! Si Jeffrey, Rhitz and Barry. Masaya naman kami na kami kami lang. Masaya naman kami. Sa lahat sa ming magkakaibigan, ako lang naman lagi ang gusto ng bagong gay network eh. Jeffrey never had. Barry never had. Rhitz never had. Ako lang lagi ang friendly. And now nagbaback fire sa kin. Kung pwede lang ireset lahat ng mga bading na nakilala ko. Irereset ko. Pero wala kong pake. Bahala na. Opinion nila yun. Mas kilala ko sarili ko kesa sa kanila. Alam mo, kung flirt ako, siguro dinate ko na yung guy na pinakilala sa kin ng friend ko dati. Pero hello, pero dahil sobrang nirerespeto ko yung kaibigan ko, hindi ako pumayag makipagkita dun sa guy. Baket ako makikipagkita eh dun nga sa friend kong nagpakilala eh hindi pa sila nagkikita di ba? Ang bastos ko naman siguro nun. I'll never do that to a friend. Tapos flirt pa ko ngayon? Walang gamot sa insecure. Hanap ka ng mga lalakeng manliligaw sa yo. Baka pwede ka pang gumaling. Tsk...
Alam mo Mr. T!, I feel blank most of the time. Hindi ko alam baket. Siguro I'm starting to feel numb. Siguro pagod lang ako. Siguro puyat lang ako. Wala na kong maramdaman. Nawala na ata lahat ng nararamdaman ko Mr. T! Hindi ko alam kung masama to or masama. Gusto ko ulit maramdaman mga naramdaman ko nung nagdaang taon. Pero wala na kong lubid pangkapit pabalik. 3 more months and I'll be leaving this blog. Tatlong buwan na lang and never ako nagkaroon ng leading man sa blog na toh. Pero ganun talaga ang buhay Mr. T! It's like that. Mas marunong na ko ngayong tanggapin mga bagay na hindi talaga nakalaan para sa kin.
Naguguluhan na ko sa mga pinagsusulat ko Mr. T! Parang wala na siyang sense. Hindi na cohesive mga sentences ko! Sige tatapusin ko na toh. I still love you Mr. T! I still enjoy ya and I appreciate ya. Kulang lang ata ako sa tulog kaya pasensya na. Update you soon. :) I miss my old self...
muhh (guest)

masarap sapakin unang nagsimula nito,
pero,
may point siya.
"in the end, mamamatay ka rin, mamamatay rin sila, PERIOD."
may mali sa ganung klaseng parang nihilism,
pero,
may point talaga eh.
parang
"wala kang mahahawakan--success, lovelife, beauty--, kasi lahat 'yan mawawala rin in the end."