Grabe Mr. T! Parang nakalimutan ko na kung paano magblog at magkwento. Kumusta ka naman muna di ba? Grabe, ako naman okay lang. Actually, kagagaling ko lang sa Trinoma then sa burol ng lolo ni Tin sa Loyola. O di ba? Wala pa kong tulog niyan! Kailangan ko lang talaga iressurect ang aking social life dahil ilang weeks na kong patay and wala sa circulation ng mga bagay bagay. Anyways, uunahin ko na muna ang nangyari kanina sa Trinoma. Yung ibang kwento bukas na.

Siguro last EB ko pa ata eh yung kaya Boch! Hahaha! Ang tagal na nun Mr. T! Wala pa siyang Tabulas nun! Nahawa sa kin! In fairness Boch, miss na kita!

Anyways, mabalik tayo sa aking kwento --- yep, Grand EB dapat ng mga Tabulista and Blogger friends kanina. Pero aapat lang kami kanina. Grabe! Pero okay lang. Masaya naman. Maiinggit na lang yung hindi nakasali! Hahaha! Joke… anyways, sobrang saya kanina Mr. T! Siyempre eto ang mga present: SUPERCUTIEMAX, PRINCESSCHA and CLEOTIE. And siyempre, ako, si SUBTLEBLISS! Weee… una sa Kenny Rogers nagkita. Tapos nagisip isip kung anong gagawin. Eh text ni Cha gusto niya maaliw. Gusto ko kumain at magusap though, pero mukha maaliw lahat kung magreRed Box kami di ba? So pumunta kami dun…

Kumunta, tumawa, nag-iced tea at nagbiritan and nagharutan! Hahaha! Si Camil super hawak sa kin! Yak! Hahaha! Lesbian! Hahaha! Anyways, pictures up ahead:

image

image image
image image
image image

O di ba Mr. T! Ang saya saya namin? Matitinong pics though ang nilagay ko. Ang daming sabog na pics eh. Nasa blog na ng mga babae yung mga ibang pics! Hahaha! Tapos tapos, eto, kasi si Camil (Cutiemax), inaasar namin dun sa nagseserve sa room namin. Hahaha! Ayun, grabe, hindi ko alam baket ako yung nagpapicture dun kay Harry! Wahahaha! Lakas ng trip namin kanina Mr. T! Tapos feeling artista naman ako kasi pinagvivideohan nila ko nung kumanta ko ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin! Please wag ipost! Hahaha! Kasi ang sagwa ng boses ko dun eh. Seryoso. I can do better. Sobrang muffled and sobrang weird sounding ng boses ko. Pwede sa susunod na lang na tayo magkita saka niyo na lang ipost? Hahaha!

Basta yun Mr. T! Sobrang saya, too bad those people who said they’re coming weren’t able to come. Pero kanya kanyang trip talaga yan! Hahaha! Basta ang saya saya talaga kaninna. Ewan ko ba. Nakita ko rin sa wakas in person yung mga tao sa likod ng mga blogs nila. Aylavet Mr. T! Sobrang saya! Sana sa susunod, mas bongga ang Grand EB! Dapat paghandaan ng bongga toh!

Basta ang saya saya. O di ba paulit ulit ako. Basta, grabe, feeling ko binalahura ko na pagkatao ko kanina para masaya ang lahat! Hahaha! Natatawa ko sa sinabi ni Cha kanina:

Cha : Grabe sobrang mukhang lalake ka talaga! Wag ka lang magsasalita at gagalaw! Hahaha!

Oo sige. Sa susunod nakafreeze na ko pag nagkita ulit tayo! Hahahaha! At hindi ka mataba Cha ha! Payat lang kami! Hahaha! Fun fun fun sobra Mr. T! Sinong mag-aakala na may bago na naman akong friends dito sa Tabulas. And yeah, para kay Cha, sobrang I feel you nung sinabi mong may nabubuo ring romance sa Tabulas. Sobrang totoo yun. Sobrang daming pwedeng mangyari sa isang blog at sa mga nagsusulat nito. Pwede ring may halaga ang isang blog nung isang tao sa ibang tao. Sobrang I feel it. Hahaha! Labo noh Mr. T!? Basta, salamat Cha, Cleotie, Camil! I enjoy ya, I appreciate ya all! Nakakatuwa kayo. Sana nag-enjoy kayo sa pagtambling ko at pagkain ng apoy! Wahahaha! Anways, salamat salamat salamat. You gurls made my day. Thanks. :D Dapat maulit talaga toh! At dapat naka-uniform na tayo kasi mga mukha naman tayong estudyante, though technically, ako estudyante pa talaga! Hahaha! Yiheee... si Cha mukhang student raw! Wag raw pag-usapan ang age sabi ni Cha! Hahaha!

Sorry kung hindi ganun kadetalye and kaayos ang entry na toh. May mga entry rin naman yung mga babaitang kasama ko kanina sa mga blog nila. Dagdag details din yun! Hahaha! So yun, sobrang hindi pa ko natutulog Mr. T! I gotta get me some sleep muna! Good night Mr. T! Kinikilig ako! (*Smugs*) Hahaha!

Currently feeling: sleep
Posted by jjcobwebb on March 23, 2009 at 12:16 AM in Everyday Drama, Malling | 11 comment(s)
Comment posted on March 25th, 2009 at 07:35 PM
at huli na nung nabasa kong may ganitong pangyayari, pero hindi pa rin pala ako makakapunta if ever dahil family day kami nun...next tym, next tym sama ako...hehe :D
Comment posted on March 25th, 2009 at 04:08 PM
ang shaya shaya nyo grabe kakainggit hehe : P
Comment posted on March 23rd, 2009 at 11:29 PM
sama ako next time ha! huhuhu!
Comment posted on March 23rd, 2009 at 08:56 PM
"Tapos feeling artista naman ako kasi pinagvivideohan nila ko nung kumanta ko ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin!"

--sorry naman, eh ang sakit lang talaga sa ngala-ngala nung birit mo eh. Hahah! malay mo, mahigitan mo pa si Charice =]
Comment posted on March 23rd, 2009 at 05:15 PM
ahahaha... feelingers ka naman! mukha nga tayong magjowa dun sa pinakataas na pic o! hahaha

ipa-public ko forever yung video mo sa multiply mo. malay mo sumikat ka! :D
Comment posted on March 23rd, 2009 at 08:34 AM
ayun, okay na. ahahahaha!

mukhang hinaharass mo ako sa pic nating dalawa, ahahahaha!

jjcobwebb (guest)

Comment posted on March 23rd, 2009 at 08:38 AM
hahaha... first time ko makakita ng naharass na nakasmile pa rin kasama ang nagharass! hahaha!
Comment posted on March 23rd, 2009 at 08:43 AM
aba shempre, may camera kaya dapat laging naka-smile. ahahahaha!

jjcobwebb (guest)

Comment posted on March 23rd, 2009 at 09:07 AM
loka... hahaha!

GHV2 (guest)

Comment posted on March 23rd, 2009 at 08:24 AM
Daya!

jjcobwebb (guest)

Comment posted on March 23rd, 2009 at 08:26 AM
sa susunod dapat kasali ka na ha!
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.