Bedtime Stories
O di ba real time yung update ko kanina? Straight from my phone! Hahaha! Anyways, just got home. At tapos na rin sa wakas yung A Very Special Love na dinodownload ko! Hahaha! Bukas ko na lang panonoorin.
So yun, ang ganda ng Bedtime Stories Mr. T! Hays... mga ganung palabas ata talaga mga gusto ko. Yung tamang feel good lang. And nung nasa kotse na kami ni Barry, narealize namin, halos lahat ata ng movie ni Adam Sandler eh napanood namin sa movie house. Natuwa kami. Walt Disney ang gumawa ng movie. Sila rin gumawa ng paborito kong movie na Enchanted. Just imagine mga kinukwento mo nagiging totoo the next day? Aliw noh? Naalala ko tuloy nung ako pinagbabantay nung mga kapatid ko sa mga pamangkin ko nung maliliit pa sila and nagiimbento ko ng mga kwento bago sila matulog. What if yung mga kinwento ko naging totoo lahat noh? Ang saya siguro.
Ewan ko Mr. T!, feeling ko magugustuhan ng mga pamangkin ko yung palabas kung mapanood nila yun eh. Mahilig ako sa mga palabas na pambata. Wala kasi talaga yung utak ko sa totoong mundo eh. I believe in happy endings. In fairies, in fantasies, in dragons, in damsels in distress, in knights in shining armor. They make me feel good. Kahit alam kong wala naman talaga. They provide me an escape from the real world Mr. T! This harsh lonely cruel world. May ganun? Haha! Pero seriously, hap piness is within our reach. Responsible tayo sa ating happiness. And masaya kong nagmamake-believe. They make us feel good. Haha! Don't we all sometimes make-believe? Bato na lang siguro ang hindi nagmamake-believe.
Anyways, nakasmile kami ni Barry paglabas namin ng movie house. Feel good movie talaga. Tapos nabuksan na naman ang issue ng happy ending sa conversation namin ni Barry. Sabi ko I still believe in one. Si Barry hindi na raw sigurado. Different endings for different people I guess. Different reasons for different people too. Isa lang ang sure ako, minsan sa buhay ng mga tao, makakadama sila ng happy ending nila, kahit pagtapos nung happy ending na yun eh nainlove si Prince Charming sa kapatid ni Cinderella. Haha! NagkaHappy ending pa rin!
So ayun, update you soon Mr. T! Antok na ko and pupunta na naman ako sa school bukas para sa JAPALA1. At napanood na rin pala ni Rhitz yung movie kahit di niya napalabas. At goodness, ang gaganda ng trailer kanina sa movie house! Ano ba yun Mr. T! Lalo na yung Dragonball Evolution! Kaatat naman yun! Alam mo naman na naging Dragonball Z fan ako nung bata ako! Amp! Nakakatuwa. At manghangmangha kami sa poster ng Changeling ni Angelina Mr. T! Goddess ang lola mo! Kainis! Kasambasamba! Hahaha! At may palabas si Chace Crawford na coming soon din! Kaso mukhang horror! Wala kong balak panoorin! Hahaha!
Sige sige, update you soon Mr. T! At madownload nga ang The Sisterhood of the Travelling Pants! Kwento ng kwento about dun si Barry kanina! Macheck nga kung baket hindi makaget over si Barry!
Sige Mr. T! I'm out! :-)