A Few Stolen Moments Daw
"Hoy, kabit ka na naman raw ah..."
PUTA! Yan nareceive kong text kanina pagkagising ko. OMG lang Mr. T! Kaninong kabit? Never ako naging kabit pucha. When I tried asking kung san na naman napulot yan. Eto reply ng kaibigan ko...
"Nakita ka raw sa Bed kausap mo yung kaibigan ng kaibigan ko na super usap raw kayo. Kulang na lang maghalikan kayo sa sobrang lapit ng mga mukha niyo. May jowa yun..."
OMG ulit. OMG. Shet. Wahhh... ano ba ito? Kabit issues never leave me. Like last year and last last year. Friendly lang talaga ko Mr. T! At baket naman ako kakabit di ba? Hindi ako yan. Ayoko makasira ng mga relasyon alam mo yan. I don't want those things to happen to me. Magkalapit na mukha? Ang ingay kaya sa Bed noh! Lakas ng tugtog. Magkakapalit talaga kayo ng mukha ng kausap ko para magkarinigan lang. Grabe talaga Mr. T! Natawa na lang ako nung nabasa ko yun. At hindi ko nga kilala kung sino sa mga nakausap ko yung kaibigan niya eh. Amp! Natatawa talaga ko. Funny funny funny...
Siguro marami akong kaibigang may mga jowa and close kami. Pero hello naman, para kumabit ako sa kanila? Ano ko desperado? Hello hello talaga, ako? Magpapakabit lang ako? Hahaha! Hindi na ko tinantanan ng mga kabit issues na yan talaga shetness. Natatawa na lang.
Ngayon alam ko na hindi advantage ang may maraming kilala. Minsan kasi yung mga bago mong makikilala kilala pala ng kabigan mo na kilala ni ganito ganyan at ganoon. Hirap di ba? Sa mundo ng mga bakla where everyone is connected nowadays, minsan gusto mo na lang muna umalis sa mundo na yun at manahimik. Malalagay at malalagay ka talaga sa box sa ayaw at sa gusto mo. OMG ulit. Majujudge ka agad. Prejudice. Sana mamatay na yang issue na yan na kumakabit ako. Kasi hindi talaga eh. At never mangyayaring magiging kabit ako. Susme. Kahit gusto ko yung Saving All My Love for You na kanta ni Whitney Houston, never ko magiging theme song yun. Tantanan niyo na ko please. Minsan nakakatamad tuloy mag YM. Amp! Mamaya na nga update Mr. T! Natatawa kasi ako eh.
Bigla kong naalala sina Aubrey, Tin and Deck! Tinatawag din akong kabit last year. Pati sina Barry and Rhitz, tinatawag din akong kabit at naninira ng mga relasyon! Wahahaha... pero siyempre joke lang nila yun. At kung nasira man mga relasyon ng mga kaibigan kong may jowa last year, for sure hindi ako yung dahilan! Hindi ako kabit. Okay? At wala akong plano maging kabit. Ka-cheapan!
Aubrey (guest)
muhh (guest)

on your issues-ish with gay culture: try mo maghanap ng jowa outside the culture. siguro wag mo muna isipin kung jowa material ba ung prospect mo. there's more to relationships than ideals, compatibility... try being friends, as in superplatonic, muna. some relationships work that way. ewan. baka gumana sayo. meh. parang intimacy-passion-commitment. ewan. basta.
jjcobwebb (guest)