2008: Pagbabalik Tanaw
This is a nice comparison of what happened in 2008:
![]() | ![]() |
2007 | 2008 |
Bago magsimula ang taon, pwede ba kong magsabi ng “Touch My Body”. Ngayong patapos na ang 2008, “Retouch My Body” na ang aking sigaw. Hahaha! Ayan, talo talo na kami nina Barry and Rhitz and Jeffrey. Malalaki na tiyan naming lahat! Hahaha! Fun fun fun! Pero nakakalungkot. Diyos ko Lord, maibabalik ko pa ba yang tiyan na yan? Sadness pero ang sarap kasi lumamon ng lumamon. Hays… isa lang ibig sabihin nito, sobrang naging masagana ang aking 2008.
Sari-saring kwento ang mga naganap. Iba’t ibang emotions. Iba’t ibang tao. Iba’t ibang simula at ending. May mga lumisan, may mga nagbalik, may iba nagsibalik, may iba umalis for good. Sobrang erratic ng 2008 Mr. T! Sobrang dami ng nangyari.
Isang simpleng pagbabalik-tanaw ng mga nangyari ngayong taon. Ayoko iwan ang 2008 na nagdadrama ako:
Simula ng dito may New Year si Papa hanggang sa first time nagbirthday si Papa dito hanggang nadelay ang flight niya. Hanggang naospital si Tita Nita, hanggang namatay. Hanggang nagpakalbo ko, hanggang nakapasa kami ng METHODS. Hanggang sa nagBataan, La Union, Baguio and Ilocos. Hanggang sa nagLaguna, hanggang sa Tagaytay, hanggang sa Cavite, hanggang sa paglalamyerda sa mga bagong bukas na mall. Hanggang sa nainlove ako, hanggang sa nabigo. Hanggang for the first time pinayungan ako ng isang lalake, hanggang sa may kasabay akong magsimbang lalake. Hanggang sa nohold-up ako. Hanggang sa nakasira raw ako ng mga relasyon. Hanggang sa tinawag akong kabit ng mga tao. Hanggang hindi ko na alam kung ano talaga ang lugar ko. Hanggang sa marami akong nakilalang tao ngayong taon. Hanggang sa naiyak ako sa harapan ng mga tao. Hanggang sa pinagsarahan ako ng pinto, hanggang sinubukan kong maging maunawain at mapagpasensya. Hanggang sa nagtago ako ng mga bagay na dapat itago. Hanggang sa magpaliwanag ako ng mga kasinungalingan. Hanggang makapunta ulit ako sa mga lugar na ayaw ko ng puntahan, hanggang makapunta ko mga lugar na nais ko muling puntahan. Sa lahat ng mga nakainan ko hanggang sa mga napasukan kong bar. Hanggang sa Trinoma, Greenbelt, Greenhills, MOA, Glorietta and kung san san pa. Hanggang nakalimutan ko na sarili ko para sa ibang tao. Hanggang sa naging tanga ko kamamahal. Hanggang sa pag-iwas ko sa mga taong nakasakit sa kin at nasaktan. Hanggang sa pagbintangan ako ng kung anu-ano. Hanggang nagkakOJT ako. Hanggang tinapos ng mga tao communications nila sa kin. Hanggang sa nagbalik mga dating kaibigan, hanggang nag nakarating dito si Rihanna. Ang mga natanggap kong regalo nung birthday ko at Pasko hanggang sa mga nabigay ko sa ibang tao. Hanggang sa paglalakad ko mula dito kung hanggang san. Hanggang sa bawat ngiti kong nagpasaya sa iba. Mga luha kong kinagulat ng iba. Mga taong nagsidating at lumisan. Hanggang sa pamilya kong mahal na mahal ako. Hanggang nakapasa rin sa wakas ng thesis, hanggang sa malapit na ko grumaduate. Sa mga taong nakausap ko lang ng isang beses, sa mga taong nakilala ko lang ng isang gabi. Hanggang sa mga taong matagal ko ng kilala na nag-uusap pa rin kami. Sa lahat ng taon minahal ako. At higit sa lahat, sa mga taong minahal ko at naging parte ng buhay ko ngayong 2008, andito kayo sa puso ko anu’t ano mang mangyari.
It was helluva a year Mr. T! And I loved everything that happened this year. Wala akong pinagsisihan. I made the most out of life I guess. 23 na ko, next year Year of the Ox na, that means 24 na ko. Sana marami pa kong tao na makilala ang matuto ako sa kanila. Sana rin marami akong maranasan na bagay na hindi ko pa nararanasan para naman lumawak pa ng lumawak ang aking kaisipan. Sana sa susunod na taon, marami pa kong matutunang mga bagong bagay. Makapagshare pa ng masasayang kwento and mapasaya pa ang maraming tao. Sa lahat ng nangyari masaya ko. I wouldn’t have been this stronger kung hindi dumaan ang 2008. :-) And for sure, sa 2009, there will still be 3 sets of people that I will still care about: family, friends, and the people I love. And it has always been like that. At sana maging kasinsagana ng 2008 ang 2009 at mga darating pang taon. Kung pwede sana eh higit na masaga. So ayun Mr. T! Hindi ko muna isasara ang libro ng 2008 dahil may ipopost pa ko. Hahaha! Isa lang masasabi ko, 2009, ready na ko para sa yo. :-)
allen (guest)
freethinker (guest)

Aubrey (guest)
coffeecat

princesscha

jong

sayang ang abs, please mag-workout ka! :)
trestreschic

sweetlemon

GHV2 (guest)
HAPPY NEW YEAR JACOB!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! wekwekwek