Top Songs 2008: 3-1
3. So Close by John Mclaughlin
"Romantic dreams must die. So I bid mine goodbye and never knew..."
From the movie Enchanted. Never pa kong naiyak sa isang kanta Mr. T! Pwera na lang kung yung song sa libing ko narinig. Pero etong kantang toh, grabe, shet, naalala ko. Hahaha! Habang nagtatype ako nun, iyak ako ng iyak and siya yung background music. Hanggang nung nag umaga nung araw na yun, siya tumutugtog. Nirepeat ko kasi. Sobrang iyak ako ng iyak nun. Pati si Sheila na katulong namin nun tinanong ako baket ako iyak ng iyak at ang lungkot pa ng pinakikinggan ko. We all love dramas. Masyado kong naging madrama ngayong taon na toh. Pero it felt good. Hindi ko makakalimutan tong kantang toh. Sobra akong pina-iyak nito...
2. Touch My Body by Mariah Carey
"Cause if you run your mouth and brag about this secret rendezvous, I will hunt you down..."
First single ni Mariah sa bago niyang album na E=MC2. Naboringan ako nung una kong narinig. Promiscuous sabi ko. Pero nung nakita ko yung video. Naaliw ako. May sense of humor naman pala idol ko Mr. T! Earlier this year, mga January-March, eto ang headline ng lahat ng profile ko online. Aliw na aliw ako sa kantang toh until now. Sa totoo lang, ang dami kong naaalalang lalaking nakilala ko ngayong taon na toh sa kantang toh. Haha! The song is fun. At parang gusto ko ulit siyang kantahin sa mga tao sa 2009. Haha! And isang reason baket nakakaaliw tong song na toh is because of Dong-won Kim. Search niyo sa Youtube. Haha!
1. Disturbia by Rihanna
"What's wrong with me? Why do I feel like this? I go crazy now..."
Mahal ko tong kantang toh. From August til now, when I sing this song to myself, I feel happy. Really, nung mga first week ko sa OJT, malungkot ako alam mo yan Mr. T! Pero isang play ko lang nito sa iPod ko, sumasaya ko. Weird. Lalo na pag nag BAM BAM DI RAM DUM DUM BI RAM DUM na si Rihanna. Sumasaya ako. Pag maglalakad ako til EDSA, irerepeat ko toh sa iPod ko. Pag nasa bus, eto pa rin yung song hanggang makauwi. Haha! I love the video too Mr. T! Magaling mga nagdidirect ng video ni Rihanna. Sad nga lang, hindi masyadong binigyan pansin ni Rihanna tong song na toh nung kinanta niya to nung concert niya dito. Parang feeling ko it would have been better. Pero tapos na yun and nasa record na naman toh. Yung version naman nito eh yun studio version. I love this song. I love the video of this song. I love Rihanna. :-) And til now, most played pa rin siya sa iPod ko. Hahaha!