Disclaimer: Since papatayin ako ng mahal kong kaibigan pag lumabas name niya dito. Walang lalabas na kahit anong pangalan sa entry na toh. Hahaha! Masyadong maintriga buhay niya ngayon and ayaw niyang may dumagdag pang intriga sa buhay niya. So yun…

Pumunta ko sa Greenhills para dun ako makipagkita sa bahay nila. At may balikbayan box si friend. At may sobrang funny na shirt ang pasalubong niya sa kin. Kala ko kaming 2 lang pupunta sa Serendra, wow kasama buong pamilya niya. Though close ko naman lahat, kaya fun din. Dad niya nagdrive and yun. Off to Serendra na. Tawanan kami ng tawanan sa kotse. Or dahil ang ingay ko sa kotse? Hahaha! Anyways, yun, had dinner sa Serendra. Forgot the resto’s name. Then dessert sa Cupcakes kung san siya nagkuwento about sa lugar na pinuntahan niya Mr. T! I was smiling the whole time nagkukuwento si friend. Kinikilig ako grabe. Nung sabi niyang ako naman daw magkwento, eto sinabi ko:

“Gusto mong humagulgol ako ngayon dito sa Serendra? Hahaha!”

Pero nagkuwento naman ako Mr. T! And yeah, natatanga tayo sa love Mr. T! And sabi ko na wala akong pinagsisisihan. Maraming insights si friend. Malamang ang talino nun! Shet! Ang sarap ng usapan namin last night. Hahaha! Imagine mo nakaupo lang sa may mga bushes dun sa BHS and tawanan and kuwentuhan lang. Lumayo kami dun sa kapatid niya kasi baka marinig pinaguusapan namin at patay siya. Haha! Then nagFully Booked. Pinuntahan pa yung parents niya sa Italiani’s para ipakilala sa mga amigos and amigas nila. Pati ako pinakilala as AMPON! Amp! Haha! Then tinuloy yung kuwentuhan. May natutunan ako kagabi Mr. T! Kung mahalaga ka talaga sa isang tao, ipapakita and ipapadama niya yun sa yo kahit di niya sabihin. Mararamdaman mo yun. Pero kung wala talaga, at hindi ka naman talaga gaano kahalaga sa isang tao, mapapagod siya sa kapapahalaga sa yo at titigil. Mararamdaman mong hindi ka na mahalaga kahit sabihin niya pang mahalaga ka pa rin.

Nice noh? Magaling talaga si friend. Kung ang isang tao raw di ka kaya pahalagahan, he’s not worth it. Hindi siya karapatdapat sa pagmamahal na ibibigay mo. May tao diyang kaya pahalagahan lahat ng bagay, maliit man or malaki, at kayang suklian sa yo ng buong buo or higit pa ang pagmamahal at pagpapahalaga na binibigay mo. Kung ayaw nila, di wag.

Malabo talaga ko magexplain pero nagets ko yan. Super nakasmile ako habang naguusap kami sa damuhan. Hahaha! Habang nagpapahamog kami sa lamig nung hanging kagabi. Around 2AM hindi pa rin kami umuuwi. Sabi ko mauuna na ko. So nagcab ako pauwi and iniwan ko na silang magpapamilya dun. Antok na kasi ako talaga eh. Pero sobrang saya kagabi Mr. T! Ang daming pinarealize sa kin ni friend.

So yun, it was a night. Naaliw pa ko dun sa BF nung kapatid ni friend. Babae yung kapatid. Pinakilala kasi sa min yung jowa habang kumakain kami sa Serendra. Ayun eto sabi sa kin which made my day:

Hoy sabi ng boyfriend ko gwapo mo raw. Ganito pa pagkasabi ‘Shit ang gwapo nung isa’”

“Thanks pero sabihin mo wala siyang galang. Maganda ko. At sabihin mo bakla siya! Hahaha!”

 Weird lang, Mr. Literature daw yung guy sa UST. Pero kami ni friend and isang kapatid,

“WTF? Mr. Literature yun? Parang pet eh! Joke!"

Masama kami. Hahaha!

Pero yun nga. Namiss ko si friend. Hahaha! At iba trip namin minsan. Parang nung mga Grade 5 lang kami yung trip namin kagabi. Yung uupo kami sa football field. Magkukuwentuhan habang mahangin. Last night was exactly like that. Nasa may halamanan kami. Mahangin. Nagkukuwentuhan. That is life. I love it. And yeah, ang dami naming nakasalubong na Xaverians kagabi sa Serendra yung iba kabatch pa namin. It was a nice night/morning Mr. T! Really really nice. :-)

"So nagkiss ba kayo and you know?"

"Hindi"

"Hay naku! I don't believe you! Tsk naman! Kwento na kasi! Yung totoo!"

"Hindi nga! Eh di sana kinwento ko na sa yo! Wala talaga wala!"

"I don't believe you. I don't believe you. Friendship over na toh! Hahaha!"

"Sira ka talaga! Sa hindi nga eh! Wala talaga Jacob promise!"

"Sa tagal niyo dun wala?"

"Yep wala"

"Hindi ka man lang nademonyo?"

"Malamang oo. Pero nakakahiya eh"

"Shet ka! Nakakaasar ka! Kung ako yun naku! Lintik lang ang walang latay! Hahaha!"

"Demonyo ka naman talaga kasi! Hahaha!"

"I know! Hahahaha!"

Currently listening to: I'm Your by Jason Mraz
Currently reading: Jeffrey's YM Window
Currently feeling: sleepy
Posted by jjcobwebb on December 29, 2008 at 03:00 AM in Everyday Drama, Malling | 1 comment(s)
Comment posted on December 29th, 2008 at 08:46 AM
"Kung mahalaga ka talaga sa isang tao, ipapakita and ipapadama niya yun sa yo kahit di niya sabihin. Mararamdaman mo yun."

korek ka jan. :)
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.