"Make my wish come true. All I want for Christmas is you" - Mariah Carey

Weeee.... nasa bahay na ko. Kauuwi ko lang. Nagshopping sa Fully Booked bago umuwi. Tapos biglang umulan siomai! Tapos dapat maglulunch kaming 3 nina Ms. Lei and Ms. Diane, libre ni Ms. Lei kaso half day ako kaya silang dalawa na lang. Ayun, may regalo sa kin si Ms. Lei. Dami kong regalo galing sa mga tao sa HSBC. Haha! Then nagMerry Christmas din ako sa mga natitirang tao sa ODD. Pumasok ako sa office ni Ma'm Virgie:

Jacob : Ma'm Virg, Merry Christmas po and Happy New Year! *SMILES*
Ma'm Virg : Ay same to you. Wait kiss kita para masabi kong nakakiss naman ako ng WEBB. Haha!

Jacob
: Sige po. Hahaha!
*Kiss sa cheeks*

It felt nice. Nagdagdag din ako sa mga sinakyan kong cab ngayon. Binigyan ko na rin ng pamasko mga kasambahay namin. I feel so Christmas already. Kanina ang dami kong dala kanina tapos bigla pa talagang umulan. Buti nakapara agad ako ng taxi sa Market Market. So yun. Sana mamaya huwag pag nagsimba kami. Binalot na rin ng kasambahay yung mga binili ko Mr. T! And ngayon matutulog na muna ko. Para may energy mamayang gabi. Sige sige. Happy Holidays. :-) Ang saya saya ko. :-) Yung Wowowee rin kanina ang saya saya. Tawa ko ng tawa sa mga batang contestants! Weeee...

At para kay Jeffrey:

Sana next year andito ka na sa Pasko para masaya! Weee.... at feeling ko binabasa na naman ng Kuya ko tong blog ko. Sige sige Mr. T!

All I want for Christmas is you...ohhhh....ooooohhh.... baby! Yay! Pasko na mamaya!

Currently listening to: All I Want For Christmas Is You by Mariah Carey
Currently feeling: happy but sleepy
Posted by jjcobwebb on December 24, 2008 at 02:45 PM in Everyday Drama | 8 comment(s)
Comment posted on December 25th, 2008 at 10:40 PM
kamag-anak mo ba sina hubert? kiss na nga din kita pag nagkita tayo para naka-kiss na din ako sa webb, ahahaha!

jjcobwebb (guest)

Comment posted on December 25th, 2008 at 11:15 PM
hahaha... sira! lolz...
Comment posted on December 24th, 2008 at 10:44 PM
jacob! dumaan ako kanina sa workstation mo kaso umuwi ka na daw.. pa hug sana! :)
anyway, merry christmas to you & your family! god bless you! see you jan 5! -jamie
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

jjcobwebb (guest)

Comment posted on December 25th, 2008 at 01:59 AM
hey jamie! tinanong ko rin kay macky kanina kung pumasok ka. igeegreet din dapat kita. kaso wala ka raw sa opis. babatiin sana rin kita ng Merry Christmas. :-D sige see you na lang next year. :-)
Comment posted on December 24th, 2008 at 07:08 PM
ay nakalimutan ko pa, (sorry naman po, matanda na kasi.. hehe) wish ko din magkasama-sama kayo ulit nina jeffrey, rhitz and barry sa isang bonggang bonggang get together! :)

jjcobwebb (guest)

Comment posted on December 25th, 2008 at 01:57 AM
hayz. naku. may iboblog ako about that. anyways. sana. pero mukhang malabo na ata. :-)
Comment posted on December 24th, 2008 at 07:01 PM
wish ko din sa yo girl, lahat ng kung anu man ung wish mo!!! :)

merry christmas! :)

jjcobwebb (guest)

Comment posted on December 25th, 2008 at 01:56 AM
thanks mommy. :-D merry xmas din sa yo and sa family mo! :-)