Shucks baket ba ko nagood night sa yo Mr. T! Eh hindi naman pala ako matutulog! Haha! Anyways, galing kaming Galleria nina Mama and Emo and Wyna (yaya ni Emo). Bumili ng sapatos si Mama, ng papel si Emo and ako nagpagupit sa Vivere. Hindi ko dala phone ko, pagdating ko, ang dami kong miss calls galing kay Barry. Pinapupunta kong Gateway. Okay, 9PM asa Gateway na ko. Kasama niya si Rhitz sa CBTL. Nag-usap usap. At tumaba na naman si Barry Mr. T! Yung pasalubong ni Rhitz nakalimutan niya. Sabi ko ayaw ko ng kape, gusto ko JUNGLE JUICE. Haha! So pasok kami Rustan's pero wala. So Shopwise. Pero wala rin. Haha! So bumili akong 4 na Zest-O. Haha! Then usap usap habang naglalakad sa saradong Gateway. Then around 10:30PM umuwi na rin kami agad. Si Barry sa kotse niya. Si Rhitz sa kotse niya. Ako sa terminal ng jeep. Ang hirap ko shet! Haha! Anyways yun nangyari kanina. Wala ring pasok dahil Immaculate Concepcion. Tapos nung 7 pala 27 na yung pinsan kong si Cathy! Weee! Tapos in less than 8 hours, isang pagbabago ang pwedeng maganap Mr. T! God, gagawin ko po lahat ng makakaya ko. Tulungan niyo na lang po ako. :-) Kami. :-) Natuwa naman ako sa nagcomment sa blog ko sa Multiply Mr. T!

"Fear is not real but rather something we gain from observation and listening to others. Take a gamble; find out the true answer for yourself." - kaya naman when it comes to the affairs of the heart, it pays at times na hindi maging "siguradong-sigurado". Take a chance. Immerse yourself. Love ;-)"

"Sabi nga ni Longfellow: Talk not of wasted affection; affection never was wasted.."

Mr. T!, yung nagcomment niyan, siya lang actually kausap ko ng matino buong time nung Saturday night. Nagkausap na kami before pero nung Saturday lang kami nagkausap ng maayos. Lahat kasi ng kinakausap ko tawa ko ng tawa at kalandian lang pinaguusapan namin eh. Masarap kausap yung nagcomment niyan. First time kong nakakilala ng tao na puros may sense ang sinasabi. Pero I don't know. Baka. Baka hindi. And yeah, magkikita kami mamaya sa school. :-) Pero sorry, hot pa rin talaga si -------. Haha!

And whatever compliments I got from other people nung Saturday night, I'll keep them in mind. Bumabalik na ulit confidence level ko. And ayon nga kay Danny: "Ay naku Jacob, hair mo abot hanggang Japan!". Haha!

Dahil nagtag siya sa aking tagboard. Gawin natin siyang Star. This is late but whenever I think about this conversation I laugh:

May nagtitiwala pa pala sa kin. Haha! Eh paano kung nilalandi ko talaga jowa mo? Hahaha! Joke lang! Haha! :-) Salamat sa pagtitiwala mo sa kin at sa jowa mo! Alagaan mo yang jowa mo ha! :-D Sana wag kayo magsawa sa isa't isa :-) Okay lang na minsan mag-aaway kayo pag UAAP, pero masaya naman yun! Haha! Yan, nagtag ka kasi. Ang tagal na nating friend online pero in person di pa tayo nag-uusap. Haha! At alam mo kung sino ka! Ikaw si Julius. Haha!

Ayan, super updated ka na ulit Mr. T! :-D

Currently reading: Demo Kit
Currently feeling: zombie-like
Posted by jjcobwebb on December 9, 2008 at 01:34 AM in Everyday Drama | 4 comment(s)

Julius (guest)

Comment posted on December 9th, 2008 at 10:24 PM
kahit wala pa akong 1 year sa ateneo e atenista muna ako until maging champion ulet ang la salle. hahaha!

jjcobwebb (guest)

Comment posted on December 10th, 2008 at 10:58 AM
CHE! Shet ka! hahaha!
Comment posted on December 9th, 2008 at 01:11 PM
ay?! nain-secure sa yo si ------? haha!
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

jjcobwebb (guest)

Comment posted on December 10th, 2008 at 10:59 AM
hindi naman. hahaha... friends kami. lol