Get Back
Hindi ako pumasok sa office Mr. T! Sabi ko sa yo tinatamad ako. Nung
malaman kong pwede palang idefer yung grade, parang gusto ko ng
umabsent ng umabsent. Never ko nagustuhan ang ulan. Nalulungkot ako pag
may ulan. Natulog ako sa bahay the whole time. Mga 7pm ako nagising. Natulog ako mga afternoon.
Was able to chat with Jeffrey the afternoon. Si Rhitz gusto mag-out of town. Si Barry as usual kabaliwan pinag-uusapan namin sa net. And then I had this very long time internet friend. School mates kami. Pero we never got a chance to talk in person. YM lang talaga. Binabasa niya pa rin pala blog ko. And naschock ako sa mga tinanong niya sa kin. Small world.
I visited a friend today. Kauuwi ko lang actually. Grabe, nagulat ako nung ibang lalake kasama niya sa condo niya. So I asked kung bago yun. Sabi niya oo. Nagring phone niya, sabi niya sagutin ko. Grabe, yung totoong jowa niya ang tumatawag. I pretended nasa CR yung friend ko. Lumabas muna ko para ientertain yung guy sa phone. Para hindi mapahamak kaibigan ko. Hindi lang yun, after nun, may nagtext sa isang phone ng kaibigan ko, ibang guy naman. Pero ako ang nagbasa ng message. Actually, to make the story short, 5 lalake pinagsasabay sabay niya ngayon. Nakakalungkot. Baket may mga taong ganun? Anong nakukuha nila sa paglalaro ng mga tao? Inferiority complex ba ang dahilan? Self indulgence? Ano? I just don't get it Mr. T! Sabi nga ng kaibigan ko bigyan niya ko ng guy, no thanks sabi ko. Or hindi lang ako marunong makipaglaro?As much as I want to. Hindi ko talaga kaya maglaro ng tao.
Ayun, inaantok na naman ako. Dapat magpapagupit ako Mr. T! Pagpapaliban ko muna til February. Pahahabain ko muna hanggang leeg. Sana makayanan ko.
And tulad nga nung kaibigang nakausap ko kagabi Mr. T! Sobra ko naging busy ngayong taon. With specific people, with specific things. My emotions have been erratic. Halatang broken pa rin daw ako. Mabubuo ako ulit sabi ko. Hindi pa ngayon. Tama siya, walang tinago yung blog ko ngayong taon sa mga nararamdaman ko. Nakalimutan ko mga importanteng bagay that matter the most. I'm getting them back.